TMB 18

4.3K 131 0
                                    


-Summer-

*

"Anong nangyari kay Papa?" nang agad akong mapatakbo sa kwarto nila Papa nung sabihin ng kasambahay namin na hinimatay si Papa..

"Hinimatay nalang bigla si Papa mo at namutla siya.. Sum, parang bumalik ang sakit ng Papa mo.. " ang mangiyak ngiyak na si Mama..

"No! paano to nangyari? akala ko ba okay na ang lahat ,bakit bumalik ang sakit ni Papa?"

"Hindi kaya naisahan ka ni Miggy Sum, bakit di mo sinigurado ?" ang epal na si Aliyah..

"Sigurado ako sa mga ginagawa ko... "

"At paano ito nangyari?" tugon ulit ni Aliyah...

Nagkatinginan kami ni Ate Elis ... May hindi tama dito... Napailing si Ate sabay lipat ng tingin niya kay Aliyah.. Masama ang kutob ko ..

"Ano ang gagawin natin Sum?" si Mama..

"Huwag kang mag alala Mama.. Gagawa ako ng paraan.."

Agad akong napatakbo palabas ng bahay... kailangan kung makausap si Vanora ..

"Summer saan ka pupunta?" si Pearl nang masalubong ko siya sa labas ng bahay..

"Not now Pearl.. kailangan kung makusap si Vanora."

"Sum ano bha? Makinig ka nga sa akin!" sabay hawak ko sa braso niya..

"Ano ba Pearl?? Kailangan ko ang tulong niya.. Siya lang ang makakatulong sa akin.. bumalik ang sakit ni Papa alam mo ba yun?, kaya bitawan mo ako dahil wala kang maitutulong sa akin."

Agad akong binitawan ni Pearl.

"O sige magpaloko! Akala mo ba hindi ka niloloko ng sirena na yun? Hindi siya si Vanora.. Isa siyang impostor!!"

"Sige Pearl siraan mo si Vanora... Teka nga, wala kang alam sa mga sirena okay? hindi ka nga naniniwala sa kanila db tapos sasabihin mo isa siyang impostor?, ano ba Pearl! Lalo kang hindi nakakatulong! so pwede bah hayaan mo ako at huwag mo akong pakialaman!"

"Summer?? Kilala ko ang tunay na Vanora at yung sirena na kilala mo hindi siya si Vanora!! Summer maniwala ka sa alin please!" hinawakan niya ulit ang braso ko... "Sum, tingnan mo ako .. " tiningnan ko siya at agad kung nakita sa mga mata niya ang pag alala sa akin..

"Pearl!" sabay hawak ko sa kamay niya "Huwag kang mag alala sa akin. Okay?" agad kung binitawan ang mga kamay niya.. Dinampian ng halik ang kanyang noo at agad na akong umalis at hindi na niya ako hinabol pa..

---

"Sinabi ko na sayo nuon , na hindi kita matutungan Summer .. Patawad!" sambit sa akin ni Vanora..

"Hindi ko na alam ang gagawin ko Vanora.. kung hindi mo ako matutulungan sa pag papagaling kay Papa, tulungan mo akong hanapin ang mg pulang dugong sirena.."

"Tingnan ko kung ano ang magagawa ko Summer.." sagot sa akin ni Vanora..

"Saan mo sila dinala nung niligtas mo sila kay Miggy?"

"Iniwan ko sila dito at hindi ko alam kung saan sila nagpunta na pagkatapos."

Hindi nalang ako nagsalita.. Iba ang pakiramdam ko sa sirenang ito di kaya tama si Pearl.. Pero bakit alam niya halos lahat na nangayari.. hayss!

Umuwi ako sa bahay na nanghihina ang katawan.. Nahihirapan na ako.. Napaupo ako sa sofa sa may sala at napapikit ...

"Sum?"

Agad kung binuka ang mga mata ko..

Si Pearl.

"Okay ka lang?" tanong niy at tumabi siya sa akin.. agad ko siyang inakbayan..

" Im so sorry!"

" Magpahinga kana muna.. Samahan kita sa kwarto mo."

Tumango ako.. Inalalayan niya ako habang nakaakbay ako sa kanya papunta sa aking kwarto ...

"Samahan mo muna ako hanggang makatulog ako."

"Okay." sagot niya "Tutulungan kita hanggang sa abot ng aking makakaya Sum."

Tumingin ako kay Pearl.. Yinakap ko siya at agad nang napapikit ..

---

"So ano plano mo Sum, tutuhugin mo ang dalawang sirena?" biglang sulpot ni Aliyah sa opisina ko.

"What did you say? Dalawang sirena?"

" I mean si Pearl at yung sirena mo?" biglang bawi ni Aliyah sa sinabi niya ..

"Pwede bha Aliyah, huwag mong dagdagan init ng ulo ko at kung tutuhugin ko ang dalawa wala ka ng pakialam!!"

"Really? Hindi ako papayag na mapapasayo si Pearl! Tandaan mo yan!" sabay duro niya sa akin.. at agad lumabas ng opisina ..

Napasandal nalang ako sa upuan.. Hayss!

"Bakit ang init ng dugo ng Aliyah na yun sayo?" si Vera nang pumasok siya sa opisina ko..

"Ewan ko dun.. may pag ka baliw ang babae na yun Vera. Di ko maintindihan kung bakit pinulot pa yun ni Papa."

"Speaking of your Papa, kumusta na siya?"

"Wala pa ring malay. Bumalik sa dati at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko."

"Akala ko ba matutulungan ka ni Vanora?" si Vera ..

"Wala siyang maitutulong! nakakainis nga eh.. Siya lang inasahan ko pero wala pala akong mapapala sa kanya." sagot ko kay Vera..

Napabuntong hininga nalang kaming dalawa .. Ughh! Di ko na alam kung ano ang gagawin ko .. ughhh!!!

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon