Kabanata 16

1.6K 23 6
                                    

Kabanata 16

Sabay kami ni Ronnie patungo sa condo ko. I was just smiling the whole trip. Para akong baliw na iniisip ang mga naganap kanina. Napagtanto ko lang kung gaano ako kaswerte sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.

"Why are you smiling?" I shrug off my thoughts nang biglang siyang nagtanong.

Binalingan ko siya at pabalik-balik naman ang kanyang tingin sa akin at sa daan. Sa lahat ng pinagdaanan namin, sobrang saya kong nararanasan ko pa rin 'yong ganito. Makasama siya at matitigan siya ng ganito kalapit.

"I'm just happy..." Walang pag-aalinlangan kong sagot sa kanya.

He drifted his head to look at me and I saw a smirk escaped his lips. I bit my lower lip at his expression. Every single move that he will do will make me fall for him even more... Harder.

"Masaya akong masaya ka."

I caressed his right hand and he was a bit distracted of what I'm doing. Napatawa ako nang nakita kong napalunok siya.

"Loisa, I'm driving."

"What? Di na ba kita pwedeng hawakan?"

He glared at me. Agad kong iniwas ang aking kamay.

"Humanda ka pagdating natin sa condo mo.."

"At anong gagawin mo?"

Nanantya siyang tumingin sa akin. Hindi ako nagpatinag at tinitigan din siya ng mariin. Akala niya ah!

"Hahalikan kita mula ulo hanggang paa."

Tinampal ko siya sa braso at agad naman siyang tumawa.

"Ronnie!" I shouted at the top of my lungs. Sobrang pula ko dahil sa sinabi niya.

"Eto naman... Baby, nagbibiro lang.." Pilit niyang hinahawakan ang aking kaliwang kamay ngunit pilit ko namang iniiwas ito sa kanya.

"Sige ka.. Sa kaiiwas mo diyan, baka iba ang mahawakan ko.."

Mas lalo ko siyang pinandilatan ng mata at tawang-tawa naman siya sa reaksiyon ko. Parang kasiyahan niya atang asarin ako 'ah?

"Nambibwisit ka ba o ano?!"

"Nakakatuwa namang asarin ang baby ko.."

"Baby mo mukha mo!" Kinurot ko ang tagiliran niya.

Ilang minuto bago kami nakarating sa condo at natapos ang asaran session naming dalawa. Pinagbuksan niya ako at magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob.

"Anong gusto mong lutuin ko?" Tanong niya sabay halik sa aking noo. My heart melts at his move. Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Hmmm.. Gusto ko 'yong pinakamasarap."

"Ibig sabihin gusto mong lutuin kita?"

Kumalas ako sa naging posisyon namin at nakapameywang na hinarap siya. "Kalokohan lang talaga nasa isip mo, e 'no?"

Aalis na sana ako kaso dalawang hakbang pa lang ay nahila na niya ako pabalik. Nagpatianod lang din ako sa gusto niyang mangyari.

"Baby naman... Galit ka na niyan?"

"Malapit na." Kahit hindi naman ako galit, nagkunwari lang para matigil na siya sa pang-aasar sa akin.

"Ako lang ang pwedeng mang-asar sa'yo ng ganito 'ah? Ako lang."

Katulad ng gusto niyang mangyari, pinagluto niya ako. Kasalukuyan akong nakaupo sa kitchen counter, samantalang nagluluto siya ng pasta ng naka boxers at apron lang ang suot. Mainit daw kasi, e!

Napagtanto ko lang kung gaano ako kaswerte na nasisilayan ko siya ng ganito. I mean... Who would've though.. Ronnie Alonte, cooking.. For me?

"Matutunaw na talaga ako." Bigla akong nagbalik sa isip nang nadatnan niya akong nakatingin sa kanya.

"E, ikaw naman kasi! Di ka ba giniginaw diyan sa suot mo?"

Natawa siya bigla at pinatay yung stove. Namumungay ang mga mata niya habang papalapit ng papalapit sa akin. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako galing sa likuran.

"Bango naman ng baby ko.."

Napalunok ako sa kinauupuan habang pinapatakan niya ng halik ang aking leeg. Pilit ko siyang tinutulak pero sobrang lakas niya.

"Tikman mo nga 'yong niluto ko kung okay na ba.."

Dali-dali akong tumayo upang makawala sa sitwasyong iyon. Hahawakan ko na sana ang sandok nang may nahulog sa sahig.

Tiningnan ko iyon at tumambad sa akin ang maliit na pulang kahon. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko at tiningnan si Ronnie. Hinubad niya ang apron na suot at siya na mismo ang kumuha ng kahon.

Pilit akong umaatras at di alam ang gagawin. Hinawakan niya ang aking baywang habang pinulot niya naman ang maliit na kahon.

Napatakip ako sa bibig at tuluyan ng umiyak.

"Loisa, ayaw ko ng patagalin ito. I wanna spend the rest of my life with you. Gusto ko ng bumuo ng pamilya kasama ka. Baby.. Will you marry me?"

"Bakit ka nambibigla? Ha?!" Naiiyak kong tanong.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay magbabago ang takbo ng buhay ko. Ngayong araw, kami ay iisa.

"Yes! I will marry you!"

Agaran siyang tumayo at kinarga ako paikot-ikot. I can't be any happier. This is the life I wanna live... A life with Ronnie Alonte.

HANGGANG SA HULIWhere stories live. Discover now