Kabanata 15

1.7K 34 7
                                    

Kabanata 15

"WELCOME BACK TO THE PHILIPPINES OUR QUEENS!"

Umalingawngaw ang sigaw ng mga tao sa NAIA. Sobrang dami ng mga fans at supporters, halos hindi na kami makahinga sa sobrang sikip.

Gusto kong magmura pero ang tanging pwede ko lang gawin ay ang ngumiti kahit hirap na hirap na ako.

Tatlong araw pagkatapos ang victory party namin sa New York ay umuwi na agad kami ng Pinas. Mas naunang umuwi si Ronnie upang hindi kami magkasabay para maiwasan ang issue. Kasama niya sina Mama, Papa at Maris.

Hindi muna ako pwedeng gumawa ng issue sa aking career lalo na ngayon na dumadami ang aking fans, same as Ronnie. Dapat iwasan din muna niya ang mga issue upang bumalik ang proyektong matagal na niyang pinapangarap.

Ngayong nasungkit ko na ang aking pangarap, which is to represent my country and win a crown, gusto ko siya naman ang makaranas ng matagal na niyang inaasam-asam.

I won't mind about his loveteam, though. Nasa tamang edad na kami upang pagselosan pa ang mga ganyan. I will support him whoever his leading lady will be.

"Dios mio! Mabuti na lang at nakaalis tayo sa mala impyernong init doon! Kundi ay aatakihin ako ng wala sa oras!" Utas ni MJ hapabang pinapaypayan pa ang sarili.

Nasa sasakyan na kami ngayon upang dumiretso sa aming Interview. I am so tired pero madami pa kaming appointment for today.

"Sobrang lala ng mga fans niyo, girls!" Natutuwang wika ng handler ni Kira.

I agree. Before, hindi gaanong kadami pero simula noong nanalo kaming tatlo, halos bumaha yung followers at supporters namin. Nadagdagan din ang aming mga fans club. I feel really happy, though.

I call my fans 'LoiYals' it's a combination of Loisa + Loyal. I don't just treat them as my fans, but they are my family.

"Masaya ako na dumadami sila pero nakakalungkot dahil lalong mawawalan kami ng freedom.."

"Tama si Janella. I bet we're like quarantined! Siguro sobrang hirap na akong makapunta ng Mall o gumala man lang.." Sabi ko na sinang-ayunan ng lahat.

The conversation of freedom went on until I felt my phone vibrated. Agad ko itong kinuha at nang makita kung sino iyong nag text ay agad akong napangiti.

Ronnie:

Baby, are you home?

Nakalimutan ko palang sabihin sa kanya. Nagtitipa agad ako ng mairereply.

Ako:

Sorry! Nakalimutan kong mag text. Yes. Papunta na kami ngayon sa Interview namin :)

Wala pang tatlong minuto ay agad na siyang nagreply. Bilis ah!

Ronnie:

Pwede ba kitang makidnap mamayang gabi? Miss na kita :(

Para akong baliw na napangiti sa kanyang reply. Napanguso ako upang hindi masyadong halata. Hindi pa ako nakapag reply ay may mensahe na naman galing sa kanya.

Ronnie:

Please? I want to kiss my baby :(

Ilang segundo kong binaba ang aking cellphone at huminga ng malalim. Damn! Parang lahat ng pagod at antok ko ay nawala!

Ako:

Tumigil ka nga! Pero sige. I'll text you later tonight, okay? Where are you now, by the way?

HANGGANG SA HULIWhere stories live. Discover now