Daine POV
Month? Week? Days??
Hindi ko na alam kung ilang araw, ilang buwan, ilang weeks na ang nakalipas pero wala paring nate ang nagpakita sa akin. Busy siya sa trabaho niya? O busy siya sa paghahanap ni nina? Hindi niya ba yun makakalimutan??
Paano naman ako?
"Mindy! Samahan mo ako! Punta tayo sa bahay ni nate!" sabi ko kay mindy.
"Wala nga siya doon kasi nasa probinsya siya para hanapin ang sarili niya."
"Saang probinsya? Puntahan natin?" sabi ko naman.
"Hayaan mo muna siya Daine. Hayaan mo muna siyang mabalik ang sarili niya. Para mabalik ang dating nate na nakilala mo." sabi ni mindy. Tumango naman ako.
Sana pagbalik niya okay na lahat! Sana hindi na siya galit sa akin, sana mahal na niya ako.
"Mindy!" tawag ko sa kanya.
"Bakit? May problema ba?" tanong niya. Natatakot akung magtanong baka iba ang isipin niya.
Umiwas ako ng tingin at umiling.
"Wala pala." sabi ko nalang.
Nakatitig siya sa akin na wari'y binabasa ang mukha ko. Sa totoo nga lang hindi ako komportable sa mga titig niya.
"Ano ang problema? Daine? Sabihin mo na." tanong niya. Nanginginig talaga ako para kasing kinakabahan ako na hindi ko alam.
"Nadatnan ka na ba ngayong buwan?" tanong ko. Napatingin naman ng deretso siya sa akin.
Hinay hinay siyang tumango at nakatitig lang sa akin.
"Bakit? Hindi ka pa ba nadatnan?" tanong niya.
"Oo eh!" sabi ko naman.
"Last month! Nadatnan ka pa?" tanong niya ulit.
"Di na!" sagot ko naman. Para tuloy akung kinabahan.
"Anong petsa ka nadadatnan?" tanong na naman niya.
"11! Ngayong buwan di pa, lumipas na ang 11 di pa ako nadatnan." sabi ko.
Lumaki bigla ang mga mata niya. Posible kaya?? Posible kaya ang iniisip ko? Paano nalang??
"This fast fast few weeks? May iba ka bang nararamdaman? Nagiba ba ang pakiramdam mo? Nagsuka ka ba? Nahihilo ka ba?" sunod sunod niyang tanong.
Ito lang nakaraan na linggo lahat ng sinabi niya ay nararamdaman ko. Nilalagnat naman ako noon eh. Akala ko wala lang yun.
"Ahh!! Wala ka bang trabaho ngayon mindy?" tanong ko naman.
"Aalis muna ko. Huwag na huwag kang aalis dito! Daine! Babalik lang ako." sabi niya. Nakakatakot naman to.
"Oo na! Di ako aalis." Takot ba siyang sundan ko si nate? Hahaha!! How sad.
"Sege na!" lumabas na siya. habang ako nanonood ng movie dito sa loob ng bahay.
Napakaboring talaga pag mag-isa ka sa loob ng bahay mo. Kinuha ko ang cellphone ko at naglaro ng Piano tiles. Nakakainis lang na kunti kunti nalang talaga mananalo ka. Pero kung hindi talaga para sayo hindi maging sayo. Teka? Ano ba ang sinasabi ko.
Kagaya ni nate na hindi ko makukuha dahil hindi siya para sa akin? Bakit? Umiikot naman ang mundo ah! Baka paggising niya ako na ang mahal niya.
Limang beses na akung natalo sa Piano tiles kaya tinapos ko nalang. Nahagip sa mata ko ang contacts. Binuksan ko ito at nakita ang number ni nate. Nanginginig ang kamay ko habang hinay hinay pinindot ang number niya para tawagan. Nilagay ko sa kabilang tenga ang cellphone na hinahawakan ko.
Nagring naman ang phone niya, siguro busy lang siya. I-end ko na sana ang tawag ng may magsalita sa kabilang linya.
"Hello? Daine?" sabi niya.
"Nate?" rinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.
"Bakit? Daine? May problema ba? Kamusta ka na?" rinig ko ang boses niya. Ang totoong boses ng isang tunay na nate. Nahanap na ba niya ang sarili niya?
"Parang ang sigla mo ata ah! Ikaw ang kamusta nate? Kailan ka uuwi?" Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kailan lang na sabay kaming lumaki.
"Oo eh! Okay lang naman ako! Baka bukas makakabalik na ako diyan, Daine?" natuwa naman ako kasi babalik na siya.
"Hmm?"
"Wala! Ingat ka ha!"
"Oo!"
"Sege na! Bye!"
"Bye!"
Pagkatapos ay in-off ko na ang cellphone ko. At hindi maipinta ang mukha sa sobrang kilig! Wahhhh!! Nakakakilig!!
"Andito na ako!" biglang sulpot ni mindy.
"Saan ka galing? Bigla ka naman nanggugulat eh!" may inabot siyang isang supot ng buksan ko ito nakita ko pregnancy test sa loob nito.
Tiningnan ko naman siya na nagtatanong-look. Seryoso?
"Bilisan mo na! Excited na akung maging ninang." ani niya.
Hindi ko nga alam kung bakit bigla bigla eh! Nako naman oh? Hindi pa naman niya alam na nagkausap kami ni nate.
Pumasok na ako sa loob ng CR at sinubukan ang binigay niya sa akin. Pagkatapos sa ginawa ko hindi ko muna tiningnan kasi ayaw kung makita.
Lumabas ako sa labas ng CR ng kinakabahan. Parang hinahabol ang puso ko ng aso. Binigay ko agad kay mindy ang pregnancy test. Nagulat pa siya kung bakit ko biglang binigay sa kanya.
Tiningnan niya ito at bigla nalang lumaki ang mata niya. Inabot niya sa akin yun at nagulat ako ng dalawang pulang line ang nakaguhit nito. Hindi ko inaasahan na matapon ang pregnancy test at bigla nalang tumalon patungo sa sofa.
"Paano to? Bakit di ko alam?" sabi ko.
"Anong di mo alam? Semprey dapat alam mo kasi may nangyari sa inyo! Ano daine? Tanga lang? Hindi ako galit sayo! Pero paano si nate?" alam ko ang ibig sabihin ni Mindy. Pero...
"Babalik na si nate bukas!"
"What!?" halos mabingi ako sa sigaw na tanong niya.
"Kailangan niyang malaman na isa na siyang ama. Dapat sabihin mo!" sabi ni mindy.
"Oo na. Bukas sasabihin ko." hinawakan ko ang sinampupunan ko. I have a child inside me. Maging nanay na ako.
Ano kaya ang maging reaction ni Nate? Maging masaya kaya siya? Magagalit ba siya? Paninindigan niya ba? Natatakot ako na baka ayaw niyang maging ama sa anak niya. Natatakot ako na baka hindi niya matanggap na may anak siya.
Ayaw kung lumaki ang anak ko na walang ama. Mahal kita anak! Lahat gagawin ko mabigyan kalang ng magandang buhay.
Handa akung harapin ang reaction ni Nate bukas kahit masakit. Kakayanin ko.

YOU ARE READING
Game Of Love
RomansaLet's enter the Game of love. A game can make you fail, A game can make you cry. A game can make your life mess. A game can teach you to forgive and sacrifice. 'If you enter this game, accept the consequence.'