Kabanata 12
Matamlay akong naglakad papasok ng hotel na tinutuluyan namin. Hindi ko pa rin halos maproseso ang lahat ng pangyayari--- Ang pageant bukas, ang pagiging hurado ni Julia at ang hindi pagpaparamdam ni Ronnie.
Parang gusto ko ng mag back-out bukas. Nawalan ako ng lakas at determinasyon para magpatuloy.
Pagkatapos namin sa Skin Clinic ay agad kaming umuwi sa hotel. Katulad ko, matamlay ding naglakad si MJ. Alam din kasi niya kung anong kayang gawin ng Julia na iyon. She's ruthless and oh.. She's a bitch.
Sana lang talaga at wala siyang kahihiyang gagawin sa akin bukas. Hindi pa ba sapat sa kanya ang pagsira ng sarili kong kasal? She ruined the supposedly best day of my life! That bitch!
"Cheer up ka lang, baby girl. Wag kang mag-alala. Ako ang bahala bukas. I will make sure everything will be alright." Napangiti ako sa naging pahayag ni MJ. Atleast I know few people are with me in this life crisis that I am facing right now.
"Thank you, MJ.." Hinawakan ko ang kanyang kamay at ngumiti siya bilang tugon.
Bahagya akong napatalon nang biglang nag vibrate yung cellphone ko. Agad-agad ko itong kinuha at sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang mapagtanto ko kung sino ang tumatawag.
Calling...
Ronnie AlonteTiningnan ko si MJ at mukhang alam niya ang gusto kong ipahiwatig kaya tumango siya. Nauna siyang maglakad at nagpaiwan ako sa bandang Entrance ng hotel.
"Hello..." I answered his call.
"How are you?" I sighed at his question. I miss his voice. Namiss ko yung boses niya kahit isang araw lang kaming hindi nag-usap.
"Okay lang naman.. Ikaw? Buti at naisipan mo pang magparamdam..." Nasapo ko ang aking noo sa biglaan kong tanong. Loisa! Bakit padalos-dalos ka! I sound so bitter!
Nadinig kong tumawa siya sa kabilang linya. Nagtaas ako ng kilay. Anong nakakatawa?
"At may gana ka pa talagang tumawa?" Ngayon ay galit na galit na ako.
"Hulaan mo kung nasaan ako.." Mapanuya niyang sabi. Huh? Baliw ba siya?
"Aba malay ko ba?! Ngayon ka nga lang nagparamdam tas tatanungin mo pa ako kung nasaan ka? Anong alam ko?!"
Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. Bakit ba siya tawa ng tawa?!
"Baby.. Hulaan mo na please.." Biglang nanlambot ang tuhod ko sa kanyang sinabi. Pinaghalong inis at kilig ang aking nadarama.
"Paano ko nga malalaman Ronnie?! Hindi ako manghuhula!" Mas lalo akong nainis!
"Hmmm.. Nasa airport ako ngayon, mahal ko.." Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Bigla akong napaupo at di malaman ang gagawin.
Ibig ba niyang sabihin ay pupunta siya dito? Ayokong pangunahan ang aking kutob kaya nanatili akong kalma habang kausap siya kahit ang totoo ay sobrang saya ng puso ko.
"Anong ginagawa mo diyan?" Kalmado kong tanong kahit gusto ko ng tumili.
"May pupuntahan ako ehh.." Mapaglaro niyang sabi. I bit my lower lip.
"Saan ka pupunta?" Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"Parang trip kong pumuntang New York eh.."
"Ronnie naman ehh.." Maiiyak ko ng sabi. Parang lumulundag ang puso ko sa kasiyahang nadarama.
"Baby, papunta na ako diyan." Hindi ko na napigilan ang lumuha. Ilang sandali bago pa ako nagsalita.
"Totoo?" Hindi makapaniwala kong tanong. Parang lahat ng pangangamba ay tila nawala.
"Umiiyak ka ba?" Ang pagkamangha ay halata sa kanyang boses na tila masaya pa siyang umiiyak dahil pupunta siya rito.
"Ikaw kasi eh!" Mas lalo siyang naging natawa sa reaksiyon ko.
"Di na ako makapaghintay na mayakap at mahalikan ka.." Buti na lang at di niya ako nakikita ngayon kundi tukso pa ang inabot ko sa mala kamatis kong mukha.
Ilang minuto pa kaming nag-usap bago ako pumasok sa hotel. Bukas ay paniguradong nandito na siya.
It feels amazing. Yung tipong sobrang takot na takot ka sa pwedeng mangyari ngunit isang tawag lang galing sa taong mahal mo ay magiging okay ka na.
It even felt better because he will come here just to see me! I don't know what will happen in the pageant tomorrow or what Julia is up to, but I don't care anymore.
Manalo o matalo, okay lang. Basta't alam kong nakasuporta ang mga mahal ko sa buhay sa akin bukas... And that's more than enough.

YOU ARE READING
HANGGANG SA HULI
FanfictionThis is a LoiNie FanFic story. This is a book 2 connected with the first story I made and it is a sequel. You must read the book 1 for you to understand the flow of the story. Do not re-post or distribute this story without the permission of the Aut...