Kabanata 8

1.9K 50 5
                                    

Kabanata 8

"Tell me everything.."

Kinuwento ko kay Maris ang lahat ng nangyari. Kitang-kita ko kung gaano siya naaawa sa akin. Ayoko sanang kaawaan kaso si Maris lang ang masasandalan ko sa ngayon.

Iniyak ko ang lahat ng sakit na nararamdaman sa kanyang harapan. I let her see my fragile side.. Actually siya lang naman yung pagbubuhusan ko ng luha simula noong una.. Nakakahiya kasi iisang tao lang yung dahilan..

It's really like this, right? Even though that person caused you so much pain, your love for them will never really fade.. Kahit sobrang sakit ng ginawa ni Ronnie, sobrang tanga ko dahil kahit gaano ko man lokohin yung ibang tao na naka move on na ako, but deep within my heart, mahal ko pa rin siya... Sobra..

Maris heavily sighed. Mahigpit niyang hinahawakan ang aking kamay at hinahaplos ito ng marahan.

"Kung pwede lang sana hati tayo sa sakit na nararamdaman mo ngayon para maibsan naman yang dinaramdam mo..."

Mas lalo akong naiyak sa kanyang sinabi. This girl is everything to me. She's been there through ups and downs.

"Maris? Loisa?" Narinig naming tawag ni Barbie sa labas kaya agad kaming napatayo at agad na pinunasan ang aking mukha.

Binuksan ni Maris ang pintuan pero yung sakto lang para hindi ako makita sa loob. I saw Barbie trying to look at me but Maris blocked her view.

"Yes Barbie?" Nakangiting tugon ni Maris. Naguguluhang tumingin si Barbie kay Maris pero kalaunan ay ngumiti din ito.

"May announcement sina Ate Dawn at Kuya Zeus.. Labas daw muna kayo."

Tumingin si Maris sa akin. Mabilis akong tumango para lumabas na din. Ayokong masira ang araw ng pagdating niya.

Pinahiram ni Maris ang kanyang eyeglass sa akin para hindi masyadong halata na umiiyak ako. Pagkatapos naming mag-ayos ay lumabas na din kami sa kwarto.

"Oh here they are! Kumpleto na ang lahat!" Masayang sigaw ni Jon. Umupo kami ni Maris katabi sina Ryle at Paulo samantalang si Ate Dawn at Kuya Zeus naman ay nasa aming harapan.

Nagtinginan ang dalawa habang ngumingiti. Napasinghap si Maris sa aking tabi at agad na tumayo nang nakapameywang.


"Ano ba yan! Ate Dawn at Kuya Zeus, iinggitin niyo lang ba kami sa kasweetan niyo diyan?" Tumawa ang lahat sa kanyang sinabi. Hinila ko siya pabalik sa upuan.

"Ohh eto na.. Masyadong excited si Maris eh.." Natatawang tugon ni Kuya Zeus.

Nakakatuwa silang titigan ni Ate Dawn. They looked so inlove with each other. They are happily married. Parang bigla na lang nanikip ang dibdib ko sa di malamang dahilan.

"Guys... Tutal, nagbobonding naman tayo ngayon.. I think this is the perfect tyming to tell you all..." Nginitian muna ni Kuya Zeus si Ate Dawn at agad naman itong tumango.

"Buntis po si Dawn!!!!" Sumigaw ang lahat sa naging pahayag ni Kuya Zeus.

Agad na nagtakbuhan ang mga lalaki at niyakap si Kuya Zeus. Kami naman ay agad na dinaluhan si Ate Dawn upang yakapin din siya.

"Oh my God!!! Congrats Ate Dawn!" Bati ng lahat sa kanya at agad siyang naiyak.

Wow. They're having a baby! Time flies so fast.. We are indeed adults.. May kanya-kanya na kaming mga career at may kanya-kanya na ding priorities.

I sighed. Kung natuloy kaya yung kasal naman ni Ronnie.. Posible din kayang magkakaanak kami ngayon?

That would probably be the happiest day for me.. To build a family with him.. Me and our kids.

HANGGANG SA HULIWhere stories live. Discover now