TMB 16

5.1K 153 7
                                    


-Summer-

*

Nilapitan ko si Aliyah nang makita ko siya sa may sala habang nag cocoffee.. at may ginagawa sa kanyang lappy..

"Hey..?" sambit ko .. sabay upo sa kabilang sofa..

"Yes?" sagot niya na di man lang tumingin sa akin..

"Sorry pala sa inasta ko.. Nagulat lang ako sa mga nangyari...at naintindihan mo naman yun db?" sambit ko at di pa rin siya tumingin sa akin.

"Hayy Summer, pwede bah? Wala akong oras makipagplastikan sayo. Kung ayaw mo sa akin. Fine! Ayaw ko din sayo. Period!"

"What? Hindi ako nakipagplastikan sayo."

"Really?" sagot ni Aliyah.. sabay tingin sa akin.. napailing siya.. at natatawa.. "Pwede bha? Hindi kita gusto okay? So no bigdeal sis kung ayaw mo sa akin.. "

"Ikaw pa talaga ang magsabi sa akin na ganyan, eh kagabi ang bait bait mo sa harapan ni Pearl."

"Kasi nasa harapan ako ni Pearl at kung di ka sinabihan ni Pearl di ka makikipag usap sa akin? My God Sum, leave me alone!"

"Oh buti naman at nag uusap na kayong dalawa." biglang sulpot ni Mama..

"Yes Mommy. Tapos na kaming mag usap ni Sum.. Db sis?" sabay kindat ni Aliyah sa akin.. Hindi ako umimik. Agad akong tumayo at iniwan ang dalawa..

Akala ko si Georgia lang problema ko.. Mas masahol pa pala tong isa. At hindi ako papayag na magkalapit sila ni Pearl. Wala akong tiwala sa babaeng ito.. Masama ang kutob ko sa kanya.. Hindi maganda ang awra niya sa akin.. Kaya hindi ako papayag na makalapit sila ni Pearl. No way!

---

"Ate ,nakita mo ba si Pearl?" agad kung tanong kay Ate nang di ko makita si Pearl sa clinic ..

"Kinuha siya ni Aliyah. Mag dedinner daw sila sa labas.."

"What?" nagulat ako sa aking narinig .. "Saan sila nagpunta?"

"I dunnu, wala silang sinabi.. You know what Sum, wala akong tiwala kay Aliyah, masama kutob ko sa fake na kapatid natin."

"Sinabi mo pa.. Ang maldita.. Kala mo kung sino.. Eh pinulot lang naman sa tabi tabi."

"Galit ka na niyan? O nagseselos? Uyyyy!" pang asar ni Ate Elis..

"Ewan ko sayo. Makauwi na nga lang! Kakainis!"

Lumabas ako sa opisina ni Ate at umuwi na ng bahay.. Nadatnan ko si Georgia sa may sala.. Andito pa talaga ang babae na to..

"Kumain kana?" tanong ko sa kanya..

"Yup!" tipid niyang sagot ..

"Wala ka bang balak umuwi sa inyu?" tanong ko ulit sabay tabi sa kanya..

"Bakit naman ako uuwi." pasupladang sagot niya..

"Kumusta na pala si Miggy bakit wala na akong narinig sa kanya..?"

"Nasa bahay.. Ewan, parang nabaliw ata kasi nakawala ang mga sirenang alaga niya.. May isang sirena daw na dumating at niligtas ang mga alaga niya at kinuha ang memorya ni Miggy. Ang nakapagsabi sa amin yung mga tauhan lang niya.."

"Really?" nagulat ako sa sinabi ni Georgia.. Di kaya si Vanora yun..

Nahinto ang pag uusap namin nang may pumasok sa bahay.. Agad kaming napalingon ni Georgia..

"Wow! Hows sweet.. You know what guys, bagay kayo.. Db Pearl?" agad bigkas ni Aliyah.. Hindi naman sumagot si Pearl.

"Pearl? Saan kayo galing?"

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon