Kabanata 10

1.9K 46 4
                                    

Kabanata 10

Nagdaan ang mga araw at unti-unti ding naglaho na parang bula ang issue tungkol sa amin ni Ronnie. That's the thing about showbiz. People dig the issue if you respond to it.. Kaya mas mabuting manahimik na lang para hindi nila ito pagtuonan ng pansin.

"Are you sure this is all you need?" Iñigo turned to me pointing at the grocery cart with all the products I needed for tomorrow.

I examined all the things that's in there.. I got everything I need.

"Yes.. Nandiyan na lahat ng kailangan ko.." Nginitian ko siya bilang tugon.

Nasa grocery kami ni Iñigo ngayon. Actually, the store was about to close pero pinakausapan lang namin kaya kami lang yung nandito.

Sinadya namin pumunta na pasarado na yung mall upang makaiwas sa mga tao. Mahirap na at baka may issue na naman.

Ngayon lang din kami ulit nagkita ni Iñigo pagkatapos noong huling usapan namin sa café. We're good friends now.. Yeah, friends. Mas mabuti na yung ganito. Naikuwento ko na din sa kanya ang lahat ng pinag-usapan namin ni Ronnie. Even if it's hard for him.. But he's okay with it somehow.. He needs to accept my decision.

"Susunduin ka ba ni Ronnie?" Napanguso ako sa kanyang tanong.

"I don't know.. Parang busy niya ngayon. Hindi na ulit nag text kaninang hapon pa." Tumawa si Iñigo sa naging reaksiyon ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. What's so funny?

"Nakuuu... Baka naman may kasama na yung iba.." Pabiro niyang sabi kaya agad ko siyang tinampal sa braso.

"Grabe ka din mang-asar noh?! Ngayon pa talagang badtrip ako sa kanya!" Tinatawanan niya lang ako. Tuwang-tuwa yung loko!

Binayaran na namin yung lahat ng pinamili ko at agad na nagtungo sa basement upang umuwi na. I'm so tired. I gotta sleep 10 hours for my flight tomorrow.

Yes. I'll be flying to New York tomorrow to prepare for the pageant. Sobrang hectic ng schedule ko.

Unang tapak ko pa lang sasakyan nang biglang nag vibrate yung phone ko. Agad kong tiningnan kung sino yung tumawag.

Calling...
Ronnie

I rolled my eyes. Wow. Ngayon niya pa lang naisipang magparamdam. Mabuti naman. Sinagot ko yung tawag.

"Buti naman at may plano ka pang magparamdam ngayon.." Irritation is evident in my tone. I want him to know how I feel right now.

"Baby.." Mahina niyang sabi. He sounded so sad that I almost forgot I am mad at him.

"Are you okay?" Naguguluhan kong tanong. Ako dapat yung sinusuyo ngayon eh!

"Hindi.. Pwede mo ba akong puntahan?" Nagsimula na akong mag-alala. Madalas kasing masayahin si Ronnie bilang tao.. At kapag malungkot siya.. You will really wonder why.

"Nasaan ka ngayon?" Tiningnan ako ni Iñigo ng bahagya sa naging tanong ko. Nagtataka din siya kung anong problema.

"Nasa condo ko.." Inilayo ko muna yung cellphone ko at tiningnan si Iñigo.

"Ihatid mo ako sa condo ni Ronnie ngayon na.." Hindi ko na hinintay yung naging sagot niya at agad na ibinalik ang cellphone sa aking tainga.

"Okay papunta na ako.." I heard him sighed in relief. What is really happening?

"Okay hihintayin kita.. Ingat ka." Bigla niyang pinatay yung tawag. Hala. Is he really that sad that he hang up first? He never did that to me.

HANGGANG SA HULIWhere stories live. Discover now