Kabanata 7
Nagdaan ang araw ngunit pakiramdam ko ay ganun pa rin ang takbo ng aking mundo. Mabigat. Malungkot.
Bahagya muna akong nagtago at tinanggihan ang ibang offer na photoshoot upang takasan ang isyu tungkol sa amin ni Ronnie.
It's not that I'm avoiding the issue because I'm afraid.. It's because I'm just too tired to deal with things. Sa showbiz, kapag hinarap mo yung issue at kapag nagpapaliwanag ka, mas lalong lalaki at kakalat na maging dahilan ng kabagsakan kaya mas pinili kong manahimik lalo na at malapit na ang aming pageant na sasalihan nina Kira at Janella sa New York.
Now that I'm not busy... I got to spend time with my family and I'm so happy because I missed them so much!
Naputol ang aking pag-iisip nang namataan kong tumunog ang aking cellphone. Agad ko namang kinuha ito sa aking bag.
Napakunot ang aking noo sa Unknown Number na tumawag. Ngunit gayunpaman, sinagot ko ito.
"Hello?"
"Besssss!!!!" Sigaw sa kabilang linya kaya bahagya kong nilayo ito sa aking tainga.
I was about to get angry at the caller but when I realized who it is...
"Omgggg bes! Maris! Ikaw ba 'to? Nakauwi ka na ba?"
Isang buwan pagkatapos ng napaghandaan kong kasal na sa kasamaang palad ay hindi natuloy, Maris flew to California at doon na nagtrabaho bilang isang fashion designer. Agad naman siyang nakatayo ng kanyang sariling boutique kaya napagpasyahan niyang doon na lang muna tumira upang mamahala sa negosyo. Ngunit bago siya umalis, naghiwalay sila ni Jon. Hindi dahil sa hindi nila mahal ang isa't-isa ngunit napagkasunduan nilang dalawa na maghiwalay dahil ayaw ni Maris ng LDR. Pero kahit sawi sa lovelife, sobrang successful niya naman. Sobrang saya ko sa bestfriend ko kahit man nawalan kami ng time sa isa't-isa dahil sa busy naming mga schedule. Ang akala ko ay sa susunod na taon pa siya uuwi kaya laking gulat kong tumawag siya!
"Yes! Surprise!" Natatawa niyang tugon kaya pati ako ay tumawa na rin.
Ilang minuto pa kaming nag-usap bago napagkasunduan na pupuntahan ko siya sa hotel na tinutuluyan niya ngayon.
Nagmamadali kong nilagay sa aking bag ang aking ibang damit upang diretso na sa hotel. Masyado akong excited makita ang bestfriend ko!
Bago ako umalis ay sinigurado ko munang naka lock lahat ng pintuan at noong nakuntento ako, agad akong nagdrive sa aking sasakyan.
Ilang minuto bago ako narating kaya agad kong nilakad ang distansya papuntang entrance ng hotel. Bago ako tuluyang pumasok, nag text muna ako kay Mama upang malaman nilang nandito ako ngayon at syempre ang pag-uwi ni Maris!
"Good afternoon, Ma'am. Do you have any reservations?" Agad akong sinalubong ng isang staff.
Umiling ako bilang sagot sa kanyang katanungan.
"I would like to ask where is the room of Maris Racal?" Tanong ko sa kanya kaya may tiningnan siyang kung ano sa kanyang computer.
"Room 304 ma'am. 4th floor." Tinangoan ko ang staff at agad na nagtungo sa elevator.
Habang nasa loob ako ay naalala ko ang huling pagkikita namin ni Ronnie. I sighed heavily. Simula noon, hindi ko na siya nakita at nabalitaan kong nagpunta daw siya ng Palawan. Ewan ko kung bakit. Siguro para takasan din yung isyu namin? Ewan ko. Ayoko siyang isipin.
Si Iñigo naman ay biglang naging cold. Nagbago na yung pakikitungo niya. I mean, he's still there for me.. But as my friend. He made it seem to make sure na hanggang doon na lang din yung gusto niya para sa aming dalawa.
YOU ARE READING
HANGGANG SA HULI
FanfictionThis is a LoiNie FanFic story. This is a book 2 connected with the first story I made and it is a sequel. You must read the book 1 for you to understand the flow of the story. Do not re-post or distribute this story without the permission of the Aut...