Kabanata 2
"Sige iyak ka lang... Nandito lang ako." Di ko na nakayanan ang sakit at iniyakan ko si Iñigo na kasalukuyan akong kinocomfort ngayon. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina at tila siya ay nabigla din.
"Bwiset siya! Bwiset! Bwiset!" Malutong kong sigaw sa ere. Madahang hinahaplos ni Iñigo ang aking likuran upang ako ay kumalma. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kanyang sasakyan ngayon.
"Wala talagang alam gawin ang lalaking yan kundi ang paiyakin ka. Sa susunod na umiyak ka pa dahil sa kanya, malilintikan na sakin yan." Banta ni Iñigo kaya agad ko siyang tiningnan kahit mukha na akong zombie ngayon dahil sa namumugto kong mga mata.
Bigla ko siyang hinampas. "Nakakainis ka!" Sigaw ko sa kanya.
Agad naman siyang nabigla sa ginawa ko. "Uy bakit? Anong ginawa ko?"
"Bat ang bait bait mo sakin? Ha? Di mo deserve ang taong katulad ko." Naiiyak kong sabi sa kanya. Sobrang bait sa akin ng taong toh at nakakalungkot lang na di ko kayang suklian yung pagmamahal na pinadama niya sa akin.
"Halika nga dito." Bago pa ako makapagsalita, agad niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. Mas lalo akong naiyak.
"Mabait talaga ako sa mga taong mahal ko." Diretsahan niyang sabi. Wala akong masagot kundi ang yakapin lamang siya pabalik.
"Nakakalungkot nga lang na di tayo parehas ng nararamdaman kasi kahit itanggi mo man sa akin, alam kong mahal mo pa din siya." Mas lalong hinigpitan ko yung yakap ko. Sorry Iñigo. Sorry.
"Di ko naman hawak yung puso mo kaya wala akong karapatang diktahan ka kung sino dapat yung mahalin mo." Yakap yakap niya pa rin ako habang nagsasalita siya.
"Ang hirap mo namang mahalin. May kambal ka? Pwede ba maging dalawa ka na lang?" Parang dinurog ang puso ko habang nakikinig sa kanya.
"Hindi din naman kasi ako isang bayani na kaya kang ipaglaban kahit may mahal ka ng iba." Humagulgol na talaga ako sa iyak. Masyado ko na pala siyang nasasaktan. Yung taong palaging andiyan kapag akoy nasasaktan. Yung taong parati kong karamay.
Kumalas siya sa aking yakapan at pinunasan ang aking mga luha. "Pero wag kang mag-alala, Loisa. Kaya ko pa. Hindi ako magsasawang ipadama sa iyo na hindi ka nag-iisa sa problema mo. Alam kong sobrang hirap ng pinagdadaanan mo ngayon kaya naiintindihan kita." Paliwanag niya.
"Salamat Iñigo ah. Kung wala ka, baka ano nang nagawa ko ngayon. Kaya sobrang thank you sa pagdamay mo sa akin. Parati kang nandiyan para pasayahin ako. Salamat talaga. At sorry kung hindi ko pa masuklian yung pagmamahal mo. Hayaan mo dadating din ang panahon na makakalimutan ko na ang gagong yun."
Ngumiti lamang siya sa aking sinabi. "Sana nga. Sana."
Naputol ang aming usapan nang biglang tumawag si Mama. Di nila alam na umiiyak ako ngayon at wala akong balak na ipaalam sa kanila.
Sinagot ko yung tawag. "Hello ma?"
"Okay ka lang ba, nak?" Nag-aalalang tanong niya sa kabilang linya kaya pinigilan ko ang aking sarili dahil mas lalo akong naiiyak.
"Oo naman ma. Okay ako, bat naman hindi ako magiging okay. Kayo ba ni Papa? Nakauwi na kayo?" Pati mga magulang mo pinagsisinungalingan mo na, Loisa.
"Mabuti naman anak. Magkasama ba kayo ni Iñigo? Make sure na ihahatid ka niya pauwi ha. Oo nandito na kami sa bahay ng Papa mo."
"Okay po ma. Oo magkasama po kami ni Iñigo. Sige po. Salamat po sa pagsuporta niyo kanina ah. I love you, Mama." Hinawakan ko si Iñigo dahil naiiyak na naman ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/124477411-288-k139593.jpg)
YOU ARE READING
HANGGANG SA HULI
FanfictionThis is a LoiNie FanFic story. This is a book 2 connected with the first story I made and it is a sequel. You must read the book 1 for you to understand the flow of the story. Do not re-post or distribute this story without the permission of the Aut...