Daine POV
Nandito ako sa sala habang pinapanood ang kambal na naglalaro ng scrabble. Araw araw parati akung pinapadalhan ng bulaklak ni Nate, hindi pa naman ako patay. Minsan bumibisita siya dito na hindi ko naman nakikita kasi may lakad ako. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila kasi minsan wala ako dito sa bahay. Busy ulit ako sa boutique ko.
"Mei.." tumingin ako sa pintuan ng makita ko si Tita Jean at Tito Rex. Agad ko naman sila sinalubong at nagmano.
"Hello po tita, tito." wika ko. Agad naman lumapit ang kambal.
"Sila ba ang apo namin? Napakaganda at gwapo." wika nila. Pinaupo ko sila sa sofa habang si Mama ay naghanda ng meryenda. Kakarating rin ni mama kanina galing sa bahay namin.
"Sila po si Dione, Neon." pakilala ko.
"Ako ang lola niyo siya naman ang lolo niyo kami ang magulang ng daddy niyo." wika ni Tita Jean.
"Nice meeting you, lola and lolo." wika ni Dione.
Bumalik na sa paglalaro ang dalawa habang nakatingin lang sila sa akin.
"Iha, patawad dahil nasira ko ang pagsasama niyo ni Nate. Hindi ko kasi alam na may pamilya na pala siya. Ang akin lamang ay mabigyan niya kami ng apo. Ang totoo hindi talaga na bankrupt ang companya namin gusto lang namin mabigyan ng mapapangasawa si Nate." paliwanag ni Tito Rex. Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Nate. Hayyysss... Bakit ba kasi hindi namin sinabi ang tungkol sa amin.
"Pasensya iha, dahil sa amin nawala ang asawa mo. Alam mo bang umiiyak si Nate noong araw na pumunta siya sa bahay dahil nawala raw lahat sa kanya.. Nawala na raw ang pamilyang pinagiingatan niya." wika ni tita jean. Agad naman akung nanlumo, ganon niya ba kami kamahal? Hindi ko alam kasi naduwag ako.
"Sana mapatawad mo ang anak namin iha. Ang gusto lang naman namin ang kaligayahan niya. Pero ang kaligayahan niya ay kayo.: patuloy ni Tita. Agad naman akung tumango.
"Opo.." sagot ko.
"Gusto ko'ng maging masaya kayo, alam mo ba iha ipinaglaban niya kayo sa amin.. Ayaw niyang mawala kayo sa buhay niya. Yan din ang gagawin ko pag nawala ang pamilya ko handa kong isakrapisyo lahat makuha lang ulit ang pamilyang pinakamamahal ko." sabi ni Tito habang nakatingin kay Tita.
"Salamat po sa pagsasabi ng lahat! Salamat dahil ngayon naiintindihan ko na." wika ko. Tumango naman si Tita.
"Meryenda!" sigaw ni Mama. Tumawa naman kaming lahat.
"Hali nga kayo apo! May pasalubong ako." sigaw ni Tita jean.
Agad lumapit ang dalawa at masayang nagkwekwentuhan sa lola at lolo nila.--
DUMATING ako sa resort na pupuntahan sa aming pamilya ngayon. Gusto ko makausap 'din ng mahinahon si Nate. I want to talk to him na okay na lahat..ayos na! Hihingi nalang ako ng patawad dahil sa kasalanan ko rin. Nandito kami para mag vacation 'yan ang sabi ni Tita Jean. Sila rin ang may-ari dito. Hindi ko kasama ang kambak at si mama dahil nauna na silang magpunta dito, dahil sinarado ko pa ang boutique ko.Kaya ngayon mag-isa akung patungo sa loob ng resort. Pagpasok ko ay walang tao..siguro nasa dagat. Kaya nagpatuloy lamang ako sa paglalakad nang biglang namatay ang ilaw. Oh shock! Ang dilim!
Lalakad na sana ako palabas ng rinig ko ang tunog ng guitar.. Woah! And i saw him standing in front of the mini-stage holding a mic. Kakanta siya?
Ako'y sayo ikaw ay akin
Ganda mo sa paningin
Ako ngayo'y nag-iisa
Sana ay tabihan naTumitingin siya sa akin habang kumakanta.
Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwanAng ganda ng boses niya. Ngayon ko lang napagtanto na dalawang ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa loob. Ang ilaw na nakatuon sa akin at sa kanya.
Ayokong mabuhay ng malungkot
Ikaw ang nagpapasaya
At makakasama hanggang sa pagtanda
Halina't tayo'y humigaGusto ko'ng makasama ka hanggang sa pagtanda. I want to be with you nate forever.
Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwanRinig na rinig ko kung paano tumibok ng kay bilis ang puso mo. Randam na randam ko na mahal mo ako nate. Alam ko 'yon kasi nakikita ko sa mga mata mo.
Ang iyong ganda'y umaabot sa buwan
Ang tibok ng puso'y rinig sa kalawakan
At bumabalik
Dito sa akin
Ikaw ang mahal
Ikaw lang ang mamahalin
Pakinggan ang puso't damdamin
Damdamin aking damdaminNararamdaman ko lahat 'yon Nate, kahit kailan hindi mo ako sinukuan. Hindi ka sumukong mahalin ako kahit na pinagtabuyan na kita.
Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwanSana rinig mo 'rin kung gaano kita kamahal Nate. Pakinggan mo sana ang tibok ng puso ko, gaya sa pakikinig ko sayo.
Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwanPagkatapos ng huling kanta ay bumaba siya sa mini-stage at lumapit sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na tila'y sumabak sa karera sa sobrang bilis. Agad akung napaiwas ng tingin dahil sa nahihiya ako. Ang gwapo gwapo niya sa suot niyang polo shirt at may dalang bulaklak patungo sa akin. Ito na talaga to?? Wala na ba'ng babae na nakatago sa bulsa niya? Matutuloy na ba 'to?
"I'm sorry for everything, Daine. I will promise that i will do everything na hindi ka masaktan. I love you so much Daine.. Ikaw at ang anak natin." sabi niya. Natameme lang ako hinihintay ko ang sasabihin niya.
"Daine, kulang ang mundo ko kung wala kayo na pamilya ko. I will risk everything just to have you...to have my family back. Daine......." patuloy niya. Nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko sabay labas ng isang maliit na box.
".....Will you marry me." sabi niya. Hindi ako mapakali unti unti nalang maiiyak na ako.
"Wala na ba'ng babae ang nakatago diyan sa bulsa mo?" tanong ko. Umiling siya.
"Wala na." sagot niya.
"Ako ba talaga ang babae na gusto mo'ng dalhin sa Altar?" tanong ko ulit.
"Oo naman!" masiglang sagot niya.
"Di' wala naman pala bakit pa tayo maraming satsat?..." wika ko.
Naghintay siya sa sagot ko..hinintay niya ang matamis kung Oo. Nakakatuwa lang na ang matagal kung minamahal ay makakasama ko habang buhay.
"Semprey!! Yes! na Yes! Pak na pak!" sabi ko. Agad naman niya hinalikan ang likod ng kamay ko saka isinuot ang singsing. Sobrang saya ko sa desisyon na ginawa ko.
"Kiss na 'yan." sigaw nilang lahat. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa sobrang gulat na nanunood pala silang lahat. Semprey alam kung nandito sila kasi nga diba vacation..pero di ko inakala na nanunood sila.
Pinaharap ako ni Nate sa kanya at inangkin ang mga labi ko. I feel the love between our kiss. Wala na akung mahihiling pa.. This man in front of me is not longer be my bestfriend but my husband ti'll forever.
Wala nang sino man ang makakagaw sa kanya, wala nang sino man ang hahadlang sa kasal namin..dahil kaming dalawa ay road to forever na.
***
YOU ARE READING
Game Of Love
RomanceLet's enter the Game of love. A game can make you fail, A game can make you cry. A game can make your life mess. A game can teach you to forgive and sacrifice. 'If you enter this game, accept the consequence.'