Kabanata 11
"Are you ready for tomorrow, baby girl?" Tanong ni MJ sa akin habang nandito kami ngayon sa isang skin clinic sa New York.
I am having my facial to get ready for tomorrow's big event. Iba't-ibang paghahanda ang ginawa ng lahat ng mga kandidata.
Simula noong dumating kami dito sa New York ay wala kaming ibang inatupag kundi ang mag-ensayo sa lahat ng mga sayaw namin, sa paglakad at pati na rin sa aming blocking sa stage.
Nakakapagod pero kinakaya ng lahat. Me, Kira and Janella are extremely prepared for tomorrow. I believe that we have the right handlers to boost our confidence and I believe that we will have a spot in the competition. Maybe not the winner, but one of the winners... Hopefully.
"Yes. Ready na ako, MJ. Kating-kati na yung mga paa kong rumampa bukas!" Natawa si MJ sa naging tugon ko. I am born ready, though.
Yung pamilya ko at si Maris ay nasa hotel. Nagpapahinga dahil pati sila napagod kakasama sa amin mag rehearse. Hindi nila ako iniwan. Kahit saan man ako mag-eensayo ay nandoon din sila.
"Dadating ba si Ronnie?" I was a bit struck at his question. I remained calm even if I am burning inside.
Sa isang linggong pag-uusap namin ni Ronnie sa telepono man o sa FaceTime, hindi na niya nabanggit ulit ang pagpunta dito sa New York. Ayaw ko ding magtanong ulit at baka isipin pa niyang pinipilit ko siya. Gusto ko kapag pupunta siya ay iyon talagang kusa siyang pupunta dahil gusto niya... Hindi iyong napilitan lamang siya.
"Ewan ko. He never mentioned anything to me about coming here..." Bitterness is evident in my tone kaya hindi na dinugtungan ni MJ ang kanyang naging tanong dahil naramdaman niyang hindi ko gustong pag-usapan iyon.
I bit my lower lip. I felt sad, though. Elmo is already here to support Janella. Nandito din iyong rumored boyfriend ni Kira na si Ryle. But I shouldn't be bothered, right? Baka at ito pa ang dahilan para mawalan ako ng focus sa pageant. Stay positive lang, Loisa! You have your family and your bestfriend. That's enough!
"You are from the Philippines, right?" Ngumiti ako at tumango sa tanong ng isang staff sa skin clinic.
"Someone from the judge panelists went here yesterday and she's from the Philippines. Filipinas are really beautiful!"
Pinagsawalang bahala ko ang kanyang naging huling pahayag ngunit naguluhan kong tiningnan si MJ. May Pilipina pa lang judge?
"MJ, sino?" Nagkibit balikat si MJ, hindi din alam kung sino.
I turned to looked at the staff and smiled sweetly at her even if I am nervous right now. Masamang paraan ang pagsali sa isang pageant kapag may kalahi kang judge. Siguradong hindi ka mananalo. Nagsimula na akong kabahan sa posibleng mangyari.
"Who is that judge?" I asked her.
"I believed it's someone from the showbiz. Barretto? I'm not sure." Bigla akong nanlamig sa aking narinig. Does she mean it's Julia? Julia Barretto? Ang taong gusto akong saktan? Ang taong kinamumuhian ko?
Nakita kong namutla din si MJ sa sinabi ng babae. Napalunok ako ng ilang beses bago kinuha ang aking cellphone. Dali-dali kong binuksan ang aking viber at nag message kay Maris.
Ako:
Judge daw si Julia bukas. Tingnan mo nga sa Internet kung totoo ba.
"MJ! Paano na ito? Sigurado akong may hindi magandang gagawin ang babaeng iyon!" Pasigaw kong sabi dahilan nang pagkabigla ng ilang tao sa clinic. Napapikit ako ng mariin bago kumalma.
"Relax! Hindi ko hahayaan ang babaeng iyan na sirain ang araw mo bukas. I will make sure everything is okay. Don't worry. Kalma ka lang at baka iyan pa ang ikakabagsak mo bukas." Alam kong kinakabahan din siya pero pinaparamdam niya sa aking magiging okay ang lahat.
But fuck! I won't be okay! I know that girl is up to something. Bakit ba kasi kasali pa siya? Sa lahat ng pwedeng kunin sa Pinas yung taong karibal ko pa?
Tumunog ang aking cellphone at tiningnan ko ang message doon.
Maris:
Oh my God bes!!!! Totoo nga! Umuwi ka na nga dito sa hotel at pag-usapan natin yan!
Napapikit ako ng makumpirma na totoo talaga. So I guess I'd be dealing with that bitch tomorrow?
I feel stressed right now. Kaba, takot at sakit. Hindi ko alam na hanggang sa ikalawang importanteng pangyayari sa buhay ko ay sisirain niya.
Tiningnan ko ulit ang aking cellphone at pagkabigo at lungkot ang aking nadama nang wala man lang akong mensahe at tawag na natanggap mula kay Ronnie.
Sa ganitong oras ko siya kailangan ng husto ngunit wala siya. And he's not coming to see me, right?
I guess I'd be dealing with my lonely heart for today...
****
Sorry for the late update! :( Sana po at maintindihan niyo na may responsibilidad din po ako sa aking pag-aaral ngunit ginagawan ko pa rin po ng paraan upang masingit sa sobrang busy kong schedule ang pag-update. I am currently having my OJT right now and undergoing my Thesis. Pasensiya na po sa matagal na pag-aantay ng update. Don't worry sa susunod na Kabanata, mas aagahan ko.
At sa taong nag message sa akin at minura ako dahil sa matagal na update, God bless you. Muntik na akong nawalan ng gana na ipagpatuloy dahil sa masasakit mong salita, pero naisip kong mas madami pang mabubuting tao ang nag-aabang ng update ko kesa sayong hindi marunong umintindi.
Kaya sa mga walang sawang sumusuporta at nag-aabang, sobrang THANK YOU!!! <3
YOU ARE READING
HANGGANG SA HULI
FanfictionThis is a LoiNie FanFic story. This is a book 2 connected with the first story I made and it is a sequel. You must read the book 1 for you to understand the flow of the story. Do not re-post or distribute this story without the permission of the Aut...