Kabanata 14

1.7K 33 5
                                    

Kabanata 14

Confetti doon. Confetti dito. We earned a spot in the Top 10. Janella was in the Top 5, Kira in the Top 8 and I ranked Top 2. Everyone seemed so happy, delighted and proud... except for me.

I don't know how I managed to win even if my heart and mind is battling their ways. Sobrang kabado ako kanina. Muntik na din akong mag back-out pero hindi pwede dahil paniguradong kahihiyan iyon para sa bansa kaya kinaya ko ang magpatuloy kahit sa totoo ay parang sasabog na ako.

Until now, I don't know what to do. Tila naiwan pa din ang aking isipan sa mismong silid kung saan kami nagkasagutan ni Julia.

I did not inform anyone about our conversation. Hindi ko nasabi kahit kanino dahil parang pinipiga ang puso ko na pag-usapan ulit iyon.

"Loisa! Are you okay? Celebrate, my dear! Nanalo ka as Top 2!!!" Maligayang sambit ni MJ habang pumapalakpak pa. I pretended to smile at him.

We are in a five-star hotel in New York. Nandito lahat ng Philippine crew, pati na rin mga pamilya at ang aming mga mahal sa buhay. Trending na trending na din kami sa mga social media ngayon at mas marami na kaming followers, hindi katulad ng dati.

I'd be genuinely happy though if I'm not thinking about this problem... But it bothers me more than it should.

"Bes, okay ka lang? Hindi ka okay, alam ko... Let's go and let's talk about that." Hindi na ako nakatanggi kay Maris. Kung may isang tao mang mas kilala ako bukod sa mga magulang ko, siya iyon.

Nahagip ng mga mata ko si Ronnie na masayang nakihalubilo kina Elmo at Ryle. Sumakit na naman ulit yung dibdib ko. Kanina noong nanalo ako, hindi ko alam na may binili na pala siyang bouquet of white roses para sa akin.

Parang nanigas ako nang mahagip niya ang aking mga mata. I pretended to look at somewhere at hindi siya pinansin. Ayoko munang makipag-usap sa kanya ngayon at baka mas lalo pa akong malungkot.

Hindi ko din alam kung talaga bang masaya siyang pumunta rito, o baka malungkot din dahil sa tinanggihan niyang malaking proyekto.

Dinala ako ni Maris sa rooftop ng mismong hotel. Kitang-kita ang kagandahan ng city lights dito. New York is beautiful at night, that's no lie.

"Ngayon, sabihin mo sa akin lahat.." Sabi ni Maris habang nananantya ang tingin.

Hindi pa ako nakapagsalita ay agad na akong humagulgol sa kanyang harapan. Narinig ko siyang magmura bago ako niyakap ng mahigpit.

"Loisa, ano ba kasing problema? Akala ko ba ay dapat masaya kapag nanalo sa pageant? Bakit? Bakit ka umiiyak?" Mas niyakap ko siya ng mahigpit.

Sa mga ganitong pagkakataon, si Maris lang ang masasandalan ko.

"Si Ronnie kasi, e.." My voice broke as I mentioned his name.

"Why? What about me?" Parang nanigas kami ni Maris sa aming kinatatayuan nang biglang may nagsalita sa likod.

Hindi ko na kailangang tumalikod upang malaman kung sino iyon. Paano niya nalamang nandito kami? Sumunod ba siya kanina?

"Bes, pag-usapan niyo iyan..." Shit! Sinenyasan ko si Maris ngunit huli na ang lahat nang umalis siya.

Naglakad si Ronnie papunta sa aking harapan. Hindi ko man lang siya tiningnan. Hindi ko kaya.

Hinagit niya ako papalapit sa kanya at marahang hinahaplos ang aking baywang.

"Baby, anong problema?" Umiling ako bilang tugon sa kanyang tanong. Parang nawalan ako ng lakas.

"Look at me." Hindi ko sinunod ang kanyang kagustuhan. Ayoko siyang tingnan baka bumigay ako.

HANGGANG SA HULIWhere stories live. Discover now