TMB 21

4.4K 134 3
                                    


-Pearl-

*

"Sum, huwag nalang tayong pupunta? Kinakabahan ako.. Baka may gawing masama si Aliyah.. " habang nag aayos kami ni Sum sa kwarto niya .

"Mahal ko, hindi niya tayo magagalaw, hindi niya tayo kaya at ano naman ang gagawin niya sa atin? Kaya ikaw huwag ka ng kabahan .. Andito ako.. At hindi ako papayag na may gawing masama sa atin si Aliyah.. Okay?"

Tumango nalang ako kay Sum.. pero hindi ako mapakali .. Uu , binura ko sa kanyang ala ala ang nakita niya na naging sirena ako.. wala na siyang ma alala tungkol dun pero nasa kany pa rin ng kwentas.. Hayss! Sana wala siyang gagawin.. Sana hindi niya sisirain ang napakaspesyal na araw nito sa kanya.. At may tiwala ako kay Sum.. Hindi siya papayag na may mangyaring hindi maganda. Hindi siya papayag..

--

Dumating na kami sa party .. Marami ng tao .. Lalo akong kinabahan nang makita ko ang napakalaking pool ..

"Sum balik nalang tayo sa bahay." hawak ko sa kamay ni Sum..

"Love, ayan ka na naman .. Andito na tayo okay? Relax .." sabay dampi niya ng halik sa aking mga labi.. Hayss .. "Relax okay?" at hinawakan niya ang aking kamay ...

"Ladys and gentlemen , the birthday girl , the gorgeous , Miss Aliyah Williams."

At agad tumayo si Aliyah at nagpunta sa gitna ..

"Thank you everyone for coming.. May ipagtatapat ako sa inyung lahat.. Actually, hindi ko ngayon birthday. . Nakakatawa nga eh.. For how many years ngayon lang ako nauntog ma hindi ko naman birtday ang araw na ito"

Nagkatinginan kami ni Sum..

"Anong pinagsasabi niya.." si Elis sabay tingin kay Sum..

"Lumaki ako sa isang kasinungalingan.. Buong buhay ko lumaki ako sa isang napakalaking joke.. Sa kagagawan ng napakagaling kung ama.. Yes, ipinakilala nila akong isang ampon.. Adopted! Wow! Masakit yun sa akin pero wala akong magawa kasi yan ang gusto ng aking ama dahil sa kanyang kasakiman sa pera .. sa yaman.. Dahil ang totoo niyan.. Hindi ako isang ampon!! Isa akong tunay na Williams!!"

"WHAT????" si Summer .. "Ate? Do something?"

Napatayo si Elis .. at lalapitan na sana niya si Aliyah nang magsalita ulit ito..

"Ate Elis No! Kahit ikaw hindi mo ako mapipigilan sa sasabihin ko ngayon.. Dahil alam ko na alam mo ang lahat mg ito.."

Napatayu bigla si Sum.. at agad nahawakan ko siya sa kamay..

Napatingin sa kanya si Elis .. at bigla itong napaiyak..

"Ate?" galit si Sum ..

Buti nalang hindi nakapunta ang kanyang ina dahil kailangan niyang bantayan si Sir Gilberto...

"But guys, Hindi masasayang ang pagpunta niyo dito dahil may nag bibirthday naman talaga .. Hindi nga lang ako... "

Umingay ang buong palagid .. sa bulungan .. lalo na akong kinabahan...

"Naniniwala ba kayo sa sirena ?"

Nang sinabi ito ni Aliyah.. agad akong napatayu at napatingin sa kanya..

"Yes.. Sirena.. Mermaid.. Actually, isang sirena ang may birthday ngayon at alam niyo ba na isa siyang Prinsesa sa kaharian nila sa ilalim mg dagat?"

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.. Kung ako man ang kanyang tinutukoy hindi ko kaarawan ngayon at binura ko na sa kanyang ala ala ang kanyang nakita at nalaman tungkol sa akin..

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon