TMB 11

5.5K 186 0
                                    

-Pearl (PV)-

*

"Pearl , tulungan mo akong kumbinsihin si Summer na pumayag sa alok ni Miggy, alam kong magkaibigan kayo ng anak ko." si Maam Emelia ..nang bigla niya akong kinausap sa loon ng kwarto ni Sir Gilberto.. napatingin ako sa kanya.. "Ilang taon ng ganito si Gilberto, gusto ko na siyang makita ulit na nakangiti at marinig ang kanyang boses. Pearl ,hija , nasabi ko sayo ang isang gamot na magpapalunas sa karamdaman ng Sir Gilberto mo at meron si Miggy nito dahil nasabi niya sa akin ito kagabi.. Kaya hija, tulungan mo akong kumbinsihin si Summer .."

"Anong ibig nyo pong sabihin na merong gamot si Miggy?" pagtataka ko..

"Atin atin lang to Pearl ha huwag mong ipagsabi kahit kanino .. "humina ang boses ng ginang .. "May dalawang sirena si Miggy na nasa malaking aquarium nila.."

"Ano???" hindi ko alam kung ano ang e rereact ko.. May mga sirena siyang nahuli? Paano? "At alam ito ni Summer?"

"Yes Pearl."

"Bakit hindi pumayag si Summer sa gusto ni Miggy?"

"Dahil hindi na niya mahal si Georgia.. Yun ang kapalit sa alok ni Miggy.. Balikan ni Summer si Georgia at bibigyan niya tayo ng dugo ng Sirena para sa ikakagaling ni Gilberto."

Para akong poste sa tigas ng marinig ko ang sinabi ng ginan.. Hindi maaari.. Kung sino man ang mga sirenang ito kailangan ko silang tulungan.. Ayukong may sirena na naman na mapahamak sa kalupitan ng mga tao.. Kaya pala siguro sinabi ni Summer na iwasan ko si Miggy dahil isa itong masamang tao.. Ang sama nga niya.. Pero hindi ko siya iiwasan ,kailangan kung makita kung sino ang mga sirenang ikinulong niya...

---

Hindi ako mapakali.. Kailangan kung makausap si Summer..Hindi pa siguro siya tulog... Agad kung tinungo ang kanyang kwarto...

Tok! Tok! Tok!

Bumukas ito...

"Pearl?"

"Kailangan nating mag usap."

Napatingin siya sa akin at sa paligid ..

"Sure.. Ahm pasok ka."

Kahit ayukong pumasok .. Baka manghahalik na naman tong babae na ito pero kailangan ko ang tulong niya kaya pumasok ako sa loob.. At agad niyang sinirado ang pinto.. .

"Bakit hindi mo sinabi sa aking ang tungkol sa mga sirena na kinulong ni Miggy ?" dretso kung tanong sa kanya.. Napatingin siya sa akin at umupo sa gilid ng kanyang kama ...

"Bakit mo nalaman at bakit ka interesado? Akala ko ba di ka naniniwala sa mga sirena?"

"Sinabi ni Miggy sa Mama mo at sinabi sa akin ng Mama mo na kumbensihin kita na balikan si Georgia kapalit sa alok ni Miggy.."
"What? Sinabi ni Miggy kay Mama? Potcha naman oh!!" biglang nag iba ang awra ng mukha ni Summer.. "Hindi ko kayang makipagbalikan kay Georgia dahil hindi ko na siya mahal.."

Para namang lumundag ang puso ko.. ..

"Kaya nga hahanapin ko ang isang sirena na makakatulong sa akin.. Pero hindi ko alan kung saan ko siya matatagpuan.. Wala na siya sa laot. Ilang gabi na akong pabalikbalik dun."

Nagulat ako sa sinabi ni Summer..

"Anong sirena?"

"Wala akong matandaan na meron akong kilalang sirena.. Si Vera ang nagsabi sa akin na meron daw akong kilalang sirena nuon at umiibig kami sa isat isa." tugon sa akin ni Summer at biglang sumikip ang dibdib ko sabay pa titig niya sa akin.. "Kaya please Pearl ,iwasan mo si Miggy dahil ayukong pati ikaw mapahamak .. Natatakot ako baka kasi yung kilala kong sirena ,nahuli na din niya."

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon