Chapter 22: Blind

16 0 0
                                    

Daine POV

"Kasalan na! Yey!" sigaw ni Cade. Tumawa naman ako. Habang hinapit ni Nate ang bewang ko saka ako hinalikan. Damn! I miss him!

PAGKATAPOS nang eksena kanina ay agad ko'ng nilapitan si Nate. Gusto ko siyang makausap na kami lang dalawa, i want to hear from him bakit gusto niya akung pakasalan. I know na mahal niya ako pero paano? I mean.. Kailan nagsimula? Paano nangyari?  

"Hey!" sabi ko. Habang tiningnan siya.. Na nakatingin sa mga bata. He's happy looking at his children..our children.

"Hey..May problema ba?" sabi niya at niyakap ako patalikod. Ang sweet niya.

"Paano mo ako nagustuhan? I mean kailan pa? Kailan mo pa ako minahal?" tanong ko. Tumawa siya.

"Hindi ko alam, nagising nalang ako na ikaw na 'yung gusto ko. Yung mga ngiti mo ang nagpapasaya sa akin." sabi niya. Kinikilig ako sa sinabi niya..

"Sa highschool..doon ko talaga napatunayan na mahal na kita. Ayaw kung may lalapit sayong lalaki pero wala akung magagawa. Kasi nga diba, kaibigan lang tayo." patuloy niya. Hindi ko makita ang epkspresyon sa mukha niya pero alam ko kung gaano siya kasaya.

"Pinili kung hindi sabihin sayo dahil gusto ko'ng manatili ang pagkakaibigan natin, dahil alam kung doon lang tayo tatagal." sabi naman niya.

"Gusto 'rin naman kita eh! Atsaka, alam kung alam mo'ng tatagal tayo dahil tayo ang itinadhana ng panginoon. Mahal kita Nate." sabi ko.

"Mahal din kita, dayang." bulong niya. Sobrang kilig ang hatid niya sa sinabi niya. Thankful akung makilala siya. Kahit pilit ko siyang pinagtabuyan, ginawa niya pa'rin lahat para manatili sa amin hindi sa isang araw, kundi pang habang buhay na.

Bumalik na kami sa loob habang masayang kumakain ang mga taong sakse sa pagpropose niya sa akin. Ngayon, oras ko naman para kausapin si Nina. Lumapit ako sa kanya at bumulong na gusto ko siyang kausapin. Tumango naman siya at sinundan ako.

"Congratss! Daine!" masayang wika niya. Agad naman akung napayakap sa kanya.

"Salamat sa lahat, Nina." bulong ko na rinig naman niya. Humarap ako sa kanya na may ngiti sa labi.

"Sorry sa lahat, sorry dahil nag-iisip ako ng hindi maganda tungkol sayo. Sorry dahil akala ko kayo pa hanggang ngayon. Sorry dahil akala ko hindi na ako nasasaktan pero akala ko lang pala lahat. Patawad Nina." wika ko sa kanya. She give me a genuine smile.

"Okay lang, daine. Dapat nga ako magpapasalamat sayo, dahil ikaw ang nagligtas kay papa. Niligtas mo siya noong araw na kinakapos na siya ng buhay. Mahalaga ka sa akin, Daine. Palagi kang tinatanong ni mama. Sinasabi ko lang na busy ka sa trabaho mo pero noong araw non ay umalis ka talaga. Daine, hindi ko mahahadlang ang pagmamahalan niyong dalawa ni Nate, kayo talaga ang tinadhana panghabang buhay." sabi niya. Tumulo ang luha ko.

"Salamat talaga Nina!" sabi ko. Hindi kasi mangyayari to kung hindi ko naisipang ipaalis si Nina sa buhay ni Nate. Kung hindi ko ginawa 'yon hindi mangyayari ang dapat mangyari. Kaya salamat talaga.

"Tara na balik na tayo." wika niya tumango naman ako. Bumalik kami sa upuan namin.

Nang napansin ko ang kambal na nakatulog sa sofa ay isa isa naming dinala namin ni Nate ang dalawa. Nilapag namin sila sa higaan dito sa loob ng kwarto habang natutuwang tingnan ni Nate ang kambal.

"Nate, kamukha mo si Neon." wika ko. Lumapit naman siya sa akin at niyakap.

"Kamukha mo naman si Dione." bulong niya. Mahina akung tumawa dahil sa sinabi niya.

"Oo naman, maganda ata to eh." wika ko. Napatigil ako nang inangkin naman niya agad ang mga labi ko. Mahal ko ang lalaki na ito, kailanman ay hindi ko siya makakalimutan o mawawala sa puso ko.

Game Of Love Where stories live. Discover now