NINA POV
Kanina ko pa tinatawagan si nate, ngunit hindi niya sinasagot ang tawag. Kanina pa ako balisa dahil si papa ay inatake. Hindi namin siya madala sa hospital dahil wala pang tricycle ang pumunta dito.
"Anak, may tricycle na ba? Yung papa mo hindi na siya makahinga ng maayos!" kinakabahang sabi ni nanay.
Ngayon na kailangan ko siya ay siya namang hindi ko makuntak! Nilagay ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tumakbo na sa labas. Hahanap ako ng tricycle para mahatid si papa sa hospital. Walang wala talaga kami!
"Manong, maari niyo ba kaming ihatid sa hospital si tatay kasi inatake." nagmakaawa kung sabi sa driver na kaibigan rin ni papa.
"Bakit ngayon mo lang sinabi iha, Tara na baka mapano pa ang tatay mo." sabi ni mang berto.
Salamat sa diyos!! Agad agad naman kaming pumunta sa bahay.
Maraming narin kapit bahay ang tumulong sa amin na ipasakay si tatay sa tricycle. Malaki kasi si papa kaya masyadong mabigat siya. ako muna ang sumama dahil kukuha pa ng damit si mama para ky papa.
"Saang hospital tayo Ineng?" tanong ni mang berto.
"Sa *****Hospital nalang po." sabi ko.
Si papa ay parang humahanap ng hangin. Naaawa talaga ako sa kanya pag umaatake siya. May maliit pa naman akung naipon gagamitin ko muna para sa pagpapagamot niya.
Hindi namin kakayanin kapag mawawala si papa. Hindi ko talaga alam ang gagawin.
DAINE POV
"Punta muna ako sa CR, daine." paalam ni nate. Kakatapos niya lang kumain. Ako hindi pa!
"Okay!"
Naiwan niya pala ang cellphone niya. Hindi ko ito pinansin dahil nagugutom ako. Yess!! hindi ako magdidiet ngayon.
Ang saya ko talaga ngayong araw, kasi kasama ko siya. Pero hindi parin mawawala ang lungkot. Kung kaya't mukang bibig niya palagi ay si nina. Ano bang meron ky nina na wala ako.
Readers?? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?? Tell me!! Charrott!
*beep*
Tumunog ang cellphone ni Nate. Sinilip ko naman baka kasi importante. Pero nawala ang ngiti ko sa labi ko ng makita kung saan galing ang message.
From: My love Nina
Nate! Si papa..andito ako sa hospital. Saan kana?
Ano ang gagawin ko? idedelete ko ba? O sasabihin sa kanya. Pero date namin to ni nate eh!! Baka napano ang papa ni nina. Pero ano naman ang kailangan niya ky nate. Kung nasa hospital naman siya at ang papa niya.
Hindi ko namalayan na nadelete ko pala ang message ni nina. Para akung tanga na binalik agad ang cellphone niya sa kalalagyan nito kanina. Damn! Ano ang ginawa ko? Tama ba yun?
Wala akung pakialam sa kanila atleast kasama ko si Nate ngayon. Oo tama! Tama lang ang ginawa ko kanina.
Pero ang totoo! Hindi ako mapakali dahil sa ginawa ko. Paano kung may mangyaring masama sa papa ni nina?? Kasalanan ko ba? Naguguilty ako!
Sasabihin ko nalang kaya kay nate. Pero paano kung tatanungin niya kung saan ko nalaman kung kaya't wala namang message ang makikita niya dahil nadelete ko na.
Tatahimik nalang ako! Yun lang siguro ang tama kung gawin.
"Are you finish?" bungad ni nate sa harapan ko. Alinlangan naman akung tumango.
"Are you okay?" tanong niya. Ano ang sasabihin ko??
YOU ARE READING
Game Of Love
RomanceLet's enter the Game of love. A game can make you fail, A game can make you cry. A game can make your life mess. A game can teach you to forgive and sacrifice. 'If you enter this game, accept the consequence.'
