Kabanata 4
Pagkatapos naming mag-usap ni Ronnie ay hinatid niya ako sa studio kung saan ang susunod ko na photoshoot.
Naging tahimik kami pagkatapos niyang magpaliwanag. Kumalma ako pero di pa rin kumbinsido sa kanyang mga sinasabi. I wanna make sure that all he's saying is true.. I don't want to assume and get hurt in the end again.. I am too tired. My heart is fucking tired.
Kailangan ko ng sapat na ebidensiya na magpapatunay na tama ang kanyang mga sinasabi. I don't want to trust him again... Not yet.
Lumiko ang sasakyan sa pinakadulong bahagi ng basement sa studio upang walang makakita sa amin. Mahirap na at baka makita kami ng mga tao at ano pa ang isipin.. We both have our careers now.
Bago niya pinatay ang sasakyan ay nilingon niya ako at hinawakan ang aking kaliwang kamay. Tiningnan ko ang ginawa niya at napabaling din sa kanyang mukha kaagad.
"Baby, are you okay?" Nag-aalala niyang tanong at tila sinisiguradong pinaniwalaan ko ang mga sinasabi niya pero hindi ako nagpakita ng senyales ng pagtiwala.
Instead, binawi ko kaagad ang aking kamay sa kanya.
"Okay lang ako, Ronnie. May shoot pa ako. Kailangan kong magmadali. We'll talk some other time."
Umaliwalas ang kanyang mukha at isang ngiti ang sumilaw sa kanyang labi na tila may mali sa aking sinabi.
Shit.
I bit my lower lip when I've realized I just gave him a chance to talk to me again. Loisa, you fool!
"Okay, then... I'll ask MJ for your free time this week and I'll talk to you again." Sabi niya sa masayang tono.
As if naman kukunin niya talaga ang schedule ko. Hell, why do I even care?! Ugh! Ofcourse, I'll decline his offer to talk to me again... Yeah, maybe..
"Aalis na ako." Sabi ko at agad na hinanap ang aking bag pero nang napagtanto kong na kay Iñigo pala iyon, ang tanging cellphone ko na lang ang aking dinala.
"Mag-ingat ka baby..." His voice sent shivers down my spine. Damn! May gana pa siyang tawagin akong baby ngayong nanghihina ang tuhod ko dahil sa kanyang mga sinasabi.
Di ko na siya binalingan pa at nagmadali ng lumabas sa kanyang sasakyan bago pa ako atakihin doon sa loob.
Limang hakbang pa lang ang kaing nagawa nang biglang may flash ng camera dahilan ng paglingon ko sa gilid at agad na tumakbo ang taong kumuha ng litrato.
I cursed under my breath. Panibagong issue na naman ito.
Nagmamadali akong pumasok sa building at sumakay ng elevator. I watched myself in the mirror.
I look so tensed. Di pa din ako naka move-on sa pag-uusap namin ni Ronnie. It's funny how that small talk made me gave up my heart again.
Yung sakit na dinadala ko ng halos isang taon ay tila parang nawala dahil lang sa aming pag-uusap kanina! Shit.
Pumikit ako ng mariin upang pakalmahin ang sarili.
Tumunog ang elevator at agad akong lumabas. I rushed to the studio para makausap si MJ at upang mag photoshoot.
Just when I was about to open the door, lumabas si Iñigo sa pintuan at tila nagulat nang magkasalubong ang aming tingin.
Ang pagkabigla sa kanyang mukha ay napalitan din kaagad ng galit at malamig na titig. He looked away and avoiding an eye contact with me.
"Kanina pa naghihintay sa'yo si MJ. Hinatid ko na sa loob yung mga gamit mo. Magpapahangin lang ako sa labas. Pumasok ka na..." He said without looking at me. Damn. I know he's mad. Galit na galit siya.
Dahil sa takot ko na rin, tumango na lang ako sa kanyang sinabi at agad-agad na pumasok.
"Loisa! Saan ka ba galing?!" Salubong ni MJ saktong pagpasok ko ng pinto.
Pumikit ako ng mariin. "Mamaya na ako magpapaliwanag. Sorry. Maghanda na muna tayo para sa shoot..." Naglakad ako kaagad sa dressing room just to avoid questions. Ayoko munang pag-usapan ang mga nangyari kanina. Sobrang nakakapagod. I am so drained even if we just talked for less than an hour.
Agad akong nagbihis dahil 10 minutes na lang at magsisimula na ang shoot ng bago kong endorsement. Isa itong shampoo brand kaya nakasuot lamang ako ng black fitting offshoulder dress and stilettos.
"Dapat natural lang ang galaw mo..." Paalala ni MJ habang inaayusan ako sa buhok at mukha.
"Yes..." Tila walang gana kong sagot.
Naramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan.
1 message from: Unknown number
I'll be watching your shoot. First time ko 'tong mapanood ka. Buti na lang at pinayagan ako ng mga staff na pumasok. Give it your best shot, baby...
Shit. Di ko na kailangan magreply upang malaman kung sino iyong nagtext. I bit my lower lip dahil ramdam na ramdam ko ang puso kong naghuhuramentado sa bilis.
Paano niya ako nasundan? Tiyaka bat ba pumayag yung staff? Oh my God. Di ko na alam ang gagawin.
Nababaliw na ako dahil sa kaba.
"All set!" Natutuwang sabi ni MJ pagkatapos akong ayusan.
Parang naiihi ako na ewan. Ayokong lumabas kung andiyan siya.
Tiningnan ko muna ng maayos ang aking sarili sa salamin bago lumabas. Inhale exhale. Kaya ko toh!
I shouldn't let him see that I am affected. Act normal, Loisa. Act normal.
Tuluyan na akong lumabas sa dressing room at bumungad nga sa akin ang nakangising mukha ng isang Ronnie Alonte.
Fuck. I don't wanna do this anymore.
YOU ARE READING
HANGGANG SA HULI
FanfictionThis is a LoiNie FanFic story. This is a book 2 connected with the first story I made and it is a sequel. You must read the book 1 for you to understand the flow of the story. Do not re-post or distribute this story without the permission of the Aut...