Daine POV
Hindi ko makakalimutan ang nangyari sa amin ni Nate kahapon. Sobrang sakit na hindi ikaw ang piniling pakasalan niya. Nasasaktan ako kasi umasa ako! Umasa akung magkakasama na kami habang buhay. Pero pinili ko'ng maging matatag alang alang sa mga anak ko.
Simula kahapon hindi ko na nakita ang pangungulit ng kambal. Hindi na sila gaya sa dati na napaka-energetic. Bakit? Bakit kailangan niya gawin 'yon sa amin? Hindi ko kayang masaktan ang mga anak ko.
Ang nais ko lang naman ang magkaroon ng masayang pamilya. Ang magkaroon ng ama ang dalawa. Mahirap ba ang hinihiling ko?
"Sissy, luto na ang niluto mo." sabi ni Mindy. Agad naman akung bumalik sa katinuan ng napansin kung nasusunog na ang niluluto ko.
Kinuha ko na ito at nilagay sa malaking pinggan para ipakain ang dalawa. Agad naman akung kumuha ng dalawang pinggan at kutsara para sa kambal. Napansin ko nalang na may likidong lumabas sa mga mata ko.
'Ang tanga tanga mo! Huwag kang umiyak!'
"Sissy, okay lang 'yan. Marami pa namang iba diyan!" sabi ni Mindy. Ngumiti ako sa kanya kahit alam kung pilit lang.
"Kambal! Kumain na kayo." sabi ko. Agad ko naman tinuon ang atensyon ko sa lababo dahil ayaw kung makita ako ng dalawa na umiiyak.
Ganon ba ako ka desperadang pakasalan siya?
"Daine!" nagulat ako dahil pamilyar sa akin ang boses na'yon. Humarap ako sa taong nagsasalita at hindi ako nagkamali.. Si mommy nandito!
Agad akung tumakbo sa kanya at binigyan ng malaking yakap. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya napaiyak ako sa mga bisig niya.
"Anak..tahan na." wika ni mama. Sobrang miss ko na siya.
"I'm so sorry mama! I'm sorry dahil hindi ako nagpakita sayo ng ilang taon." sabi ko.
Dinala ako ni mama sa upuan at umupo kaming dalawa doon.
"Alam ko ang nangyari kahapon kasi pumunta ako sa bahay ni Tita Jean mo. Nandoon si Nate habang umiiyak." sabi ni mama. Hindi ako naniwala na umiyak siya kasi alam kung kahit kailan hindi niya kami minahal.
"Ma, ayaw ko'ng pagusapan siya. Ayaw ko na sa kanya." sabi ko. Tumango lang si mama.
"I miss you, sweetie." bulong ni mama.
"Me too, ma." sabi ko.
"Mom, sino siya?" biglang lapit ni Dione. Agad naman akung ngumiti sa kanila.
"Dione, Neon, siya ang lola niyo. Siya ang mama ko." pakilala ko kay mama.
"Mama, anak ko." sabi ko rin kay mama. Niyakap sila ni mama dahil sa tuwa.
"May apo na pala ako. Ang gaganda at gagwapo niyo." masayang sabi ni mama. Nakita ko si Mindy na palabas na nang bahay, saan kaya 'yon pupunta?
Nagkekwentuhan lang kami ni mama kung paano ko nalagpasan lahat ng problema ko sa buhay.
Mindy POV
*Pak*
"Ang kapal ng mukha mo Nate! Sobrang kapal!" sigaw ko sa kanya. Tahimik lang siya habang hinahayaan niya kaming sigawan siya.
"Matagal mo'ng hinintay si Daine! Tapos ganito lang pala ang mangyayari? Wala ka bang puso?" sabi naman ni Nina. Kami lang tatlo ang nandito. Hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Daine.
"Hindi ko naman sinasadya 'yon." bulong niya. Agad nanginit ang mukha ko sa galit.
"Hindi sinadya?? What the f*ck Nate! Kung sinabi mo lang ang totoo, maiintindihan ka niya." sabi ko.
YOU ARE READING
Game Of Love
RomanceLet's enter the Game of love. A game can make you fail, A game can make you cry. A game can make your life mess. A game can teach you to forgive and sacrifice. 'If you enter this game, accept the consequence.'
