TMB 28

4.2K 114 1
                                    


-Summer-

*

"Nakatulog ka naman ng maayos mahal?"

"Uu naman mahal kasi kasama kita, kahit nakakapanibago."

"So ibig mong sabihin hanggat suot mo yang kwentas hindi ka magiging sirena?" tanong ko kay Pearl pagkatapos naming mag agahan..

"Uu mahal .. kaya huwag kang mag alala sa akin okay lang ako. Ikaw? Ikaw ang inalala ko Sum, paano na ang trabaho mo sa resort? Kailangan ka ng Papa mo." sagot sa akin ni Pearl habang nanunuod kami ng tv sa may sala...

"Andun naman si Ate at tsaka si Aliyah."

"Sum, wala pa rin akong tiwala kay Aliyah.. Paano kung may plano na naman siya?" pag alala ni Pearl ..

"Huwag ka ng mag isip ng masama sa kanya mahal. Wala na siyang gagawin na ikakapahamak nating dalawa.. bigyan natin siya ng chance.. okay? Trust me." sabay dampi ng halik ko sa kanyang noo..

"Okay.. sabi mo mahal at may tiwala ako sayo .."

"Yes Pearl kaya dont worry na .." sabay ngiti ko sa kanya ..

"Okay.."

Ding. Dong. Ding.

Sabay kaming napatingin ni Pearl sa may pintuan. Sino kaya ito.

"Ako na." sambit ko at agad akong tumayo at nilapitan ang pintuan..

"Hi."

Si Aliyah..

"Hey. Hi. What are you doing here?"

"Hindi mo ba ako papapasukin muna?" tugon niya..

"Yeah. Yeah pasok ka, of course."

At agad siyang pumasok sa loob ng condo.. Napailing nalang ako..

"Hi Pearl. How are you? Okay ka lang ba dito? May dala akong groceries para sa inyu at pagkain.."

"Thank You Aliyah.." tugon ko ..

"Salamat ." tipid na sagot ni Pearl na halatang hindi niya gusto ang pagdating ni Pearl.

"So, okay lang ba kayo dito?"

"Yeah .. Salamat sa tulong mo and ikaw na muna bahala sa resort." tugon ko sabay tabi ni Pearl na nakaupo sa may couch at umupo naman si Aliyah sa couch sa may harapan..

"Ano ka ba Sum, para namang hindi tayo magkapatid .. Para sa inyu Pearl kaya walang problema sa akin. Kahit ako na ang inaaway ni Daddy dahil gusto niyang pabalikin kana .. Pero huwag kang mag alala kaya ko ang mga naiwan mong trabaho dun."

"Sabihin ko kay Daddy babalik din ako pag maging kalmado na ang lahat." tugon ko kay Aliyah sabay tingin ko kay Pearl .

"No problem.. So ,Pearl, may kailangan ka ba para madala ko pagbalik ko dito? kahit ano."

"Wala Aliyah. Salamat .. Okay lang ako."

"Okay. Magsabi ka lang sa akin kung merong kang kailangan." patuloy ni Aliyah.. at tumango lang si Pearl.

Ilang sandali ay nagpaalam na si Aliyah.. Masaya naman ako sa pinakita niyang kabutihan sa amin ni Pearl. Mabait din pala ang gaga..

"Hindi pa rin ako kampante sa kanya Sum."

"Mahal, db nag usap na tayo. Ano bang inalala mo?"

"Parang may pinaplano siya. Kinakabahan pa rin ako sa kanya." ang hindi maipintang mukha ni Pearl.

"Mahal, habang andito ako. Tayong dalawa, walang makakagalaw sa atin. Halika nga dito."

At agad kung yinakap si Pearl ng mahigpit..

"Huwag ka ng mag alala .. at huwag ka ng mag isip ng kung ano ano.. "

"Okay mahal."

"Gusto mong mamasyal tayo sa mall?"

"Mall?"

"Yes mahal para naman hindi ka na mag isip ng kung ano ano .. at dun nalang din tayo mag didinner."

Tumango si Pearl .. at sabay kaming nag shower na dalawa .. Pagkatapos naming mag ayos agad na kaming umalis papuntang mall..

Firstime ni Pearl na pumunta aa ganitong lugar sana mag enjoy siya..

--

Pinagshopping ko siya ng maraming damit at lahat ng gusto niyang bilhin at kainin. Di ako nagkamali. Nag enjoy nga siya ..

"Nag enjoy ba ang mahal ko?"

"Uu Sum. Salamat mahal. Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko."

"Sabi ko sayo eh.. Kaya huwag ka ng mag isip ng kung ano ano okay?" sabay hawak ko sa kamay niya habang nasa loob kami ng sasakyan.. at ito pauwi na ..

--

"A-aliyah???? Kala namin nakauwi kana?" gulat kaming dalawa ni Pearl nang pagbukas namin sa unit ng condo nakita namin si Aliyah sa loob at agad siyang napatayu at nagbeso sa aming dalawa ni Pearl..

"Sorry kung hindi ako tumawag Sum. nawalan din kasi ako ng load . Nasiraan kasi ako sa daan buti nalang malapit pa ako dito kaya bumalik nalang ako. Bukas ko pa daw makukuha ang sasakyan sa may talyer na malapit ditoz Okay lang ba na dito ako mapalipas ng gabi?"

"Uu naman ano ka ba.. Sayo nga tong condo eh. " tugon ko sa kanya ..

"Thank you.. kakainis talaga."

"Mahal pasok lang muna ako sa kwarto." si Pearl at hindi niya pinansin si Aliyah..

"Okay Mahal."

"Ahm Sum, okay lang ba si Pearl?" tanong ni Aliyah. Napapansin niya siguro na walang ganang makipag usap si Pearl sa kanya.

"Yeah. Pagod lang siya. Pinasyal ko siya sa mall. Anyways, kumain ka na ba?" tanong ko kay Aliyah sabay upo sa kanyang tabi. at sinandal ko ang ulo sa may couch..

"Uu kumain na ako. Di niyo kinain yung dala kung pagkain kaya ako na ang kumain."

"Sorry. Biglaan kasi yung pagpasyal namin sa mall kaya dun nalang din kami nag dinner."

Hindi kumibo si Aliyah .. Bigla niya akong tinitigan.. napatingin ako sa kanya.

"What? may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya..

"Wala. Ngayon ko lang talaga napansin na mas lalo kang gumaganda sa malapitan."

Napailing ako ..

"Magbobolahan ba tayo dito? " tumayo ako at bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko.. "Aliyah?"

"Sorry." agad niyang binitawan ang pagkakahawak niya sa akin..

"Pasok lang ako sa kwarto." tumalikod ako at iniwan siya sa may sala. Weird!!

Tama kaya ang hinala ni Pearl .. Ughh! Aliyah!!

----------

-Aliyah-

*

"Akin pa rin ang huling halakhak!"

----------------

Woooohhhh ??? Again??? Aliayah get a life!!! Grrre!!!

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon