TMB 09

6K 180 2
                                    


-Princess Vanora-

"Nagbalik na siya Perlas.. Ang sakit pala na hindi ka maalala ng taong mahal ka at mahal mo.. Pero tama lang naman ginawa ko dba?"

"Tama ang ginawa mo para sa ikakabuti ng kaharian pero hindi tama para sa sarili mo.. Nasasaktan ka Mahal kong Prinsesa.. At lalo na ngayon na nagbalik siya at pumasok ka sa buhay nila.." tugon sa akin ni Perlas habang nag uusap kami dito sa loob ng aking pahingahan..

"Mahal ko pa rin siya.. Mahal ko siya at tutulungan ko siya, ang pamilya niya lalo na ang may karamdaman niyang ama .. Perlas, gagawin ko ang lahat para matulungan si Summer.."

"Mahal mo talaga ??"

"Sobra.. Nung makita ko siya.. Gusto ko siyang yakapin.. Halikan.. Pero wala akong magawa.. Hindi niya ako kilala.. Pero nagtatanong siya kung taga saan ako at kung nagkita na kami dati dahil pamilyae daw ako sa kanya..parang sasabog puso ko .." sabay labasan ng aking mga luha..

"Binura mo lang ang kanyang alaala ,hindi ang kung ano ang nilalaman ng puso niya Vanora.." sabay tinginan namin ni Perlas.. " Tama na kasi.. Huwag kana sigurong bumalik dun sa lupa ,baka lalo kang masasaktan niyan. Pag malaman to ng Mahal na Reyna baka hindi kana talaga makakalabas dito.."

"At yan ang hinding hindi ko papayagang mangyari Perlas... Hindi!"

At napabuntong hininga nalang ang aking kaibigan.. Masakit pero andito na ako kaya kakayanin ko to..

---

"May nakapagsabi sa akin Mahak kong Prinsesa na lumalabas ka daw sa kaharian tuwing gabi.. Saan ka nagsusuot Vanora, baka hindi ko alam may ginawa ka ng mali na magdadala sa ating lahat ng kapahamakan.." ang Ina kong Reyna..

"Ina, sa laot lang naman po at huwag po kayong mag alala.. Wala akong ginawa na ikakasama sa ating lahat."

"At tama na yung pagbura at pag iwas mo sa taga lupa.. Alam ko kung ano ang nangyayari sa inyong dalawa.. Tama lang ang ginawa mo anak.."

Tumango lang ako kay Mama.. at sabay paalam.. Ayukong malalaman niya.. Kahit mahirap magtago sa kanya.. Sisiguraduhin ko na hinding hindi niya ito malalaman.."

---

Dumating na ako sa bahay nina Summer.. Agad akong binati ng napakabait niyang ina.. at ni Ellis.. Maganda si Ellis ,mabait , palabiro.. Si Summer naman kabaliktaran.. tahimik na siya ngayon, seryuso palagi at parang hindi alam kung paano tunawa.

Dumeretso na sana ako sa kwarto ni Sir Gilberto nang may narinig akong nagtatalo sa loob ng kwarto ni Summer.. Napahinto ako at napatingin sa pintuan nang bigla itong bumukas..

Si Summer..nagkatitigan kami..

"Summer bumalik ka dito!!!" sigaw ng babae na nasa loob ng kwarto... Iniwas ko ang tingin sa kanya at deretso na siyang lumabas ng bahay... at nagmamadali akong pumasok sa kwarto ni Sir Gilberto..

Nakwento sa akin ni Maam Emilia na may iniibig daw nuon si Summer.. Noong nag iibigan kaming dalawa pero ibang babae ito at ang pangalan niya ay Georgia .. Siya kaya ang nakasagotan ni Summer? Hayss.. Parang kumirot bigla ang dibdib ko..

---

Lumalalim na ang gabi.. Tulog na ata lahat ng tao dito sa bahay kaya nagpasya akong lumabas at magpapahangin.. Kakatulog lang ulit kasi ni Sir Gilberto at napainum ko na rin siya ng kanyang gamot...

"Natulog na ba si Papa?" bigla akong napalingun nang may narinig akong boses sa aking likuran..

Si Summer.. at tumabi siya sa akin sa aking kinatatayuan...

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon