TMB 30

4K 90 3
                                    


-Summer-

*

"Aliyah, huwag mo ng gawin yun kung ayaw mong pagdudahan ka lalo ni Pearl. " sambit ko kay Aliyah habang andito kami sa boardroom ,kakatapos lang kasi ng meeting.

"I know na wala pa ring tiwala sa akin si Pearl. And im so sorry sa mga galaw ko .. Hindi ko lang maiwasan. Simula kasi nung ginamot mo ang nga sugat ko. Para bang may something akong naramdaman na hindi ako ma explain. Para kasing magnet ang mga titig mo sa akin Sum."

"What? Aliyah? Nababaliw ka naba?" halos matawa ako sa aking narinig..

"Sorry nga dib? kaya kinokontrol ko na self ko eh lalo nat andiyan si Pearl. "

"Please Aliyah, kung gusto mong maging okay tayo.. Tanggalin mo yang ang fefeel mo sa akin. Mali. Mali okay? At mahal ko si Pearl mahal niya ako at ayukong masira pa kami .. Hindi ako papayag.."

"Dont worry. Alam ko ang ginagawa ko at wala akong gagawin na makakasira sa inyung dalawa . I swear to God."

"Thank you." sagot ko sa kanya. " Mauna na ako sayo."

"Okay."

At agad na akong lumabas ng boardroom. Napailing ako sa sinabi ni Aliyah. Kaya pala hindi mapakali si Pearl. Ughh!!

--

"Pearl?" tawag ko agad kay Pearl nang makita ko siya sa may sala na may kausap na babae.. tumayo siya at agad niya akong sinalubong nang makita akong papasok ng bahay.. "Mahal, may bisita ka pala?"

"Sum, si Perlas pala.. kaibigan ko .. binisita niya ako.. "

"So , isa siyang --"

"Uu mahal. Halika pakilala kita sa kaibigan ko.." agad hinawakan ni Pearl ang kamay ko at pinuntahan ang kaibigan niya na nakaupo sa may sofa.. "Sum, si Perlas.. Perlas si Summer." pakilala ni Summer sa aming dalawa.. at agas kaming nagkamayan..

"Mahal pasok lang ako sa kwarto. Mag usap lang muna kayo diyan."

"Okay mahal. . Okay ka lng ba?"

"Uu okay lang ako.. sige pasok na ako sa kwarto." at agad ko na silang tinalikuran.. dumeretso ako sa aking kwarto..

--

"Nakaalis na si Perlas ." sambit niya nang pumasok na siya sa aking kwarto.

"Hindi ko gusto ang pagpunta dito ng mga ka uri mo. Baka masundan ng Ina mo o kaya si Noah.."

"Ka uri natin Sum, ka uri natin.. at isa pa nag iingat naman si Perlas.. pinagkatiwalaan ko siya at dahil sa kany andito ako sa piling mo."

Bumangon ako at nilapitan si Pearl at agad yinakap.

"Inalala ko lang ang kaligtasan mo.. kaligtasan natin.. naintindihan mo naman ako db mahal? At ayukong makuha ka nila ulit sa akin."

"Hindi nila ako makukuha Sum, at hindi din ako sasama sa kanila kahit anong mangyari. Hindi kita iiwan.. walang iwanan diba mahal?"

"Uu mahal.. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita Sum.. " sagot sa akin ni Pearl at nagyakapan kami ulit ng mahigpit ..

"May sasabihin pala ako sayo tungkol kay Aliyah.. " sabay hawak ko sa kamay ni Pearl at umupo kami sa gilid ng kama..

"Ano ang tungkol kay Aliyah?"

"Sinabi niya sa akin kanina na may gusto daw siya sa akin."

"Ha?"

At natawa si Pearl ..

"Ako nga eh natawa.. na nakakainis.. "

"May sayad talaga ang babae na yan.. Kaya nga wala akong tiwala sa kanya.. at kahit kailan hindi ako magtitiwala sa kanya.. kaya ikaw , iwasan mo ang babae na yan.. malilintikan ka talaga sa akin.."

"Sus .. mahal.. si Aliyah? Gosh! Ikaw at ikaw lang.. wala ng iba." sabay halik ko sa mga labi niya.. at agad naman itong tinugunan ni Pearl ng buong pagmamahal..

--

"Mahal , kung magiging okay na si Ina sa atin.. pero gusto niya na maging sirena ka ,matanggap mo na kung ano ka .. Gagawin mo ba?" sambit ni Pearl sa akin habang nakahiga siya sa may balikat ko..

"Hmm."

"Masaya sa ilalim ng dagat mahal.. at pwede naman tayong bumisita dito kahit kailan mo gusto.. Gusto ko lang na matanggap kung ano ka ." patuloy ni Pearl.

"Mahal, mahal na mahal kita pero bigyan mo ako ng oras na pag isipan ang mga bagay na to. Please?" sagot ko..

"Okay."

Sabay dampi ng halik ni Summer sa aking noo..

"Tulog na tayo." tugon ko..

"Okay mahal."

Yinakap ko ng mahigpit si Pearl at agad siyang nakatulog.. at ako naman nakatitig sa kisame hindi nakatulog dahil iniisip ang mga sinasabi sa akin ni Pearl..

Hayss!

Bahala na siguro.. Sabi nga nila pag mahal mo gagawin mo ang lahat para maging masaya siya dahil ang ikakaligaya niya ay kaligayahan mo rin.

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon