Kabanata 1
"Loisa, lumabas ka na in 5 minutes at magsisimula na yung presscon!" Natatarantang sigaw ni MJ sa dressing room habang sinusuklay ko naman ang aking buhok. Natawa ako. Mas tense pa siya kesa sa akin akala mo siya yung iinterviewhin eh!
"Chill ka nga muna. Opo. Susunod na ako sa labas." Natatawa kong sagot sa kanya. Si MJ ang aking handler at ang aking make-up artist. Kasalukuyan kaming nasa venue ng aking presscon ngayon para sa nalalapit kong pageant na sasalihan.
I am now a successful model. I've been in the modeling world for almost 4 years. May nag alok sa akin na sumali sa isang beauty pageant sa New York at malaki yung bayad kaya di ko na pinalampas. Tatlo kaming kinuha galing sa Pilipinas at kaming tatlo ang iinterviewhin sa presscon.
Naghihintay na din sa akin sina Mama at Papa sa labas pati na rin siya. Excited kong nilapag ang suklay sa harap ng salamin at agad na lumabas.
Saktong paglabas ko ay siyang paglabas din ng dalawa ko pang kasama. Si Janella at si Kira. Nginitian ko silang dalawa at hawak kamay pa kaming tatlo na pumasok sa function hall na kinaroroonan ng presscon.
Pumalakpak ang lahat nang pumasok na kami. Nakakatuwa naman. Ang saya lang masaksihan at malaman mong madaming nakasuporta sayo. Nginitian ko sila at agad na nahagip ng mata ko ang mga importanteng tao sa buhay ko.
Mas lalo akong napangiti nang makita ko silang tatlo na nakatayo pa habang pumapalakpak. Si Mama, si Papa.
At si Iñigo. Iñigo Pascual.
Kinawayan ko sila at agad na kaming umupo sa harapan. Biglang naging tahimik ang paligid nang umupo na kami.
"Good morning beautiful ladies!" Bati sa amin ng isang reporter na babae. Nginitian namin siya.
"Good morning din po." Wika naming tatlo.
"So I'm the lucky one. I get the first pick to ask the three of you some questions... May it be personal or for pageant." Sagot ng reporter sa amin.
"Okay po, no problem. Go ahead." Nakangiting sabi ni Janella sa kanya.
"Here's your first question... What do you think are your potential to win the pageant? It's answerable by the three of you. Let's start with Ms. Loisa Andalio." Ngumiti ako sa naging tanong ng reporter.
"I think that I have enough potential and enough experience with me to win the pageant. I know that this isn't an easy journey at all. I'll be passing a tough road especially that there are 35 candidates all in all from different countries but to represent the Philippines is truly a gratitude. I want to make my countrymen proud of me by giving my all to win this pageant. I am determined and I do believe that I would win this. If not me, atleast by one of us." Taas noo kong sagot sa kanya. Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos kong magsalita.
Nagbahagi din ng kani-kanilang sagot sina Janella at Kira. Determinado kaming tatlo na manalo. We want to bring home the crown to our country.
"Wow! You are all so smart and witty. Goodluck girls! I am sure that one of you will be crowned as the winner." Papuri ng reporter sa amin. Nakakataba talaga ng puso kapag nakakarinig ka ng mga compliment na ganyan. I feel so happy.
"Thank you po. We do really hope that one of us will be crowned as the winner." Sagot ni Kira sa kanya.
"Moving on to the second question... How are your lovelife girls?" Tinukso kami ng mga reporter.
Agad kong tiningnan si Iñigo at nginitian ko siya. Ang taong hindi kailanman ako sinukuan. Ang taong handang maghintay. Ang taong handang magsakripisyo para sa akin. I'm so thankful na nandiyan siya palagi para sa akin.
"Okay naman po kami ni Elmo.. going strong pa din. 3 years na po kami." Masayang sagot ni Janella kaya tinukso siya ng mga reporter.
"Single pa din po. As of now, I am not really entertaining suitors because my mindset right now is to focus on the pageant muna." Sagot ni Kira. NBSB talaga tong isang toh eh.
All eyes are on me pagkatapos sumagot ng dalawa. Tila nasasabik sila sa sagot ko. Parang hinihintay talaga ng lahat kung ano yung magiging reaksiyon ko.
"Masaya naman po ako ngayon. Masaya ako na may isang taong handa akong pasayahin muli. Handa akong turuang magmahal ulit." Nakangiti kong sagot habang sinulyapan si Iñigo na siya ring nakatingin sa akin.
"So ibig sabihin ba Ms. Loisa Andalio ay naka move on ka na sa past relationship mo?" Nabigla ako sa tanong ng reporter. Nanatili akong kalmado ngunit kinukuyom ko ang aking palad sa baba ng lamesa na siya ring hinawakan ni Janella kaya nginitian ko siya.
"Yes. I have moved on." Sinungaling ka, Loisa. Sinungaling.
"Excuse me lang po ah. CR lang." Nagmamadali akong naglakad papuntang CR at tila natahimik ang lahat sa aking inasta. Tanga mo, Loisa! Sinasabi mong naka move-on ka na pero ngayon may pag walk out ka! Aishhh!!! Nababaliw na ako!!!
Halos takbuhin ko na ang daan papuntang CR nang may biglang nakaharang sa dinaanan ko. Bwiset ah!
Unti-unti akong tumingala at tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo.
Bat siya nandito?
Kinukuyom ko ang aking palad upang manatiling kalmado. Nilagpasan ko siya.
"Handa ka niyang pasayahin? Handa ka niyang turuang magmahal ulit? Tsss. Gusto mong basagin ko mukha ng gagong yan?" Galit niyang wika kaya agad ko siyang hinarap at nilakad ko ang distansiya namin.
Sinampal ko siya ng malakas.
"Kapal ng mukha mo!!! Ang kapal kapal ng mukha mo Ronnie! Bwiset ka!!! Ikaw pa tong may ganang magalit?! Ha?! Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo?!!"
Di ko na napigilan at humagulgol na ako sa kanyang harapan. Namumungay ang kanyang mga matang lumapit sa akin at tila naaawa sa aking pag-iyak. Pupunasan niya sana ang aking luha ngunit agad kong tinabig ang kanyang kamay.
"Ikaw pa tong may ganang magalit?! Pagkatapos.... PAGKATAPOS MONG DI SUMIPOT SA KASAL NATIN?!"
Mas lalo akong humagulgol at agad niya akong niyakap pero kumalas ako sa kanyang mga bisig.
"Pakinggan mo muna kasi ako Loisa! Pakinggan mo naman ako oh. Nagmamakaawa ako. Please. Pakinggan mo ako, mahal." Pati siya ay umiiyak na rin habang nagmamakaawa. Hindi ako nagpatinag. Agad kong pinunasan ang aking luha.
"Wala na akong dapat marinig galing sayo. Ayokong pakinggan ang mga rason mo." Sabi ko sa kanya at agad na naglakad palayo.
Agad na pagtalikod ko ay siya ring pag-agos muli ng mga luha ko.
Tang ina. Ang sakit.
__________________________________________________________
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE GUYS 🙏🏼
Next update: SATURDAY ☺️
YOU ARE READING
HANGGANG SA HULI
FanficThis is a LoiNie FanFic story. This is a book 2 connected with the first story I made and it is a sequel. You must read the book 1 for you to understand the flow of the story. Do not re-post or distribute this story without the permission of the Aut...