Chapter 23: Fiance?

20 0 0
                                    

Daine POV

Hindi ako nakatulog dahil sa iniisip ko, sumapit nalang ang umaga hindi parin ako nakatulog. Tumayo ako para tingnan ang kwarto niya.. Binuksan ko ito nagulat siya dahil pumunta ako sa kwarto niya. Agad naman niya iyon binawi at ngumiti sa akin. Lumapit ako sa kanya, alam kung kakauwi palang niya ngayon dahil suot niya pa 'rin ang pantalon.

Bigla niya akung niyakap, ngumiti naman ako dahil sa ginawa niya.

"Ang aga mo naman ata para sa trabaho." wika ko. Tumingin naman siya sa akin.

"Alam mo naman ang tungkol sa kompanya ni Dad diba." sabi niya. Tumango lang ako habang pinapanood siyang nagbihis ng damit.

Hindi pa kami kasal, Oo. Pero fiancé naman niya ako diba? May karapatan akung tanungin siya kung ano ang ginagawa niya, kung saan siya nanggaling. Dahil engage na kami, nagpropose na siya sa akin.

"Ikaw? Bakit ang aga mo'ng gumising?" tanong niya.

"Ahh!! Kasi namiss kita eh." sabi ko. Niyakap ko naman siya, nagulat siya sa ginawa ko pero nakabawi naman siya agad. Niyakap niya ako pabalik..

"Maayos ba ang pagtulog mo kagabi?" tanong ko. Hindi siya makatingin sa akin.

"Oo." sagot niya. Doon ako nasaktan sa sinabi niya. Nagsisinungaling siya?

"Ang lambot ng kama mo." wika ko habang humiga sa kama niya.

"Oo nga! Pero kulang pa'rin kasi hindi kita nakatabi." sabi niya ulit.

Doon ko napagtanto na nagsisinungaling siya. Bakit niya ginawa to sa akin? Sino ba talaga ang babaeng kasama niya?

"Aalis muna ako." sabi niya. Sasagot na sana ako ng huli na dahil wala na siya sa harapan ko. Bumaba ako sa hagdanan at tumungo sa kusina. Rinig ko ang pagandar ng kotse niya, hindi ko nalang inabala ang pagtingin niya paalis.

Nandito kami nanatili sa bahay niya, nandito kami kasi sabi niya dito muna kami.

"Mom, are you okay?" tanong Neon. Nagulat ako dahil may likidong lumabas sa mata ko. Sh*t huwag kang iiyak. Hindi pa nga napapatunayan kung totoo ba. 'Daine naman nasa harapan ka nang anak mo.'

"Ofcourse, sweetie. Anong gusto niyong pagkain for breakfast?" tanong ko sa kanila.

"Saan si Daddy?" tanong ni Dione.

"May inaasikaso baby." wika ko.

"Akala ko pa naman sabay sabay tayong kakain." malungkot na wika niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Si daddy ay busy, siguro mamayang gabi. Kakain siya with us, na tayong apat lang." wika ko naman. Tumango naman si Dione at umupo sa upuan.

Nagluto na ako pagkatapos ay pinakain ang dalawa. Napansin ko si Mindy na nakatayo sa hagdanan. She's looking at me na tila'y alam ang nangyari kanina. Alam na alam niya dahil dito siya natulog.

-
UMUPO kami sa sofa habang nanunood ng cartoons, habang ang dalawang kambal ay sa sahig nakaupo. Kanina pa nakatingin si Mindy sa akin, na tila'y binabasa ang pagkatao ko.

"Alam ko ang nangyari kanina, kitang kita ko kung anong oras siya umuwi. Alam na alam ko 'rin na hindi ka natutulog." sabi niya.

"Mindy, may nakita kasi ako kagabi." sabi ko.

"His with somebody else... may kasama siyang babae." patuloy ko. Napatigil siya sa pagkain dahil sa sinabi ko. Tumingin siya na tila'y tinatanong kung totoo ba.

"Doon sa Yahong na sinabi mo." sabi ko. Mas nagulat siya dahil hindi niya inakala na totoo pala ang sinabi ko.

"Are you sure? Hindi ba pwedeng secretary? Or business partner?" tanong niya.

Game Of Love Where stories live. Discover now