TMB 33

4.1K 108 0
                                    


-Pearl-

*

"Kung may magagawa lang ako Van, pero wala .. Siguro sundin mo nalang ang gusto ng mahal na reyna.. Para sa ikakabuti mo to at para sa ikakatahimik ng lahat. Alam kong nahihirapan ka na pero wala tayong magagawa. Ang tanging pag asa nalang natin si Sum.. Kung makuha ka niyang ipaglaban at pupuntahan ka niya dito pero napaka imposibleng mangyari dahil hindi niya tanggap ang kanyang tunay na siya.. ang pagiging si Prinsesa Adrielle.. Van, kalimutan mo nalang si Sum dahil hindi ka niya kayang ipaglaban." si Perlas ..

Walang humpay ang mga luha ko.. Ito na ba ang kinatatakutan ko.. dumating na ba ang araw na mawawala ng tuluyan sa akin si Sum.. Paano ko kakayanin ang lahat ng ito.. Paano ako mabubuhay kasama ang taong hindi ko minsan minahal at hindi ko kayang mahalin kahit kailan.

"Naawa ako sayo Van kung may magagawa lang sana ako pero wala na. Ang rami ng nakabantay hindi ako makakilos buti nalang yun kagabi kasi nakatulog ang bantay sa lagusan kaya nakalabas ako."

"Sana sana Perlas maging matapang na ngayon si Summer at handa na niya akong ipaglaban.." panay pa rin ang aking iyak.

"Huwag kang umasa. Kung kayo talaga ang itinakda ng tadhana.. Kayo talaga pero kung hindi.. Hindi Vanora."

Hindi na ako sumagot pa kay Perlas..

"Halika nga dito." at agad niya akong yinakap.. "Huwag ka ng umiyak. Papangit ka niyan, kailangan na maging maganda ka sa kasal mo mamaya kay Prinsipe Noah. Kaya tahan kana." tugon sa akin ni Perlas at tumango nalang ako sa kanya.

--

"Patawad mahal kong Vanora. Wala akong nagawa. Mas masusunod pa rin ang gusto ng iyong ina." si Nanang.. habang hinahaplos ang aking buhok. "Kung mahal ka talaga ni Prinsesa Adrielle darating siya mahal kong prinsesa . Darating siya."

"Sana nga Nanang. Sana nga."

"Kaya tatagan mo ang iyong loob. Alam kong matapang ka kaya malalampasan mo ang lahat ng ito."

"Opo Nanang. Salamat.."

--

Naghahanda na ang buong palasyo sa kasal namin ni Noah. Hindi ako masaya. Gusto kung tumakas pero hindi ko kaya dahil sa raming nakabantay sa akin.. Hayss. Kung ito na ang katapusan namin ni Sum. Hindi siguro talaga kami para sa isat isa at tatanggapin ko nalang ito ng buong puso..

"Vanora?"

Agad akong napalingon.. Si Reyna Alena ang ina ni Adrielle..

"Mahal na Reyna." agad ko siyang yinakap..

"Ramdam ko ang lungkot at sakit na nararamdaman mo ngayon mahal na prinsesa. Pero sana kahit ano ang mangyari huwag kong kamuhian ang anak ko. Mahal ka niya. Hindi nga lang siya handa at wala siyang lakas na loob na ipaglaban ka.. Kaya ako na ang hihingi sayo tawag mahal na prinsesa"

"Mahal na Reyna. Naintindihan ko po si Sum. At alam ko ,ramdam ko na mahal niya ako. nagmamahalan kaming dalawa.." sagot ko sa mahal na reyna..

"Kung kaya ko lang na itakas ka dito gagawin ko.. pero lalo lang gugulo ang lahat.. Kilala ko ang Ina mo. Simula pa nuon, gusto niya ang kanyang desisyun lamang ang masusunod. Kaya magpakatatag ka mahal na prinsesa."

"Salamat Reyna Alena."

Hays! Wala na akong magagawa kaya uu tatagan ko ang sarili ko .. At sana kakayanin ko .. kakayanin ko ...

"Mahal na Prinsesa magsisimula na ang seremonya. Kailangan na kayo sa labas." si Perlas..

"Ito na Perlas . Ito na ang katapusan ng lahat."

"Huwag ka ng mag isip. Ngumiti ka nga. Napakaganda ko Vanora."

"Paano ako ngingiti?. Makipag isang dibdib ako sa taong hindi ko mahal. At uu napakaganda ko pero hindi naman ito makikita ni Summer."

"Taman na nga yan. Halika na at naghihintay na ang lahat sayo."

Hinawakan ni Perlas ang kamay ko at dahan dahan na kaming lumabas sa aking silid. Hayss. Sum, hindi kita makakalimutan. Ikaw ang mahal ko at ikaw lang .. ikaw lang Prinsesa Adrielle.

--

Nagsimula na ang seremonya sa pag iisan dibdib namin ni Noah. Wala ako sa aking isipan. Lumilipad .. Iniisip si Summer na sana dumating siya at iligtas ako .. sagipin sa ngalan ng pag iibigan namin.

"Okay ka lang." si Noah.

"Hindi." tipid kung sagot sa kanya.

"Patawad.. pero andito na tayo at pangako ko sayo na mamahalin kita ng buong puso Mahal kong prinsesa. " sabay halik niya sa kamay ko..

Napaiyak na ako .. Malapit ng maging isa kami ni Noah. Pero bakit wala pa rin siya. Hindi ba niya talaga ako mahal. Sum asan ka na ba. Iligtas mo ako . Sum naghihintay ako sayo..

Para akong baliw dito. Nag iisip ng mga bagay na napaka imposibleng mangyari. Hindi ako kayang ipaglaban ni Sum dahil hindi niya kayang ipaglaban ang sarili niya. Paano na tayo sum. Paano na tayo? Hays!

"Prinsipe Noah, tinatanggap mo ba si Prinsesa Vanora na maging kabiyak mo sa hirap at ginhawa. sa lungkot at saya?"

"Opo Nanang."

Si Nanang ang nagkasal sa amin ni Noah dahil siya ang pinakamatandang sirena at siya ang kauna unahang Reyna sa kahariang ito.

"Mahal kong Prinsesa? Tinatanggap mo ba ang si Prinsipe Noah na maging kabiyak mo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya?"

Hindi ako nakapagsalita. Parang nalunok ko ang aking dila..

"Mahal na Prinsesa?" si Nanang..

"Vanora, tinatanong ka ni Nanang." si Noah..

Tumulo ang mga luha ko. Naghihintay sa wala.. ugh! Bahala na..

"O----"

"VANORA???????"

Isang boses ang nagpatigil sa aming lahat... Agad kaming napalingon kung saan ito galing...

"PRINSESA ADRIELLE????"

--------

"The Lost Princess" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon