Daine POV
Nakalipas ang ilang araw pero hindi ko makita kita si Nate na dumalaw dito o kahit saan. Siguro sinunod na niya ang sinabi ko. Bakit ba ako nalulungkot, dapat nga masaya ako kasi masaya na siya sa iba. Pero hindi ko talaga maipagkait na kumikirot ang puso ko pag naiisip ko ang tungkol sa kanila.
Hindi ko na inisip ang tungkol doon dahil tinoon ko ang atensyon ko sa kambal. Naglalaro sila sa sala habang. Alam ko na alam nila ang nangyari kaya hindi sila nagtatanong tungkol sa ama nila. Minsan naman andito si Mindy para bisitahin sila, minsan nga kasama niya si Cade. Masaya ako na kahit sobra pa silang bata ay naiintindihan nila ang takbo sa paligid nila.
"Mommy, gusto ko kumain ng jollibee." wika ni Dione. Napatingin naman ako sa kanya, dahil 'yung pera ko sa bangko malapit nang maubos. Kailangan ko'ng magtipid para sa pag-aaral nila.
"Sweetie, kakain lang tayo ha! Wala na kasing pera si mommy para bumili ng laruan. Okay ba ang sinabi ni mommy?" tanong ko sa kanya. Ngumiti naman si Dione at masayang binalita ang tungkol sa pamamasyal sa mall.
"Mom, really? Kakain kami ng jollibee?" tanong ni Neon. Tumango naman ako. Paborito kasi nilamg dalawa ang chicken sa jollibee.
"Yeah, kaya magbihis na kayo." sabi ko habang pumunta ako sa kwarto ko para magbihis. Hinanda ko 'rin ang susi ng kotse ko.
"Mom, let's go?" tanong ni Dione.
"Tara!" sabi ko. Sumunod naman ang dalawa. Habang naglalakad patungo sa kotse ay kita ko kung paano sumilay ang kasiyahan sa mukha ng kambal.
Habang nagmamaneho ay tahimik lang ang dalawa. Excited siguro sila makarating sa mall. Ilang minuto ay nakarating na nga kami sa mall.
-
Habang naglalakad kami patungo sa jollibee ay napansin ko si Nina na papasok 'rin sa jollibee. Agad naman akung napatigil. Napansin naman sa kambal ang pagtigil ko kaya ngumiti ako sa kanila. Hindi ko magawang sabihin na bawal kaming kumain sa jollibee dahil andoon si Nina. Kilala naman nila si Nina pero natatakot ako, natatakot akung andyan si Nate.
"Mom, tara na." sabi ni Neon habang nakatayo malapit sa statue ng jollibee. Pumasok na kami at humanap ng pwesto, pinaupo ko ang dalawa at nagsimula na akung pumila para magorder. Habang pumipila ako ang hinahanap ng mata ko sina Nina at Nate. Hindi talaga nagbigo ang mata ko dahil nakita ko sila. Malapit sa upuan namin. Patay! Mali ang napili ko'ng upuan.
"Ma'am, what is your order?" tanong ng cashier. Agad naman akung napatingin sa kanya. Nag order na ako, pagkatapos binigyan niya ako ng number para makita ng waitress ang table namin. Pumunta na ako sa upuan habang hindi sila pinapansin. Kita ko sa pheriperal vision ko ang pagtingin nila sa kinaroroonan namin.
"Mom, si nate ba 'yon?" tanong ni Neon. Tumango naman ako. Nagulat ako dahil hindi daddy o pala ang tawag niya kay Nate.
Ilang minuto ay dumating na ang inorder namin. Kita ko kung paano niya subuan si Nina. Ang kapal akala niya ba hindi makikita sa bata ang ginawa niya? Tss. Kumain na ang kambal habang ako hindi ko mapigilan ang pagtingin sa kanila. They are sweet. Halatang mahal na mahal ang isa't isa.
"Mom, kumain ka na." sabi ni Dione. Tumango ako.
"Kakain na." kumain na ako. Nagpapanggap ba siya na hindi niya kami nakita? Kahit ang mga bata lang dapat niyang pansinin. Oo nga pala, kasama niya si Nina baka magalit pag nalaman na anak ni Nate ang kambal. Tss. Ano kaya ang reaction niya pag nalaman niya ang tungkol sa kambal. Matatanggap niya kaya ang katotohanan?
Huli na Daine tinaboy mo na si Nate. Hindi na siya babalik pa. Tama, hindi na. Kasalanan mo kasi kaya siya umalis. Tapos magseselos ka pag nagsasama silang dalawa? Tama na self. Ayaw ko na.
"Mom, kawawa ang chicken patay na nga pinatay mo pa." sabi ni Neon. Tiningnan ko ang chicken ko na halos hindi na makilala kung manok ba ito o tuna dahil sa pino pino na ang hitsura.
Nanggigil ako para si Nina lang sarap katayin. Bakit ka ba nagagalit self?
Nina POV
Kita ko kung paano tumingin si Daine sa amin. Galit na galit siyang tinitingnan ako wala naman akong ginawang masama. Siraulo kasi tong si Nate, hindi na lapitan si Daine nagiinarte pa. Alam ko na ang tungkol sa kanila, ang tungkol sa anak nila. Kaya pala kamukha ni Nate ang anak na lalaki, kasi siya ang ama.
Matagal na kaming wala ni Nate, matagal na nong araw na bumalik ako at sinabi ni daine ang katotohanan hindi na nakipagbalikan si Nate sa akin. Dahil si Daine talaga ang minahal niya simula bata pa. Tinanggap ko 'yon dahil alam kung kahit kailan walang makakapalit sa pagmamahal niya kay Daine. Bigla ba naman akung subuan ni Nate dahilan sa pagtaas ng kilay ni Daine.
Kita ko ang pagtawa ni Nate, siguro napansin niya ang tingin ni Daine. Nako! Nakakatakot naman! Nandito kami sa mall para tulungan si Nate sa problema niya at sa gagawin niyang business sa buhay.
Biglang dumating si Mindy, nagulat siya ng makita si Daine sa kabilang mesa kasama ang kambal. Kasali sa gagawin naming trabaho si Mindy kaya hindi ako nagtataka na andito siya. Tumayo si Daine at pumunta sa banyo. Agad naman lumapit ang kambal sa mesa namin. Niyakap sila ng daddy nila, nakakamelt naman ng heart ang ginawa nila.
"Kamusta ang mommy niyo?" tanong niya sa kambal. Kahit na hindi na siya bumibisita sa bahay nila Daine ay naghahanap naman siya ng paraan para makontact ang anak.
"Ayon! Gabi gabi umiiyak!" ngumiti si Nate sa sinabi ng anak. Aba! Tuwang tuwa dahil umiyak si Daine? Alam namin na mahal na mahal pa'rin siya ni Daine, gayundin ang pagmamahal niya sa ina ng anak niya.
"Nagseselos ata 'yon. Dahil sinubuan mo si Tita Nina. Akala niya may relasyon kayong dalawa." kwento ni Dione. Ano kaya ang reaction ni Daine pagnalaman niyang tinatraydor siya ng anak niya. Hahaha!!
"Malilintikan talaga kayo sa mommy niyo." wika ni Mindy.
"Ano na ang plano daddy?" tanong ni Neon. Tumawa naman si Nate parang sira!
"Babalik na kami daddy, baka bumalik na si Mommy." wika ni Dione.
"Sege, princess. I love you kids!" wika niya sa kambal. Oww!! Ang sweet naman niya sa anak niya.
"Paano kung tayo ang may anak? Ganito kaya ka saya?" tanong ko. Tumaas naman ang kilay ni Mindy.
"Hindi! Kasi hindi naman ikaw si Daine." wika ni Mindy. Tumawa nalang ako gayundin siya. Gago lang!
Bumalik si Daine na namumugto ang mata! Halatang umiyak! Gaga! Nasayang ang luha sa wala lang.
"Parang kailangan mo nang gumawa ng move, Nate." bulong ni Mindy sa amin habang tumitingin kay Daine.
"Parang kailangan ko na nga." sabi ni Nate na tumitingin rin kay Daine. Kailangan na talaga dahil maiyakin 'yang si Daine.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/116913590-288-k200379.jpg)
YOU ARE READING
Game Of Love
Storie d'amoreLet's enter the Game of love. A game can make you fail, A game can make you cry. A game can make your life mess. A game can teach you to forgive and sacrifice. 'If you enter this game, accept the consequence.'