TMB 34

4.7K 121 3
                                    


-Summer-

*

Nagulat ang lahat sa pagdating ko sa kasal nina Pearl at Noah.. At nakita kong umiiyak si Pearl habang nakatingin sa akin . Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita..

"Ituloy ang seremonya.. at dakpin ang sirena na yan!!!!!" tugon ni Noah sa kanyang mga sakop.

"AKO SI PRINSESA ADRIELLE! AKO ANG MAKAPANGYARIHANG PULANG DUGO NA SIRENA .. KUNG MAHAL NIYO PA ANG INYUNG BUHAY. HUWAG NIYONG SUBUKAN NA HARANGAN AKO!!!" sigaw ko sa lahat.. kahit di ko alam ano pinagsasabi ko. muntanga lang. Bahala na basta makuha ko lang si Vanora ..

"Prinsesa Adrielle dumating ka?" tugon ni Van sa akin.. agad akong napangiti at nilapitan siya..

"Uu mahal kong prinsesa, dumating ako dahil sayo dahil mahal kita. Mahal
na mahal Pearl." sabay hawak ko sa magkabila niyang pisngi..

"Hindi mo makukuha ang Prinsesa kung hindi ka dadaan sa akin?" biglang pumagitna si Noah sa aming dalawa ni Vanora.

"So hindi mo na pala mahal ang buhay mo Prinsipe Noah."

"Hindi ako nagbibiro sayo.. magtutuos muna tayo bago mo makuha sa akin si Vanora."

"Hindi ako naging sayo Noah.. kaya pabayaan mo na kami Adrielle." si Pearl.

"Kabaliwan ang lahat ng ito!!" ang mahal na reyna agad akong napalingon sa kanya..

"Ito ang gusto mo Mahal na Reyna na tanggapin ang sarili ko kung ano ako. At panindigan ang mahal na prinsesa kaya andito na ako para patunayan sayo , sa inyung lahat na mahal ko ang prinsesa .. At mahal din niya ako.. Nagmamahalan kaming dalawa at walang sinuman sa inyo ang makakahadlang sa amin.. At lalong hindi ikaw Noah!" sabay hawak ko sa braso ni Noah at agad ko siyang hinila sa tabi para malayo siya kag Vanora.

"Sa ngalan ng kaharian ni Haring Alon at Reyna Alena, inutusan ko kayo." sabay tingin sa mga bantay na sirena. "Dalhin ang prinsipeng ito sa ligar kung saan siya nararapat. Ikulong niyo siya!!" utos ko at agad naman nila akong sinunod. Sarap pala maging prinsesa yun nga lang .. may buntot ako.. bahala na. ang importante mabawi ko si Vanora..

"Summer? Dumating ka mahal ko.. dumating ka. Akala ko hindi na kita makikita. Akala ko pinabayaan mo na ako." sambit sa akin ni Pearl habang nagyayakapan kami ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para hindi ka mawala sa akin diba walang iwanan?"

"Patawad kung hindi ako nagpaalam sayo .. "

"Ssshhh huwag na natin yang pag usapan.. Ang importante .. andito na ako."

"Salamat Mahal kong Prinsesa." sabay halik ni Vanora sa mga labi ko.. "Mahal kita."

"Mahal na mahal din kita mahal kong prinsesa.." at sabay ngitian naming dalawa.. "My Lady, ituloy na natin ang kasal" sambit ko sabay tingin sa matandang sirena .

"Sum?"

"Uu Pearl magpapakasal tayo para hindi ka na makawala sa akin."

Napahagulgul si Pearl ..

"Ituloy na natin ang seremonya.. Prinsesa Adrielle tinatanggap mo ba si Prinsesa Vanora ---"

"Opo my Lady."

"Si Nanang yan Sum." sabay tawa ni Pearl at natawa narin ako..

"Opo Nanang." ang laki ng ngiti ko sa matanda..

"Prinsesa Vanora?----"

"Opo Nanang. Opo."

"Simula sa araw na ito.. Si Prinsesa Vanora at si Prinsesa Adrielle ay tunay at totoo ng magkabiyak.. Salubungin at magbigay pugay sa bagong mag asawa."

Agad lumapit sa amin ang mga magulang ko at agad kaming yinakap ni Pearl.. Napaiyak si Mama Alena at ganun din ang aking ama..

"Vanora , Adrielle masaya ako sa inyung dalawa at salamat Prinsesa Adrielle sa pagiging matapang para sa pagmamahal mo aking prinsesa Vanora" si Nanang

"Salama Nanang." yakap sa kanya ni Pearl..

"Salamat Nanang." at ako naman ang yumakap sa kanya.

Isa isang lumapit sa amin ang mga bisit .. Kahit awkward at werdo.. Nakuha kong ngumiti at nakipagsabayan sa kanila para kay Pearl para sa pagmamahalan naming dalawa...

"Salamat Perlas kung di dahil sayo wala ako dito at hindi ko malalaman kong ano ang magiging mangyari. Salamat." sambit ko kay Perlas..

"Wala yun. Mahal ko ang kaibigan ko at gusto ko siyang maging masaya kaya ginawa ko yun at salamat dahil pinatunayan mo talaga na mahal
mo ang aming Prinsesa."

"Uu Perlas mahal na mahal ko si Vanora at hindi ako papayag na mawala siya sa akin at makasal sa taong hindi niya mahal. Kaya salamat." sabay yakap ko kay Perlas.. "Thank You."

Nagkasiyahan ang lahat.. Maliban sa isang taong hindi ko maaninag .. Hindi siya sumali sa amin dito.. ang Mahal na Reyna kaya hinanap ko siya..

"Mahal na Reyna." agad kong sambit ng makita siya sa kanyang silid.

"Ikaw ang nagwagi mahal na prinsesa. Sana maging masaya kayo ni Vanora ." sambit niya habang nakatalikod sa akin.

"Mahal ko ang anak ninyo. At mahal
niya ako. Nagmamahalan kami Mahal na Reyna. Masaya kami sa piling ng isat isa at ngayong naging isa na kami sana maging masaya ka na rin para sa amin at ipapangako sa ngalan ng aking mga magulang. Mamahalik ko ng tapat si Prinsesa Vanora habambuhay."

Humarap sa akin ang Mahal na Reyna.

"Matapang ka na at unti unti mo ng natanggap ang sarili mo.. Masaya ako para sayo.. At para kay Vanora. Huwag mo siyang saktan. Mahalin mo
siya ng buong puso dahil mahal
na mahal ka ng anak ko mahal na prinsesa..."

"Pangako Mahal na Reyna."

At agad akong yinakap ng Mahal na Reyna at tinugunan ko naman ito ng mas mahigpit na yakap na punong puno ng respeto at pagmamahal.

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon