Daine POV
*BLAGGGGGGGGGG*
Nagulat ako dahil sa lakas ng kalabog sa pinto ng offices ko. Kaya napatingin ako sa lalaki na may madilim na aura papunta sa akin.
Nate??
Pabagsak niyang nilagay ang cellphone niya sa harapan ko. Kaya napatingin naman ako dito.
"Tell me!" ani niya.
Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Bagamat nakatutok lang ako rito.
"Ikaw ba ang nag delete lahat ng message ni nina? Bakit daine?? Bakit mo yun nagawa?" galit niyang sigaw sa akin.
Lumapit ako sa kanya at aakmang hawakan ang mga kamay niya ngunit tinampal niya ito.
"Nate, nagawa ko lang naman yun kasi....... Kasi......kasi...." hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Naguguluhan talaga ako.
"Ano!" sigaw niya.
"Ayaw ko lang na maistorbo ang bonding natin." sabi ko. Kunti nalang iiyak na talaga ako.
"And that bullshit!" Halos masira ang table ko dahil sa lakas ng hampas niya nito.
"Nate....."
"Daine, Nina is my girlfriend. What if na mamatay ang tatay niya dahil sa akin?? Ha!" sigaw na naman niya.
"Eh ano naman ako?? Ano ako sayo? Ha?" dahil sa galit napasigaw na naman ako.
"Your just my bestfriend. At ayaw kung mawala si nina sa akin ng dahil lang sayo." galit na sabi niya.
"Magkasama na tayo simula bata pa. Ipagpapalit mo lang ako sa isang katulad niya??" galit na sigaw ko rin.
"Kaibigan kita. Si Nina? Siya ang mahal ko. Kaya huwag mong sirain ang tiwala ko sayo." pagkasabi niya non. Ay umalis na siya at pabagsak niyang sinirado ang pinto.
Bigla nalang nanghina ang mga tuhod ko. At napahagulgol na napaupo sa sahig.
Nagawa ko lang naman yun dahil ayaw kung masira ang bonding namin kahapon. Nagawa ko lang naman yun dahil mahal ko siya.
Alam kung kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Pero ako?? Hindi lang kaibigan ang tingin ko sa kanya. I love him. Di ko talaga mapigilan ang nararamdaman ko.
Magsosorry ako sa kanya hanggang sa mapatawad niya ako. Oo tama!!! Hindi naman niya ako matitiis.
Tumayo na ako at lumabas patungo sa parking lot. Inayos ko muna ang sarili ko. Dahil sa iyak ko kanina nagmukha tuloy akung multo.
Nagdrive na ako patungo sa bahay niya. Kasi i know for sure andoon lang siya. Hindi ako papayag na dahil lang kay nina masisira ang pagkakaibigan namin. No matter what happen magiging akin talaga si Nate. Magtutuos kaming dalawa ni nina. Hindi ako titigil hangga't hindi siya aalis sa buhay ni nate.
Bago pa ako pumarada sa bahay ni nate nakita ko siyang sumakay sa kotse niya. 'Saan kaya siya pupunta?'
Umalis na ang kotse niya kaya sinundan ko nalang siya. Saan saan kami sumusuot. Dumaan kami sa palengke na nagkalat sa labas ang mga bulok na gulay. Mabuti at sirado ang bintana ng kotse ko. Sigurado akung mabaho ang palengke nato dahil sa mabulok na gulay.
Nakita kung lumiko ang kotse ni nate kaya sinundan ko. Lumiko rin ako. Pinarada niya ang kotse niya sa isang maliit na bahay.
Lumabas doon si nina na may ngiti sa labi. Hinalikan pa siya ni nate sa noo. 'Ano kaya ang pag uusapan nila?'
Nakita kung umiyak si Nina. Nagbreak na kaya sila? Sana talaga. Bakit siya umiyak. Pati ang nanay ni nina lumabas rin. Nagmano naman si nate sa kanya. May edad na kasi kaya halata na nanay to ni nina. Magkapareho din sila ng shape sa mukha.

YOU ARE READING
Game Of Love
Roman d'amourLet's enter the Game of love. A game can make you fail, A game can make you cry. A game can make your life mess. A game can teach you to forgive and sacrifice. 'If you enter this game, accept the consequence.'