Kabanata 6
"Great job! You are really a fantastic model, Loisa! Sobrang ganda ng mga pictures na nakuha namin! I'm looking forward for the next shoot?" Papuri ng photographer na kanina lang sinusungitan ako. Ngumiti ako ng pilit. Sorry but there's no next time for rude staff like you.
"It's a wrap everyone! Tama na 'yan at baka mapagod pa ng husto ang alaga ko." Nagpapasalamat ako sa naging suhestiyon ng aking manager na si MJ. Yes. I badly want a rest right now. Too much happenings for this day.
Di ko na hinantay ang pag sang-ayon nila at agad akong nagtungo sa dressing room upang magbihis at makapag-ayos. Naiwan naman si MJ sa labas upang kausapin ang mga staff.
Naagaw ang atensiyon ko sa aking cellphone na nag vibrate. I looked at the name on the screen.
1 new message from:
Iñigo"Are you done? I'm waiting for you at the café downstairs. Let's eat dinner."
Napapikit ako. I'm so drained for today I totally forgot about Iñigo. I feel really bad. Nagtitipa agad ako ng marereply sa kanya.
"Ofcourse! I'll be there in 15 minutes."
*message sent*I washed my face off para matanggal ang makeup sa aking mukha. I prefer like this. I love it when I'm barefaced.
Pagakatapos kong maghilamos ay agad akong nagbihis. I'm wearing a tight black mini dress and my stilettos. Nakalugay ang aking buhok at kulot ang dulo nito.
Namataan kong pumasok si MJ na nakangiti. What's with that smile?
"Good news my dear!" Maligaya niyang sambit habang pumapalakpak pa talaga. I watched his movements on the mirror curiously. Hindi ako nagsalita at hinintay lang siyang magpatuloy.
"Sabi ng mga staff kanina na kapag pumirma ka ng contract sa kanila for 1-year deal, sila na daw yung bahala sa lahat ng gagastusin sa pageant mo sa New York!"
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. The offer is so tempting.. I wanna grab it so bad! Kahit pa man malaki ang kita ko sa pagmomodel, nag-iipon pa din ako ng pera para makabili na ng magandang mansiyon para kina Mama at Papa. I save money. I'm not an extravagant person.
"I'm sorry but I think I'll decline that offer." Napalitan ng busangot na mukha ang kanina lang na ngising-ngisi na si MJ.
"This is a great opportunity, Loisa!" I know but I just can't deal with rude staff.
Saglit din kaming nagkasagutan ni MJ patungkol sa bagay na iyon pero wala siyang nagawa dahil sa huli, nasa akin pa rin ang desisyon dahil ako yung kailangan.
Saktong pagbukas ko ng pinto para sana lumabas ay siya din sanang pagpasok ni Ronnie. Bahagya akong nagulat at siya naman ay umatras tila hinihintay akong tuluyang makalabas habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"Tapos ka na?" Mahinahon niyang tanong na tila parang walang nangyari. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong sa kanya. Binasa niya ang kanyang pang-ibabang labi habang pinasadahan na naman ako ng tingin. Bigla akong nailang.
"Sinabi ko sayong maghihintay ako.." Mariin niyang sabi habang nanunuyo ang mga mata.
"Sinabi ko bang maghintay ka?" Bumuntong hininga siya sa naging tanong ko. As if I told him to wait! Hindi ko kasalanan kung napagod siya sa kakahintay riyan..
"Let's go and find something to eat.." Hinaplos niya ang aking braso patungo sa aking siko hanggang sa nahawakan niya ang kamay ko. Bigla akong nakuryente sa kanyang ginawa pero hindi ako nagpatianod sa gusto niyang mangyari.
YOU ARE READING
HANGGANG SA HULI
FanfictionThis is a LoiNie FanFic story. This is a book 2 connected with the first story I made and it is a sequel. You must read the book 1 for you to understand the flow of the story. Do not re-post or distribute this story without the permission of the Aut...