Kabanata 18

1.4K 25 4
                                        

Kabanata 18

Nanginginig kong ibinalik ang cellphone sa lalagyan. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng aking hininga. Di ko alam kung anong gagawin ko. Bigla akong napaupo sa sofa.

Just when I was about to cry, biglang lumabas si Ronnie galing banyo. Water dripped from his body and he was smiling at me, oblivious to what was happening.

I smiled back. Hindi ko pinahalata sa kanya ang namumuong sakit na nararamdaman ko ngayon. I can't believe to what I've just read awhile ago. I mean... After all? Sa lahat ng sakripisyo ko ay may gana pa siyang saktan ako? Bwiset!

Agaran akong tumayo at pinagpatuloy ang ginagawa. Kaya ba siya naligo para makipagkita kay Sue? Bullshit! Why would he even consider in meeting his fucking ex while he's with me!

"What are you cooking, hmmm?" Naramdaman kong niyakap niya ako galing sa likuran.  Naestatwa ako sa aking tinatayuan at tila pinipigilan ang pag-iyak.

"Carbonara." Simple kong sagot.

"Magbibihis muna ako at kakain na tayo.."

Tumango ako sa kanyang sinabi. He kissed my cheeks before heading back to the room. Nang wala na siya ay dumiretso ako sa banyo at napaupo sa sahig. Lumabas na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Tinakpan ko ang aking bibig upang maiwasang mag-ingay. Ayaw kong malaman niyang umiiyak na naman ako. Ang sarap magalit at iwan siya upang umuwi ng Pilipinas.

Wala akong itatanong sa kanya. Kung may ganoon man silang pag-uusap ni Sue, dapat ipaalam niya sa akin! Ikakasal na kami pero naglilihim siya! Fuck!

"Loisa, nandiyan ka ba sa loob?"

Mas lalo akong naiyak nang marinig ang boses niya sa labas. Napahagulgol na ako habang yakap-yakap ang aking mga paa.

"Baby, are you there?"

"T-teka l-lang.." I tried so hard to stop my voice from breaking. Paano ako lalabas ngayon na namumugto ang mga mata?

What will I tell him? Na umiyak ako dahil naghihiwa ng sibuyas? Bullshit!

"Buksan mo ang pinto." His voice was full of authority. He knew something was off.

Napatawa ako ng mahina. He's an asshole! Siguro sinadya niya 'to! Para ano? Sa career na naman?

"Baby, please open the door.."

"Please, baby..."

Suddenly, I felt anger traveling in my system.

"Fuck you!" Di ko na napigilan ang sumigaw. I am so angry right now.

Bigla siyang natahimik sa sinabi ko. Siguro ay nabigla sa biglaang pagmumura ko. I don't freakin care! He deserved it! Parang binabalot ng galit ang buong pagkatao ko sa mga oras na ito.

"Baby, please don't say bad words to me. Buksan mo ang pinto."

Napapikit ako sa iritasyon. Baby niya mukha niya! May gana pa siyang magpakilig ng ganyan?! At teka sinabi ko bang nakakakilig iyong 'baby' niya?!

Hindi ako nagsalita at wala na rin akong narinig mula sa labas. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang natumba yung pinto.

Nanlaki ang aking mga mata habang napatayo. Stood there was a mad man. Galit at iritasyon sa mukha ni Ronnie ang bumungad sa akin.

"B-bakit m-oo sinira a-ang pinto?"

Hindi siya nagsalita ngunit naglakad papalapit sa akin. Pilit kong umatras ngunit wala na akong maiaatras pa. Napalunok ako ng ilang beses.

"You fucking scared the shit out of me! Nag-alala ako! Akala ko kung anong nangyari sa'yo!"

Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Wow! Siya pa 'yong may ganang magalit?! I pushed him as hard as I can and I walked fast towards the bed. I quickly grab his phone and throw it at him.

"Ayan! Ano 'yan? Ha?! Bakit kayo magkatext ni Sue?! Are you cheating on me?!"

Nanlaki iyong mga mata niya na parang may nalaman akong hindi ko pwedeng malaman. Oh wow. He really thought na hindi ko malalaman!

Napahilot siya sa kanyang sentido at namumungay ang mga matang tiningnan ako. Unti-unti ay napailing siya at ngumiti. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Baby naman..." He touched my elbows at biglang nanginig ang aking tuhod sa kanyang ginawang paghaplos.

Di pa ako nakagalaw ay mabilis niyang niyakap ang aking baywang. Nagpumiglas ako ngunit masyado siyang malakas.

Marahan ang kanyang paghinga at niyakap ako habang ang kanyang ulo ay nakabaon sa aking leeg.

"Why do you always ruin my surprises for you, hmmm?"

"Surprise?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Sorpresa sana 'yon. Kaso ayan... Nasira na naman. Di ko kasi matiis na nakikita kang umiiyak."

Hinampas ko siya sa braso. "Nakakainis! Paano naging sorpresa 'yon?!"

"Magrereply sana ako kay Sue at inaakala kong susundan mo ako. Pagdating sana natin doon, aayain kitang magpakasal ulit sa harap ng mga pamilya at kaibigan natin."

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Di ko alam kung magiging masaya ba ako o magagalit dahil nasira ko 'yong sorpresa.

"Pero wag mo nang isipin 'yon. Aayain pa din naman kita sa harap nila bukas. Ikaw kasi, e..." Wika niya habang yakap-yakap ako.

Pinikit ko na lang ang aking mga mata ngunit umaapaw ang kilig sa aking puso. Oh my God.

***

Hello guys! Sorry. It's been awhile. Tapos na exams namin. I'm back for good :)

HANGGANG SA HULIWhere stories live. Discover now