Kabanata 17
"Anak, mag-iingat ka doon."
Tumango ako sa lahat ng mga bilin ni Papa at Mama. Kasalukuyan kaming nasa Airport ngayon dahil aalis na naman ako ng bansa.
Pero hindi para sa trabaho... Kundi upang magbakasyon kasama si Ronnie. Magkasama kaming nagpaalam sa Management upang magpahinga muna sa showbiz. We want to spend more time with each other... Especially now that we're engaged.
Napagpasiyahan naming magbakasyon sa Europe. Kaming dalawa lang.
"Oo naman po Papa. Kayo din 'ah mag-ingat kayo ni Mama." I hugged them tight.
Kasama din namin ang pamilya ni Ronnie. Nasiyahan naman ang lahat sa balita ng aming pagpapakasal. Sa katunayan nga ay hinihingan na kami ng apo. Dios mio wala pa ngang kasal! Nalaman na din ng buong barkada ni Ronnie. Si Maris naman ay naiyak. Bibisitahin niya daw kami sa Europe pagkadating namin, nandoon din kasi siya namamalagi. At oo nga pala, dating na sila ngayon ni Iñigo. Kung di ko pinilit magkuwento ay di pa sasabihin sa akin, e.
"Ronnie! Alagaan mo si Loisa, anak.."
"Oo naman po, Ma. Di ko hahayaang mawala 'yan sa paningin ko.."
Sobrang thankful ako sa pamilya ni Ronnie. Sobrang pagmamahal din ang inaalay nila sa akin. It's like I've been part of their family for a very long time..
Ronnie reached for my hand and intertwined my fingers with his. Sa kabilang kamay naman ay dala-dala niya ang aming maleta. Isang malaking maleta lang aming dala dahil sabi niya ay doon na lang kami mamili ng mga maisusuot. Sumang-ayon naman ako dahil medyo hassle din kapag maraming dala.
"Sige na po at baka maiwan na kami ng eroplano.."
Ilang yakap pa ang nangyari bago kami tuluyang umalis. Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang naglalakad kami. I am too excited for this trip!
"Iwanan muna natin lahat ng problema at trabaho dito. Gusto ko pagdating natin doon, para sa ating dalawa ang oras.. Ako lang ang pwede mong isipin.." Sabi niya at hinalikan ang aking noo.
"Kahit dito, ikaw lang naman talaga ang iniisip ko," ngumuso siya sa naging pahayag ko tila pinipigilan ang kilig.
"Baby naman.." Malambing niyang sabi at unti-unti akong niyakap. I hugged him back tighter.
"Kahit pa noong naghiwalay tayo, ikaw pa rin ang laman ng isip ko.."
And that's the truth. Kahit galit na galit ako sa kanya noon, siya at siya pa rin ang laman ng isipan at puso ko. Hindi ako kailanman nagmahal ng ganito maliban sa kanya.
"Hindi mo lang alam kung gaano ako kamiserable sa mga panahong 'yon. Halos araw-araw akong umiinom, nagkukulong sa kwarto, hindi kumakain, lahat ng hindi mabuti nagawa ko kaya hindi ko na hahayaang mawala ka ulit," kumalas ako sa yakap sa kanyang sinabi at hinahaplos ang kanyang kanang pisngi.
"Hindi ako mawawala.." Marahan niya ring hinahaplos ang aking kamay na nakahawak sa kanyang pisngi.
Maya-maya pa ay nakaupo na kami sa loob ng eroplano. This will be along ride.
Akala ko talaga ay hindi kami magkakatuluyan. Noong una, ang daming humahadlang sa amin--- Showbiz, fans at syempre 'yong career namin. Madaming bawal at maraming pwedeng sundin. Kailangang patago lahat ng pagsasama namin. Ngunit pinaglaban ako ni Ronnie, ganoon din ako sa kanya. Nilantad namin ang relasyon sa publiko. Mas lalong madaming pagsubok, intriga at hadlang. Ganito ang buhay showbiz. Noong una, inenjoy ko lang talaga pero hindi ko akalain na aabot kami sa ganito.
Look where we are now.. We're in a plane and engaged. Things just happen when you least expect it. I don't know what's ahead of us but one thing is for sure..
I am damn happy..
Unang araw namin sa Europe at di pa kalahati ang aming napuntahan. Picture doon, picture dito. Napagpasiyahan din naming mamili ng mga damit at mga pasalubong.
Noong nakabalik na kami sa hotel ay naligo siya. Ako naman, nagluluto para sa dinner namin. Hinanda ko lahat ng sangkap ng biglang tumunog ang cellphone niya.
"Ronnie! Phone mo.."
Hindi siya sumagot, hindi siguro narinig. Di ko maiwan ang aking isip sa phone niyang tumunog. Is he communicating with someone while he's with me? My heart aches for no reason.
Huminga ako ng malalim bago dinampot ang cellphone.
Halos mabitawan ko ito nang makita yung mensahe at kung kanino nanggaling ito.
1 viber message from:
SueHi! Yes, I'm in Europe. Coffee? :)
YOU ARE READING
HANGGANG SA HULI
FanficThis is a LoiNie FanFic story. This is a book 2 connected with the first story I made and it is a sequel. You must read the book 1 for you to understand the flow of the story. Do not re-post or distribute this story without the permission of the Aut...