TMB 31

3.8K 103 2
                                    

-Pearl-

*

Dahan dahan akong bumangon para hindi magising si Sum sa aking tabi. Hayss! Agad akong lumabas sa kwarto at nagpunta sa garden para magpahangin.

Hindi ko nakuhang sabihin ni Sum ang totoo kung ano ang pinunta dito ni Perlas kagabi.

May sakit si Nanang at kailangan kong umuwi sa kaharian pero di ko alam kung paano ko sasabihin kay Sum. Gusto kung sumama siya pero alam ko na ang isasagot niya. Hindi niya kayang sumama at magiging sirena. ugh! At wala na akong oras baka wala na akong maabutan at hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama kay Nanang.

"Pearl?" si Aliyah..

"Aliyah?"

"Lalim ata ng iniisip mo ha? May problema bah?"

"Wala kana dun.. At pwede bah pagkatapos ng sinabi mo kay Sum sa tingin mo pagkakatiwalaan pa talaga kita?" sagot ko sa kanya..

"Alam ko Pearl and im so sorry.. "

"Na uumay na ako sa mga sorry mo Aliyah kaya pwede bha?!!"

At agad ko siyang tinalikuran.

"Vanora???"

Isang boses ang nagpalingon sa akin.. nang papasok na sana ako sa loob ng bahay.

Si Inang Reyna .

"Ina?"

"Iwan ko muna kayo." si Aliyah.. at pumasok na siya sa loob ng bahay..

"Ina hindi ako sasama sa inyu kaya parang awa mo na umalis ka na." tabuy ko kay Ina..

"Kailangan ka ng Nanang mo .. gusto ka niyang makita kahit sa huling sandali ng kanyang buhay."

Si Nanang.. Uu nga pala.. kailangan ako ng nanang ko..

"Kaya sumama ka sa na akin Vanora. "

"Magpaalam mo na ako kay Summer .. At isasama ko siya ." sagot ko sa aking Ina..

"Wala na tayong oras mahal kong anak. Baka hindi na natin maabutan ang nanang mo na buhay."

"Pero Ina , kailangan kong magpaalam kay Sum."

"Wala na tayong oras Vanora . Kaya halika na ." agad hawak ni Ina sa kamay ko kaya wala na akong magawa kundi ang sumama sa kanyang naglaho sa mundo ng mga tao, sa mundo namin ni Summer.

--

Agad kung tinakbo ang silid ni Nanang nang bigla akong hinarangan ng isa sa mga sakop ni Inang Reyna.

"Anong ibig sabihin nito? Padaanin mo ako." tugon ko ..

"Ipasok si Vanora sa kanyang pahingahan at bantayang mabuti at sisiguraduhin niyong hindi na siya muling makakatakas pa." ang Mahal na Reyna.. nagulat ako sa sinabi niya.. Napaiyak ako habang hinawakan ng isang utusan niya .. hinawakan mg mahipgit at nagpupumiglas ako pero mas hamak na malakas siya kaysa akin.

"Hindi an makakalapit sayo si Perlas at ang nanang mo." sabay hablot ni Ina sa mahiwagang kwentas na nasa leeg ko.

"Ang sama sama ninyu. Ginamit niyo pa si Nanang para lokohin ako.. Anong klase kayong Reyna.. Hindi kayo pwedeng tularan .. Ang sama mo .. "

"Ipasok na ang Mahal na Prinsesa ." utos niya.. kaya agad akong pinasok sa aking silid.

"Ang sasama ninyu. . Inang Reyna pakawalan mo ako dito, pabayaan mo na kami ni Adrielle. Inang Reyna?? Inaa?" tawag ko.. sigaw .. pero tila walang naririnig si Inang Reyna. "Nanang? Perlas tulungan niyo ako."

"Tumigil ka na Vanora!! Walang tutulong suyo kundi ang sarili mo lang! Kalimutan mo na si Adrielle.. Hindi ka niya kayang panindigan Vanora. Kaya matutuloy ang pag iisang dibdib ninyu ni Noah sa makalawa."

"Hindi! Hindi ako papayag dahil hindi ko mahal si Noah, Ina maawa ka sa akin."

"Naawa ako sayo mahal na prinsesa kaya niligtas kita sa taong hindi ka kayang panindigan. Bakit? Nasaan si Adrielle? Sinundan ka ba niya dito? Sinagip ka ba? Kung mahal ka niya talaga magpakita siya sa akin dito at ibibigay kita ng kusa sa kanya." patuloy ng Inang Reyna. Hindi ako nakakibo sa sinabi niya.

Si Sum. Tama si Ina. Bakit hindi niya ako sinundan. Bakit hindi siya nagpunta dito? Mas iniisip pa rin ba niya ang kanyang sarili kaysa sa kaligtasan ko... Ughh!!

"Mag isip kang mabuti Vanora. Kung mahal ka niya, andito na siya ngayon para patunayan sa lahat na totoo ang pagmamahal niya sayo. Pero nasaan ang mahal mo Vanora? Wala. Isa pa rin siyang tao sa puso at sa kanyang isipan. Isa siyang sakim. Sarili lang ang iniisip. Kaya kalimutan mo na siya. Kalimutan mo na si Adrielle. Dahil hindi siya ang nararapat sayo.. Hindi ang katulad niyang sakim. Sakim!" matigas na boses ni Ina..

"Tama na Ina. Tama na."

Hindi na nagsalita pa ang Mahal na Reyna.. Agad niya akong iniwan sa aking silid . Napahagulgul nalang ako ..

Tama si Ina.. Tama siya.. Ughh!!

--

Lumipas ang isang araw .. Wala pa rin si Summer . Bukas na ang kasal ko kay Noah. Pag hindi pa rin siya magpakita sa akin ngayon kakalimutan ko na siya at makipag isang dibdib ako kay Noah kung yan ang paraan para makalimutan siya gagawin ko.. At magsimula ako ng panibagong buhay kasama ang isang sirenong hindi ko mahal. Ugh! Ang hirap. Ang hirap.

Wala akong ibang magawa kundi ang mapahagulgul nalang ng iyak.. Summer asan kana.. Asan kana? Hu hu hu!

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon