TMB 02

8.1K 227 2
                                    


*

"Anak kumusta ang pagpunta mo sa dagat kagabi?" usisa ni Mama habang kumakain kami ng breakfast...

"Dagat? So, sinubukan mo talaga ang sinabi ni Mang Berting?" si Ate Ellis .. " Nabanggit kasi sa akin ni Mama.. Totoo ba talaga ang mga sirena?"

"Uu nagpunta ako dun kagabi.. Yung sinabi na malaking bato , wala akong makita.. Walang bato Mama at lalong walang sirena. " sabay subo ko ng pagkain..

"Baka mali ang pinuntahan mo ?" si Ate..

"Hindi ako nagkamali.. Yun ang eksaktong lugar na sinabi ni Mang Berting." sagot ko kay Ate.

"Nak baka nga hindi yun ang eksaktong lugar.. subukan mo ulit. .pag wala talaga eh wala!" at biglang lumungkot ang mukha ni Mama.. Hayss..

"Yes Ma. Uu naman.. susubukan ko ulit ngayong gabi kaya wag ka ng malungkot diyan.. susubukan ko ng susubukan hanggang mapalabas ko yung sirena.. Manda yun sa akin.. Peprituhin ko talaga yun.." pabiro kung sabi.. pampalubag loob nalang sa Mama ko kahit ayuko ng subukan sana.. Pero para kay Mama .. Sige.. Isa pa..

"Salamat anak.."

"Gusto mo samahan kita?" si Ate..

"Huwag na Ate, baka lalong hindi magpapakita yun kung dalawa na tayo.. kaya ako na ang bahala.. Kaya ko na to."

"Okay.. Sabi mo eh. ."

Nagpunta agad ako sa resort pagkatapos kung magbreakfast.. Malapit lang ang bahay namin actually nasa likuran lang siya ng malaking resort namin...

"Goodmorning Summer." si Drew.. lifeguard namin.. at boyfriend ni Vera..

"Morning Drew.. Oh anong nangyari diyan?" sabay turo ko sa gasgas sa gilid ng yati na ginamit ko kagabi..

"Hindi ko nga alam eh, napansin ko lang to ngayon ,parang nasagi ito sa malaking bato... Kaya ganito ang gasgas.."

"Wait! No.. Ginamit ko yan kagabi Drew, at hindi ako nasagi o ano man.." pagtataka ko ..

"Saan ka ba nagpunta kagabi?"

"Sa gitna ng dagat?"

"Gitna ng dagat? Huwag kang magpupunta dun sa kalagitnaan ng gabi Summer, marami ng nabangga dun sa malaking bato.. May naninirahan dun na hindi kagaya natin.. Teritoryo nila yun kaya delikado.." pag alalang tugon ni Drew sa akin..

"Pero wala akong nakikitang malaking bato.. "

"Dahil hindi mo ito makikita.. ang sabi nila makikita mo lang daw ang bato kung magpapakita ang nakatira nito.. at kagabi , muntikan ka ng mabangga.. Buti nalang at nasagi mo lang kaya ito.. gasgas!"

Hindi ako nakakibo sa sinabi ni Drew. .. Bigla akong kinabahan..

"Aayosin ko muna to.."

"Okay Drew. Salamat"

Napatingin ako sa dagat..habang naglalakad papunta sa loob ng resort. . Totoo nga kaya sila. . . Bakit hindi ko sila nakita kagabi.. Kahit isa man lang sa kanila.. ugh! Mas lalo akong mahihirapan nito.. Huwag naman sana akong mabangga .. Delikado nga sabi ni Drew.. Hay naku!

------

"Huwag ka ng bumalik dun baka mapano ka pa?" si Vera..

"Pero si Mama, umaasa siya sa akin and please huwag mo nalang tong sabihin kay Ate baka sasabihin niya kay Mama, mag alala pa yun.."

"Okay hindi ko sasabihin.. Pero sasamahan kita.."

"Huwag na.. Kaya ko to Vera and ayukong mapahamak ka.."

"See.. At lalo namang ayukong mapahamak ka mag isa."

" Dont worry .. Hindi ako mapapahamak.." tugon ko sa kanya sabay ngiti.. tumango na lamang siya at lumabas ng opisina..

Napasandal ako sa upuan.. nag iisip.. Hmmm ... Tumayo ako at agad lumabas ng opisina.. Tinungo ko ang yati... at agas pina andar at umalis papunta sa kalagitnaan ng dagat...

----

Napakaganda pala dito.. Napakalinis ng tubig.. Ang lawak.. Dito ako nagpunta kagabi pero bakit kakaiba ang naramdaman ko ngayon.. At wala pa rin akong nakitang malaking bato.. Totoo kayang gabi lang sila magpapakita? Biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan kaya nagpasya akong bumalik na sa resort. ..

Paalis na sana ako nang may bigla akong narinig .. Isang napakagandang boses.. umaawit ito.. OhmyGod! Pati buhok ko ngayon nagsitayuan na.. Di ko alam ano ang naramdaman ko ngayon. Natatakot ba ako o nagulat o ano? sheyt naman oh! Walang katao katao dito ako lang tas may maririnig ka bigla na kumakanta?!! Gosh!

At bigla nalang itong nawala. Wala na akong naririnig pa. . Hmm .. guni guni ko lang siguro. Dala lang yun ng hangin.. Makabalik na nga lang.. Baka ano pa ang maririnig ko dito.. at agad na akong umalis... .

------

"Hindi yun guni guni Summer, sabi kasi ng Lola ko napakaganda daw ng boses ng sirena na nakatira sa malaking bato.. at napakaganda.. " si Vera at napatitig nalang ako sa kwento niya .. " Hoy! napatulala ka diyan? Totoo ba na narinig mo talagang may kumakanta? So totoo ngang may Sirena .."

"Wala.. Hindi totoo Vera. Hangin lang yun at guni guni ko lang yun.. Maniniwala lang ako kung magpapakita siya sa akin .. pero wala.. "

"Baka ngayong gabi, full moon, baka makikita muna ang hinahanap mo.."

Napaisip ako sa sinabi ni Vera .. Full moon.. Uu nga baka nga. Baka lang naman.. Yes .. Susubukan ko... Sana .. Sana totoo ang lahat ng ito para sa ikakabuti ni Papa at ikakasaya ni Mama.. at sa aming lahat..

----

"Georg, sana maintindihan mo ako.. Kailangan ko tong gawin." kausap ko si Georgia sa kabilang linya..

"Bahala ka nga diyan sa kahibangan mo.. Nagpapaniwala ka sa walang katotohanan. Pag ikaw mapahamak ay ewan ko nalang sayo.."

"Hindi ako mapapahamak okay? Sige na magpahinga ka na diyan .. Andito na ako sa yati.. Aalis na ako kaya ibaba ko na tong phone.."

"Okay Sum.. Mag ingat ka please .. Iloveyou.."

"Yes i will. .. Iloveyou too bye.." at agad kung binaba ang phone..

Pina andar ko na ang yati at agad nang umalis.. Kinakabahan ako. Natatakot . .. Yes . pero bahala na...

Dumating na ako sa kalagitnaan ng dagat.. Maliwang ang buwan .. Naaninag ko ang kabuuan ng dagat sa kalagitnaan ng gabi..

Nakaupo lang ako sa may unahan ng yati . Umiinum ng beer at nagmamasid sa palagid.. Tahimik .. tanging naririnig ko lang ang mga alon at ang simoy ng hangin..
Lampas alas dose na at wala pa ring nangyayari. .. kaya nagpasya akong bumalik na sa resort..

Pinaandar ko na ang yati nang biglang lumakas ang hangin at may dalang malakas na ulan.. Nadatnan ako bigla ng masamang panahon sa kalagitnaan ng dagat..

"Sheyt" parang matutumba ang yati sa lakas ng hampas ng hangin ..

At Nang bigla akong natumba at nabagok ang ulo ko sa sahig ...

Nahulog ako sa dagat .. Dumilim ang paningin ko.. at tuluyan ng nawalan ng malay.

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon