Chapter 4: Girlfriend

41 0 0
                                    

DAINE POV

"One....two...three.." bilang ni cade habang ang mga mata niya ay nasa camera niya.

Click

Maganda na maganda ngayon si Nina. She's wearing a cocktail dress na may glitters sa itaas at ibaba. Napag-isipan ko nga na isali siya sa fashion show ko. Ang galing niya kasi!! Para talaga siyang totoong model. Nandito lang ako sa gilid nakatingin sa kanila. Kahapon ko palang napapansin na hindi sila nag-iimikan at nagpapansinan. Siguro ay nahihiya sila sa isa't isa.

Maipaglapit nga tong dalawa. Nagsimula kasing nakatrabaho ko sila parang feeling ko tropa ko din sila. Haha!! Charr. Dalawang araw na simulang nakatrabaho ko sila. They both are good. Kaya hindi ko pinagsisihan talaga na kinuha ko sila. Ang iniisip ko lang ay bakit hindi ako dinadalaw ni nate halos magdadalawang linggo na wala paring nate ang nakikita ko...

Katext at katawag ko naman siya kaya lang hindi yun sapat no. I'm his bestfriend dapat naman magpakita siya. Nag-alala din naman ako ahh!! Taga-oras lang ba niya titingnan ang mukha ng girlfriend niya? Talaga lang!!

"Next..." wika ni cade. Nag-bihis muna si nina ng isang cocktail na naman..Sinabihan ko kasi sila na cocktail dress muna ang susuotin dahil sa susunod na ang gown pagkatapos nito. Binigyan ko ng mineral water si Cade baka kasi naubos na ang laway niya sa kakasigaw kanina.

"Dayang----este Daine!" napatalon ako sa gulat ng may tumawag sa aking palayaw, hindi nga ako nagkakamali na si Dakilang prince charming ang tumawag sa akin. Lumapit ako sa kanya at sinalubong ng malaking yakap at halik sa pisnge. Napatili naman ang mga empleyado kung nakatingin.

Napansin ko ang dala niya, isang box ng donut. Humarap ako sa kanya at ngumuso. Bakit kasi sa lahat ng pasalubong niya ay donut na alam naman niyang hindi ko iyon paborito ito nga ang pinakaayaw ko sa lahat ng snacks.

"Alam mo naman diba na hindi ako kumakain ng donut, bakit hindi pizza ang dala mo? Di kaya'y lasagna bakit yun pa. Hindi ko naman yan makakain eh!" ginulo niya ang buhok ko at tumawa. Minsan din may pagkasira ulo din siya, minsan nga lang dumalaw mali-mali pa ang dala na pasalubong. At take note ngayon lang niya to ginawa.

"Hindi to sayo...magpadeliver nalang tayo! Okay!" sabi niya. Nagulat naman ako, hindi para sa akin? Para kanino?

"Ganon! Hindi ka nga nagpakita ng ilang araw tapos hindi mo man lang ako dadalhan ng snacks. Alam mo nakakainis kana!" nagtatampo kung sabi. Niyakap naman niya ako pero hindi ko pinansin. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko.

"I'm here to visit you and to your model! Actually, Para talaga 'to sa model mo ang donut na dala ko. Babawi ako sayo dayang. Pangako!" sabi niya. Na ikinagulat ko na naman.

"For my model? bakit?" sabi ko. Pero hindi siya nakatingin sa akin. Subalit tiningnan ko ang mga mata niya na kung saan nakatingin sa isang tao kay........

Nina

Nakangiti si nina habang nakatingin din kay nate. Anong meron sa kanila?? biglang kumirot ang puso ko nang ngumiti din si nate sa kanya. Nakita ko din ang mukha ni cade na nagtataka.

"Daine meet my girlfriend, nina!" sabi niya. para akung nabingi sa sinabi niya. So, siya pala ang babaeng nagnakaw sa puso ni nate, siya ang dahilan kung bakit hindi ako magugustuhan ni nate. Bigla akung nanghina!! Bakit ang sakit?

"Hindi ko akalain na matunton mo ako, nagtago pa naman ako para hindi mo makita ang pagmomodel ko!" masayang sabi ni nina. Para naman akung tuod dito na hindi makagalaw dahil hindi parin ako makapaniwala sa narinig ko.

"You look so beautiful!" mga salitang mas lalong dumurog sa puso ko ngayon. Bakit ganon? Tiningnan ko si nina na namumula na ngayon.

"Bulero ka talaga!" sagot ni nina. Inabot naman ni nate ang donut na dala niya. At halos mapatalon sa tuwa si nina sa nakita. Siguro paborito niya ang donut that's why binilhan siya ni nate niyan.

"Anyway, She's my Childhood friend, your boss!" natatawang sabi ni nate. Inakbayan naman niya ako pero hindi parin ako makapagsalita dahil sa laway na nababara sa lalamunan ko.

"Siya pala yung bestfriend mo na palagi mong kinukwento. Hindi ko agad nakilala!" sa oras na ito ay naiinis ako. Naiinis ako sa lahat!!

"Hindi mo naman talaga ako makikilala dahil never pa tayong nagkakilala!" saad ko naman. At alam kung alam niya ang tono ng pananalita ko. Dahil binuko ko siya. humingi agad siya ng tawad na akala mo'y pinaparusahan.

"Sorry.." inikot ko ang mga mata ko pero hindi naman nakita ni nate ang ginawa ko. Kontrabida man tawagin ngunit wala akung pakialam kung pagibig ko na ang nakasalalay rito.

"Mamaya niyo na yan tapusin, kumain muna tayo! Tawagin mo ang photographer mo daine at masimulan na nating lantakin ang donut na dala ko." wika ni nate na batid ko'y alam niya na hindi maganda ang tensyon namin ng girlfriend niya.

"Cade, halika! Let's eat muna!" sigaw ko kay cade. Sumunod naman siya at umalis ako patungo sa loob ng office ko. Nakasunod sila ngayon at perenteng nakaupo sa sofa. Kumain na silang tatlo sa donut at dahil masama talaga ako pag pag-ibig ko na ang paguusapan lumapit ako kay nate na nakaupo sa sofa at nakalagay ang dalawang kamay sa ibabaw ng sofa. Agad akung lumapit at tumabi sa kanya habang ang kamay niya ang ginawa kung unan. Sa aming Dalawa hindi na bago yun, ngunit iwan ko sa girlfriend niya at kay cade. Batid ko'y alam na ni cade ang nararamdaman ko kay nate noong nasa bar kami.

Nabilaukan naman si Nina at bigla itong pinainom ni Nate. Hindi ako kumakain ng donut. Kaya umiinom nalang ako ng wine.

"Hindi ka ba kakain miss daine? Masarap ang donut!" nagulat naman si nate dahil miss ang tawag nito kay daine. Dahil yun naman talaga ang dapat itawag sa kanya.

"Hindi ba sinabi ni nate na hindi ako kumakain ng donut, dahil ayaw ko!" maarte kung sabi. Batid ko'y pati si cade ay hindi sangayon sa inasal ko dahil nakihirit nadin.

"Huwag mo nalang siyang pilitin." sabi niya habang hindi nakatingin sa akin. Hayy!! Hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ky nate ang atensyon na ngayon ay nakatitig ng masama sa akin. At yung titig nayun ang ayaw kung makita sa kanya. Dahil alam kung galit ang ibig sabihin non. Ngayon ko ulit nakita ang pagtitig ng masama niya sa akin. Dahil ang huli ay yung mga bata pa kami at nangyari ulit ngayon.

Pinainom niya ulit si nina ng tubig at nagsimula na silang magkwento tungkol sa araw na hindi sila magkasama. Habang ako dito sa tabi ay unti unting dinudurog ang puso dahil sa nakita at narinig ko. Di ko namalayan na tumayo na pala ako at nagtungo sa pintuan palabas sa offices. Pero bago ko ito maabutan ay rinig ko ang bulong ni nate sa akin na ngayon nasa tabi ko.

"Huwag kang umarte ng ganon ulit, cause your not a kid anymore daine. I know you have a reason kung bakit mo iyon nagawa but please!! Huwag ang girlfriend ko at huwag mong ipahiya ang sarili mo sa iba.. please!!" ani niya. Tumango naman agad ako. Pumunta ako sa Cr at doon bumuhos ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

I don't deserve to be like this. Wala naman akung kasalanan na ginawa para parusahan ng ganito eh!! Okay ang OA ko na. I'm sorry nasaktan lang.

Umalis ako sa company at nagtungo sa isang bar. To make myself calm. Kailangan kung ilabas lahat ng hinanakit ko.

Game Of Love Where stories live. Discover now