Kabanata 5

1.5K 40 1
                                    

Kabanata 5

"Ano ba yan Loisa! Bat sobrang kabado kang kumilos? Act normal!" Reklamong sigaw ng photographer kaya agad akong pumikit ng mariin.


Nahagip ng paningin ko si Ronnie na nakangisi at tila enjoy na enjoy mapanood akong kabado ngayon. Damn! His nerves are making me mad!


"Break na muna! 10 minutes." Narinig kong sabi ni MJ sa staff at agad naman itong tumango.


"Mabuti nga at pagsabihan mo yang alaga mo!" Kung hindi lang sana malaki yung bayad para dito, I would decline their offer! I hate rude staffs. They need me more than I need them! Malakas ang kapit ko sa mga tao kaya dapat lang na makitungo sila ng maayos!


Agad akong naglakad patungong dressing room at sumunod naman si MJ.


"Loisa! I told you act normal! Anong nangyari? As far as I remember, itong shoot lang na ito ang pinakamatagal mong natapos!" Umirap na lang ako sa naging pangaral sa akin ni MJ. I'm too occupied right now to even respond to him.


Bumukas ang pinto at agad kaming napatingin ni MJ. Iniwas ko ang aking tingin.


Yan! Siya ang rason kung bat ako nagkakaganito ngayon! Ugh! Gusto ko sana siyang sigawan kaso ayokong magkausap kami kaya bahala siya diyan.


"Oh baka naman si Ronnie ang dahilan kung bakit ka sobrang kabado?" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ni MJ. Ngayon pa niya talaga sasabihin yan na nandito si Ronnie sa loob ng dressing room!


Tumawa ng bahagya si Ronnie. Tiningnan ko siya sa salamin at agad na inirapan. Bwiset!


"Can we talk MJ? 5 minutes lang." Tinaasan ko siya ng kilay ngunit nakaharap lang siya ngayon kay MJ.


"No way.. I'm not talking to you." Bumaling siya sa akin at kitang-kita ko kung paano umigting ang kanyang panga.


I cursed under my breath when I saw MJ closed the door behind us only leaving me and Ronnie inside. Shit.


Dali-dali din akong tumayo upang lumabas ngunit hinagit niya ang aking kamay.


"Di ka lalabas hanggat hindi tayo mag-uusap." Mariin niyang sabi. His voice is full of authority. He's like a predator and I'm his prey.


I've tried pulling my hand but he's just too strong! Kinuha niya ang aking upuan kanina at umupo siya habang hinila niya ako upang kumandong sa kanya!


"Ronnie ano ba!" Buong lakas ko siyang tinulak pero nakayakap siya sa aking baywang habang ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg.


Oh my God! My knees are literally trembling right now!


"I miss you..." Malambing niyang sabi habang nakabaon pa din ang mukha sa aking leeg. I've tried moving but I just couldn't let go of his hug. Masyado siyang malakas kaya hinayaan ko na lang na ganoon ang posisyon namin.


"I miss your scent..." Napasinghap ako habang naramdaman kong inaamoy niya ang aking buhok habang nagsasalita.


Masyado akong nanghihina sa kanyang ginagawa.


"Ronnie please... I'm not up for your games. May photoshoot ako." Mas lalong humigpit ang kanyang yakap. Ngayon itinaas niya ang aking paa upang itagilid ako at upang magkaharap kami while I'm still sitting on his lap!


"Are you nervous because I'm watching you?" Namula ako sa kanyang sinabi at iniwas ko ang aking tingin dahil sa kahihiyan. Bwisit na Alonte alam na alam kung paano ako ipahiya!


"I'm sorry. Di ko alam na kakabahan ka dahil nanonood ang crush mo." Bahagya siyang tumawa sa kanyang sinabi kaya pinandilatan ko siya ng mata.


"Kapal mo ah! Anong crush pinagsasabi mo? Gago ka ba?! Hirap na hirap nga ako kanina samantalang ikaw parang enjoy na enjoy ka lang tingnan akong nahihirapan!" Buong lakas kong sigaw sa kanya ngunit tiningnan niya lang ako na para bang manghang-mangha siya na inaaway ko siya ngayon.


"Diyos Mio! Kayong mga bata kayo! Umayos nga kayo! Loisa, malapit na magsimula yung shoot!" Agad akong napatayo dahil sa pagpasok ni MJ at tila nahiya sa kanyang nasaksihan. Tiningnan ko si Ronnie pero nakatingin lang siya sa akin at tila natatawang tiningnan akong nahihiya. Inirapan ko nga!


"O-oo.. S-sunod na a-ako.." Nauutal kong tugon kay MJ at agad niya namang sinarhan yung pinto.


Tumayo si Ronnie at bago pa man ako makapagsalita, agad niya akong niyakap.


"Sorry dahil naistorbo ko yung shoot mo. Hihintayin kita sa labas." Kumalas siya at agad akong hinalikan sa noo.


Naestatwa ako sa kanyang ginawa habang tiningnan siyang lumabas ng pintuan.


Oh my God.

HANGGANG SA HULIWhere stories live. Discover now