Kabanata 3
Nakaupo ako sa passenger's seat samantalang si Ronnie ay nasa driver's seat. Hindi nakaandar ang sasakyan at sobrang tahimik naming dalawa ngunit kitang-kita ko sa peripheral view ko kung paano niya ako titigan.
Medyo awkward kaya hinarap ko siya. Nabigla siya sa ginawa ko kaya umiwas siya ng tingin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ngayon lang ulit kami nagkatinginan muli ng matagal.
Dalawang bagay lang ang napagtanto ko ngayong nagkatinginan kami. Namiss ko siya... Mahal ko pa rin siya.
Umiwas agad ako ng tingin at kinuha ko yung cellphone ko. Dali-dali akong nag set ng timer na sampung minuto.
Nilapag ko kaagad sa harap namin ang timer. Napatingin din si Ronnie.
"Nagsisimula na ang sampung minuto mo. Ano ba ang gusto mong pag-usapan?" Sabi ko sa kanya nang hindi siya tinitingnan.
Ayoko siyang harapin. Baka makalimutan ko lang na galit nga pala ako sa kanya.
Natawa siya ng mahina at agad na kinuha ang cellphone ko at pinatay yung timer. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Diba sabi ko sampung minuto sa PAG-UUSAP. Di kasama dun yung titigan kita..." Biglang lumakas uli yung tibok ng puso ko pero hindi ako nagpatinag.
Hinding-hindi ko makakalimutan yung ginawa niya sa akin. Habang-buhay kong babaunin yung sakit na iyon.
Galit ko siyang tiningnan. "Gago ka ba?! I am not up for your games, Ronnie. Kaya kung dinala mo ako rito para makipaglaro, aalis na lang ako." Aakma na sana akong buksan yung pinto ng sasakyan niya but he's too fast to hold my hand.
"Baby naman..." Malambing niyang sabi. I bit my lower lip. I miss this feeling. I miss him calling me his baby. I miss this guy. I miss my Ronnie.
"Alright alright... Simulan mo na yung timer." Sabi niya kaya agad kong sinimulan ulit yung timer.
"Ako muna yung magsasalita ha please ilaan mo muna sa akin 'tong oras na 'to. Ito yung pinakamahalagang sampung minuto sa buong buhay ko kaya hayaan mo muna akong magpaliwanag." Seryosong tugon niya kaya agad akong tumango.
10 minutes of hearing his voice... 10 minutes of him... 10 minutes of us....
"Before, I was blinded with my career. Sobrang nabulag ako sa kasikatan. Pero diba noon... Kahit di man nakikita ng publiko, hinding hindi kita pinabayaan. Kahit tingin man ng ibang tao ay kami ni Julia, pero hindi. Alam natin pareho kung sino ang mahal ko... Alam ng mga kaibigan natin... Alam ng pamilya ko... Alam ng pamilya mo... Alam mo na ikaw lang mahal ko, Loisa."
Pareho kaming diretso yung tingin. Nanginginig ang mga kamay kong pinakinggan yung mga sinasabi niya. Bakit niya sinasabi sa akin toh?
"Kahit mahirap pero kinakaya ko, Loisa. Kinakaya ko lahat. Di naman tayo nagpatinag sa mga sinasabi ng iba. Wala tayong pake sa mga sinasabi nila basta't masaya tayong dalawa. Sobrang saya natin..."
Tiningnan ko siya at nginitian niya ako. Umiwas agad ako ng tingin. Bat ang hirap magalit kapag kasama ko na siya? Di ko lubusang maisumbat sa kanya yung kasalanan niya... Traydor na puso.
"Ako na yata yung pinakamasayang lalaki noong sinagot mo ako... Sobrang saya ko noon. Akala ko yun na ang pinakamasayang araw sa buhay ko... Pero hindi pa pala... Ginawa mo pa akong pinagpala sa lahat noong pinili mo akong makasama habang buhay... Noong pumayag kang magpakasal sa akin..."
Hindi ko na napigilan at tuluyan na akong naiyak sa mga sinasabi niya. Gustuhin ko mang magsalita pero hinayaan ko siyang magpaliwanag. Ito lang yung natatanging pag-asa niya. Dahil pagkatapos ng araw na ito... Hindi na ulit kami mag-uusap pa.
"Pinaghandaan natin ang lahat. Sobrang saya ko sa araw ng kasal natin. Sobrang saya ko..." Agad akong tumingin sa kanya dahil bigla na lang siyang umiyak. Dinudurog ang puso kong makita siyang ganyan. Gusto ko siyang yakapin at pakalmahin pero di ko magawa. Wala na ako sa posisyon para gawin pa iyon.
"Loisa... Pinagbantaan nila ang buhay mo kaya di ako sumipot..."
Parang tumigil ang ikot ng mundo sa kanyang sinabi. Nanginig ang buong katawan ko at tuloy ng umaagos ang mga luha sa aking mga mata. Umiiyak na rin ng lubusan si Ronnie.
"Ha? Sinong nagbanta ng buhay ko?" Di ko na napigilan at tinanong ko siya.
"Di mo na dapat malaman... Basta't ang importante buhay at ligtas ka ngayon." Ngumiti siya ng pilit.
"Masaya ako na masaya ka, Loisa. Kahit di man ako yung kasama mo, basta't alam ko lang na ligtas ka at masaya ka, masaya na din ako." Kumukulo yung dugo ko sa mga sinasabi niya.
"SINO NGANG NAGBANTA NG BUHAY KO RONNIE?!" Sumigaw ako sa kanya. Parang nabigla siya kaya agad niya akong niyakap. Humagulgol ako sa kanyang balikat.
"Totoo ba talaga yang mga sinasabi mo ha?! Totoo ba yan Ronnie?" Tanong ko sakanya habang umiiyak.
"Kahit kailanman hindi ko kayang magsinungaling sayo, Loisa. Yun ang pinakamasayang araw sa buhay ko kaya bakit di ako sisipot. Grabeng pag-iisip yung ginawa ko ng araw na iyon pero wala akong ibang naisip kundi ang isakripisyo ang kaligayahan ko para sa kaligtasan mo..."
Mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. Di ako kumalas sa yakap. I feel safe in his arms. Sa yakap niya lang ako kampante. Sa yakap niya lang maramdaman ko ang kaligtasan na hinahanap ko.
"Sorry baby kung naduwag ako noon... Di ko lang kaya na mapahamak ka ng dahil sa akin..." Hinalikan niya yung noo ko at niyakap ako ulit.
Di ko alam kung anong gagawin ko. Di ko na alam. Hinusgahan ko siya nang hindi man lang pinakinggan yung paliwanag niya noon. Akala ko ako yung nagsakripisyo. Akala ko ako lang...
"Alam kong imposible na mapatawad mo ako pero gagawa ako ng paraan para makuha ko ulit yung tiwala mo..."
Kumalas siya sa aming yakapan at pinunasan niya ang mga luha na galing sa aking mga mata. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"Akin ka lang Loisa. Ako lang dapat ang isipin mo. Ako lang dapat ang mahalin mo. Ako lang dapat baby ko..."
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kanyang sinabi. Di ako makagalaw. Parang umaapaw ulit yung kasiyahan na nadarama ko.
Niyakap niya ako ulit at patago akong ngumiti habang yakap niya ako.
Pero teka...
Paano si Iñigo?
________________________________________
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE GUYS 🙏🏼
YOU ARE READING
HANGGANG SA HULI
FanfictionThis is a LoiNie FanFic story. This is a book 2 connected with the first story I made and it is a sequel. You must read the book 1 for you to understand the flow of the story. Do not re-post or distribute this story without the permission of the Aut...