DAINE POV
"A-Ano b-ba *hik* a-akin n-na y-yan *hik*" inagaw kasi ng isang lalaki ang inumin ko.
Mag-isa lang akung *hik* nasa bar ngayon *hik* di ko kinaya eh!! Na-sasaktan ako *hik* sana walang epal ngayon *hik* inagaw ko sa lalaki ang inumin ko. Kainis naman oh..
"S-Shabing a-akin nayan eh *hik*" reklamo ko pa. Pero hindi na binigay ng lalaki. Sa pagkakaalam ko isa siyang may-ari dito sa bar.
"A-Ano bang p-problema m-mo ha!? M-Magbabayad n-naman a-ako ahh!!" halos masobsob mukha ko sa table dahil sa nalasing na talaga ako.
"Miss, ang lasing mo na. Tawagan ko nalang ang pamilya mo o kaibigan para makauwi kana." pakialam ko ba.
"Shubukan mo lang mangialam *hik* u-umalis ka nga!" taboy ko sa kanya. Tumawa naman siya at kinuha ang cellphone ko.
Sinubsob ko nalang ang mukha ko sa lamesa para matulog. Hindi ko na kaya nasasaktan na talaga ako. I was crying all the time. Hindi ko na kaya!! kailangan ko itong ipalabas para matapos na Huhuhu!!! Tumingin ang lalaki sa akin. Pero hindi ko siya pinansin!! Umiyak ng umiyak ako. Wala akung pakialam sa mga taong nakatingin sa akin. huhuhuhu!!
"Ganyan talaga yan, Masarap magmahal pero sa kabila nito may sakit din. Bago ka pumasok sa pab-ibig asahan mo may kapalit itong sakit." sabi ng lalaki, na ngayo'y nasa tabi ko na at pinapatahan ako.
"Tinawagan ko na din ang kaibigan mo. Kaya ilabas mo lang yan at bukas magiging okay kana!" sabi niya at tinapik tapik ang likuran ko.
huhuhuhuhu!!!
"M-Minahal ko n-naman siya ahh! *hik* alam kung *hik* ayaw niya *sniff* sa akin *sniff* Dahil kaibigan lang ang turing niya....pero!!! Paano n-naman ang pagmamahal ko??" iyak ko.
Hinay hinay pumikit ang mga mata ko, na dahilan sa pagtama ng ulo ko sa malambot na bagay at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako...........
Nagising ako sa sakit ng ulo ko. Aray---ano bang nangyari kagabi? Ngayon ko lang namalayan na yung suot kung damit kahapon ay suot suot ko parin ngayon. Yuckss!! Hindi ako nakabihis-----------aray! ang sakit talaga ng ulo ko.
O____O
"What are you doing here?" gulat kung tanong ky Nate na ngayo'y may dalang tray. Isang mankook at water..then platong may rice bacon at egg.
Ngumiti naman siya na dahilang lumuwag ang garter ng panty ko---charr!
"Batid ko'y may problema ka, hindi ko lang alam dahil naging busy ako sa trabaho ko. I'm sorry, di kita naprotektahan!" sabi niya. At nilagay ang tray sa bed side table ko. Hindi ko alam ang sinasabi niya.kung hihingi siya ng sorry dahil wala siyang oras sa akin dahil busy siya ay totoo yun. Ngunit yung protektahan? Saan niya nakuha yun?
"Ahh, ang aga mo yata ngayon! Hehe" sabi ko, sinabayan ko nalang ng tawa. Ang seryoso niya kasi.
"Sinadya ko talagang pumunta dito ng umaga para magawan kita ng soup. Dahil alam kung sasakit ang ulo mo dahil sa kalasingan mo kagabi." nagulat naman ako. Bakit niya alam na nalasing ako? Megadd!!
"May tumawag sa akin, pagdating ko doon nakatulog kana kaya kinuha na kita pauwi. Mag tapat ka nga sa akin daine, sino bang lalaki ang nanakit sayo para mabitin ko ng patiwarik!" seryoso niyang tanong. Hindi ako nakatingin sa kanya dahil alam kung mababasa niya ang mga mata ko at malalaman niyang nagsisinungaling lang ako.
"Ano ka ba! Wala no! Akin na nga yun nagugutom na ako." pagiba ko sa usapan.
Sa totoo lang kinakabahan ako at natatakot sa kanya. Never pa akung nagsinungaling sa kanya. Patawarin sana ako sa mga kasinungalingan ko.
"I'm your bestfriend, kung ano ang problema mo just tell me. Para matulungan kita! remember this, no matter what happen i will be your protector." sabi niya na dahilan sa pagbilis ng tibok sa puso ko. Maygadd!! Anebe kinikilig ake!!
Ginawa mo na naman akung tanga nate!! Wahhh!! --////--
"I'm here, para makasama ka. Para bawiin ang araw na hindi kita nakasama! maligo ka muna may pupuntahan tayo!" sabi niya at ginulo ang buhok ko. Ohhmmyy!! Baka may muta pa ako! It's nakakahiya.
Agad agad naman akung pumasok sa cr para makapag-ayos. Rinig ko pa nga ang sigaw niya.
"Don't worry, wala kang muta. Hahaha!!" sigaw niya habang tumatawa. Nakakahiya talaga.
Naligo na ako dahil diba may pupuntahan kami. why he so sweet!! Mas lalo tuloy akung mahuhulog sa kanya. Ewan ko lang kung makakabangon pa ba ako. Parang ang hirap na ata!
Nakatuwalya akung lumabas sa cr, at bumungad sa akin si nate na nakahiga sa kama ko na pinagguguluhan ang cellphone at laptop ko. Ano kaya ang ginagawa niya. Nakalimutan ko kasing kumuha ng damit dahil tumakbo agad ako sa cr.
Nakakahiya talaga! Lalo na't nasa harapan ko siya. Saan naman kaya ako magbibihis. NagEhem naman ako. At agad naman siyang tumunghay para tingnan ako. Nakaduko lang ako dahil ayaw kung makita niya ang meztisa kung mukha na namumula na ngayon. parang alam naman niya ang ibig kung sabihin kaya lumabas siya dala ang cellphone ko.
Agad agad naman akung nagbihis at nagpaganda. Dahh!! Date kaya namin ngayon. Kahit hindi niya sabihin ay alam kung mamasyal kami. Habang nagbibihis ako ay rinig kung nagbeep ang phone niya. Iniwan niya pala ito sa kwarto ko. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang wallpaper nila ng girlfriend niya.
tss. Binasa ko ang text na galing ky nina. Paepal din to eh!!
From: My love Nina
Nate, punta ka dito sa bahay. Namimiss na kita! I miss you! >3<
Hindi ko nalang ito nireplayan at dinelete nalang ito. May lakad kami ni nate! Masama man tingnan ang ginawa ko wala na akung pakialam.
Tinawag ko na si nate para makapasok. Kumakain na kasi ako ngayon. saan kaya kami pupunta. Siguro'y masaya yun.
Humiga siya sa lap ko habang kumakain ako. Hindi tuloy ako makaconcentrate. Ehh kasi naman! Ang gwapong nilalang dinidistract ako.
"Sinong lucky guy ang bumihag sa puso mo?" halos nabulunan ako sa tanong niya.
Uminom agad ako ng tubig bago siya sinagot. Iba din ang utak ng kaibigan ko. Tinatanong kung sino eh siya naman ang bumihag sa pihikang puso ko. Charr!!
"Someone special! Ang pinakagwapo at pinakaperpekto para sa akin. Siya na ata ang pinapangarap kung makasama habang buhay." sabi ko habang nakapikit at hawak hawak ang kutsara sa dalawang kamay ko.
"Siguraduhin mo lang na hindi ka sasaktan noon. Atsaka! Walang perpekto! Sino bayan at ipikilala mo sa akin!" galit niyang sabi. Ang dali namang magiba ng mood niya. eh! Sinasagot ko lamang siya.
"Hindi pa nga kami, sinasaktan na niya ako!" sabi ko. Habang nakayuko.
Nabigla naman ako ng tumayo siya at pinaghahampas ang dingding ng kwarto ko. Hala! Anong nangyari sa kanya.
"I told you! Sino bang lalaki yan. Wala siyang kwenta bestfriend ko sinaktan niya! At isa pa, Para na kitang kapatid di kaya'y twin sister. Kaya ayokong mapahamak ka! Sino ba yan?" hindi nalang ako umimik. Parang nadurog ang puso ko sa sinabi niyang 'kapatid' at 'twin sister' bakit??
"Wala, let's go! Diba aalis tayo?" sabi ko. Parang namalayan naman niya ang pag iba ng mood ko kaya lumabas na kami patungo sa kotse niya.
"Daine, alam mo naman kung gaano ka kaimportante sa akin. Kahit busy ako gagawin ko lang ang lahat maprotektahan kalang. Remember that!" sabi niya. Tumango naman ako.
At pinaandar na ang kotse niya. Habang ako ay tahimik lang. Tama ba ang ginawa ko? Tama bang ilihim ko ang nararamdaman ko? Baka kasi ayaw na niya sa akin kung sasabihin ko ang naramdaman ko. ayaw ko siyang mawala. I love him so much!
YOU ARE READING
Game Of Love
RomanceLet's enter the Game of love. A game can make you fail, A game can make you cry. A game can make your life mess. A game can teach you to forgive and sacrifice. 'If you enter this game, accept the consequence.'
