TMB 08

5.8K 182 1
                                    


-Summer-

*

"Welcome home Summer..namiss kita anak.." sabay yakap ng mahigpit ni Mama..

"Namiss din kita Mama.. " at yumakap din ng mahigpit sa kanya..

"Sum, buti at bumalik kana.. Kala namin dun kana talaga Finland mamalagi at wala ng balak bumalik pa dito.." salubong sa akin ni Ate Ellis..

"Ate, pwede ba yun? Eh andito ang kayo at andito ang buhay ko." sagot ko kay Ate sabay yakap sa kanya ng mahigpit..

Dalawang taon din akong nawala sa lugar na ito.. Namalagi ako sa Finland. Hinanap ang sarili. Ewan ko ba, bigla nalang akong nagising isang araw na gusto kung hanapin ang sarili ko na akala ko mahahanap ko sa ibang lugar.. Hindi pa rin pala..

Hiniwalayan ko si Georgia.. Kahit hindi niya matanggap, wala rin siyang magagawa.. Wala na akong feelings sa kanya at nalaman kung may iba pala siyang kinalolokohan , lalaki, habang kami pa.. Pero nabalitaan ko na wala na sila at ito, nangungulit na naman na magbalikan kami pero hindi ko na talaga siya mahal..

"Si Papa?"

"Mabuti si Papa mo anak. Nakakagalaw na siya kahit hindi pa rin xa nakakapagsalita.. Sa tulong na rin ng bagong private nurse niya.." sagot ni Mama..

"Private Nurse?"

"Yes anak. Akala nating lahat matutuluyan si Papa mo makaraan ng tatlong buwan kagaya ng sinabi ni Mang Berting.. Pero bigla nalang dumating itong si Pearl at isa pala siyang private nurse kaya tinanggap ko na. Simula nun, nakakagalaw na si Papa mo.." tugon ni Mama sa akin habang papunta kami sa dining para magdinner..

"Baka sino- sino nalang yang pinapasok niyo dito sa bahay Ma. Hindi natin kilala ang Pearl na yan.. Baka ano ang pinapainum niya kay Papa .."

"Mabait si Pearl anak.. "

"And shes very pretty." si Ate Ellis..

"Mga manloloko ngayon, mga mababait at magaganda.."

"Sabagay, tama ka pero no Sum, malaki ang naitulong ni Pearl kay Papa.. "

"Hmmm.. Okay kung ganun.. Pero kailangan pa rin natin siyang makilalang mabuti.. So , nakatira siya dito?"

"Pang gabi ang duty niya Sum, yan lang din kailangan natin na may magbabantay kay Papa mo pag gabi. O siya maya ng kwentuhan, kain na muna tayo.."

At naghapunan na kaming tatlo nang may biglang pumasok sa dining area..

" Magandang gabi ---- "

Nagkatinginan kaming dalawa.. Napakaganda niya.. Parang nakita ko na siya dati. Di ko lang ma alala kung saan..

"Oh Pearl, andito kana pala hija, halika , saluhan mo kami sa hapunan.."

"Come .. Join us Pearl.." yaya ni Ate Ellis..

"Thank you.. Pero tapos napo akong kumain.."

Iniwas niya ang kanyang tingin sa akin..

"By the way Pearl, ang bunso namin si Sunmer.. Yung nakwento ko sayo na nasa Finland.. Umuwi na siya .." ang nakangiting sambit ni Mama..

"Ha-Hi ..Miss Summer, Good evening.." bati niya at tumango lang ako. "Ahm ,pasok na po ako sa kwarto ni Sir Gilberto.."

"Sige Pearl."

At tumalikod na siya palabas ng dining..

"See .. I told you Summer.. Maganda siya db? Natulala ka nga eh." pang asar ni Ate Ellis..

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon