Huling Kabanata (20)

1.9K 42 12
                                    

Kabanata 20

Dalawang taon na ang lumipas nang kinasal kami ni Ronnie. Sobrang dami na naming napagdaanan. Sa saya at lungkot, hindi namin iniwan ang isa't-isa.

Hindi pa din ako makapaniwala na aabot kami sa puntong ito. Sino ba naman ang mag-aakala na kami talaga hanggang dulo...

"Baby naman.." Narinig kong banggit ni Ronnie. Nasa CR kasi ako ngayon nanghihilamos at siya ay nasa kama pa, tulog.

"Please baby, patulugin mo muna ako," napakunot ang noo ko at tuluyan nang lumabas ng banyo upang silipin kung sino ang kausap niya.

Nang makita ko kung sino iyon ay nagmamadali akong manghilamos ulit upang matanggal ang sabong natira sa mukha ko at agad na nagpunas ng mukha pabalik sa kwarto.

I sighed at my view and I can't help but to smile because it made my heart melt.

"Papa naman, eh! Laro na tayo,"

Agad kong dinaluhan ang aking mag-ama at niyakap ang anak ko.

"Gregor, pagod 'yang Papa mo, mamaya na lang kayo maglalaro," nakabusangot ang mukha niyang tumingin sa akin.

Hindi ko mapigilan ang tumawa. Paano ba naman kasi, kamukhang-kamukha niya si Ronnie.

Si Gregor ang aming first born ni Ronnie. Sobrang saya niya noong nalaman niyang lalaki ang magiging unang anak namin.

Tabachingching ang aming anak na si Gregor. Mag tu-two years old na siya next month. Spoiled kay Ronnie kaya ayan pati pagtulog niya ay ginagambala.

"But Mama! I want to play!" I sighed. I hugged him tight. Agad naman siyang ngumiwi.

"Oh sige na nga, dahil tulog ang Papa mo, si Mama na lang muna ang magiging kalaro mo," agad na lumiwanag ang kanyang mukha sa aking sinabi.

Dali-dali kaming lumabas ng kwarto at pumunta sa garden kung saan nakalagay ang maliit niyang basketball ring at mga bola.

Sinunod ko ang lahat ng gusto niyang mangyari sa laro at tumigil na lang kami noong pawis na pawis na siya.

"We need to change your shirt," I told him with authority. Sa aming dalawa ni Ronnie, mas natatakot siya sa akin.

"Boring ba kalaro ang Mama mo, Gregor?" Agad akong napatingin sa pintuan at tumambad sa akin ang bagong gising na Ronnie Alonte.

"Papa!!!" Excited na sigaw ng aming anak at agad na tumakbo papunta sa kanya.

"Bihisan mo 'yan," binato ko sa kanya ang damit at agad na umupo sa swing sa aming garden.

"Manang, dito niyo na lang po ihatid ang aming breakfast," tugon ko kay Aling Linda, ang aming kasambahay.

Nang matapos bihisan ni Ronnie si Gregor ay agad silang naglakad patungo sa akin.

Patago akong ngumiti. Sobrang sayang gumising araw-araw kapag ganito makikita mo.

"Good morning, beh," agad akong hinatak patayo ni Ronnie at hinalikan sa labi. I respond to his kisses.

"Tagal mong gumising.." Kumalas ako sa kanyang yakap at agad na dinala si Trevor papunta sa hapag nang namataan kong handa na ang pagkain. Ronnie followed us.

"Miss mo na ako agad?" Natatawang wika niya. I rolled my eyes. Wow ah!

"Mga hirit mo talaga, eh noh? Kumain ka na nga lang,"

"Uy! Trevor yung Mama mo, oh.. Gusto ka yatang masundan," pinandilatan ko ng mata si Ronnie at hinampas sa braso.

"Don't hurt Papa, Ma! And yes, I want a baby brother!" Agad akong namula sa sinabi ng aking anak. Pulang-pula si Ronnie dahil sa kakatawa.

"Baby, wag mong pansinin 'yang Papa mo. Kay Mama ka lang makinig, okay?"

Hindi ako tinigilan ni Ronnie ng kanyang mga tukso hanggang sa matapos kaming kumain. I friggin hate him but I love him the most. Does that even make sense?

Nasa kwarto ako ngayon nag-aayos dahil kukunin kami mamaya ni Ronnie upang kumain sa labas. Tulog pa si Gregor at si Ronnie naman ay inaasikaso ang aming negosyo.

Yes, may sarili na kaming negosyo. Real Estate. Gusto ko din sanang mamahala pero ayaw pumayag ni Ronnie dahil baka ma stress lang ako. Tsaka na daw paglaki ni Gregor.

Suot ko ay isang body fit blush pink sleeveless dress at ang aking block heels. Lumabas ako ng kwarto upang gisingin ang aking tabachingching.

Napatigil ako sa pagpasok nang namataan kong gising na pala siya at kausap niya ang aming kasambahay na si Aling Linda.

"Yes, yaya! I love Mama and Papa so much! They gave me all the toys that I want.. that's why when I grow up I want to be hardworking like my Papa and caring and loving as my Mama!"

Hindi ko alam pero bigla na pala akong napaiyak. Gregor is a smart kid. Kahit sa murang edad ay bihasa na siyang mag-english. Hindi din naman namin siya pinagbawalan na magsalita sa wika natin. It's just that, I want the best for my kid.

Nakakatuwa lang ma marining mula sa kanya na mahal na mahal niya kami ni Ronnie at tinitingala niya kami.

God, I love being a Mom! Naglakad ako patungo sa pintuan.

"Hello, my love!" Agad ko siyang niyakap at higpit din naman siyang yumakap pabalik.

"Mommy, let's go eat na!!!"

Bumaling ako kay Aling Linda at nginitian siya. "Manang, salamat po, ah.. Nabihisan mo na pala si Gregor. Kakain lang po kami. May pagkain po diyan sa baba. Wag po kayong mahiyang kumain. Sabihin mo na rin sa kanila,"

Di kalaunan ay sinundo din kami ni Ronnie. Gregor was wearing a white polo shirt, black shorts at Nike shoes. Sobrang taba niyang tingnan! Cute!

Nang nakapasok na kami ay agad akong napalingon kay Ronnie nang tumitig siya sa amin.

"Alam mo, kahit pagod na pagod ako sa trabaho, kapag nakita ko lang kayo, wala lahat ng pagod ko,"

Parang uminit yung puso ko sa kanyang sinabi. Agad kong hinawakan ang kanyang mukha.

"Salamat, mahal ko. Sobrang saya ko dahil tayo pa rin hanggang sa huli..."

Ang mga bagay na importante sa buhay ay hindi katumbas ng pera. Ito yun. Si Ronnie, ako at si Gregor. Kami bilang pamilya... HANGGANG SA HULI.

—————————————

Guys! :—-((( I am very sorry. I know I haven't updated for how many months. I'm really sorry. Sa mga nandito pa rin naghihintay, thank you so muchhh for reaching this far.

This is finally the last chapter of the story. No Book 3.

I love youuuu all. Xoxo

HANGGANG SA HULIWhere stories live. Discover now