Daine POV
Nag-iba si Nate, palagi siyang pumupunta sa bahay ko para bisitahin ako. Palagi niya ako'ng dinadalaw at dalhan ng pagkain. Iniisip ko tuloy na parang may gusto siya sa akin. Pero alam ko na impossible iyon.
"Daine, ano ang gagawin mo sa problema mo?" tanong ni mindy sa akin. Almost 2 weeks na pero hindi ko pa naisip ang gagawin sa pagbubuntis ko at kay nina.
Do i need to tell him?
Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin sa kanya na siya ang ama sa dinadala ko'ng bata. Natatakot ako sa maaring mangyari! Napakatanga ko talaga.
"Huwag mo ng isipin ang sinabi ko. Baka makunan kapa!" sabi ni mindy habang inaabot ang isang bowl ng grapes. Siya ang nagaalaga sa akin.
"Salamat, para tuloy kitang maid!" sabi ko habang tumatawa.
"Halata nga! Anyway, may lakad ka ngayon?" tanong niya sa akin.
"Oo eh! Si nate kasi....gustong magpasama sa mall." ani ko.
"Sege! Pero mag-ingat ka ha! Para sa inaanak ko." sabi niya.
Tumango ako habang kinakain ang isang bowl ng grapes.
-
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay nate, kasi kanina pa kami naglalakad eh."Dito!" sabi niya habang papasok sa isang boutique ng alahas.
"Wow!" bigkas ko habang nakatingin sa kwintas na may nakaukit na 'Te amo' kung sa tagalog ay 'Mahal kita'
"Gusto mo?" tanong niya.
"Oo, pero mahal eh! Sa susunod ko na bilhin!" ngumiti ako. Nagtitipid pa naman ako para sa panganganak ko.
"Ano nga pala ang bibilhin mo?" tanong ko.
"Wala!" sabi niya.
"Ano ang ginagawa natin dito?" takang tanong ko.
"Haha wala!" pagkasabi niya yon, umalis ako at lumabas. Nakakahiya kaya! Wala naman palang bibilhin tapos papasok pasok? Nako! Nakadrugs ata tong si Nate.
Aba! Hindi pa sumunod! May binabalak ba siyang nakawin ang mga alahas doon? Nako? Anyare sa kanya. Hinintay ko siya sa labas kasi ang tagal niya. Ilang minuto pa akong naghintay habang nakatayo sa labas ng biglang lumitaw ang pagmumukha niya sa harapan ko.
"May balak ka bang nakawin ang alahas nila?" tanong ko.
"Ano ka ba! Hindi ako magnanakaw!" sabi niya.
"I know!" sabi ko rin. Dinala niya ako sa may isang ice cream parlor! Umupo kami sa dulo at kumain sa in-order naming ice cream.
"Bakit iba na ang paborito mo'ng flavor na ice cream?" takang tanong niya. Napatigil ako sa pagsubo ng ice cream ng maalala ko na ang flavor na kinain ko ngayon ay ang pinakaayaw ko noon. Tsukolate kasi ang paborito ko at ang cookies and cream flavor naman ang pinaka-hate ko sa buong sulok ng mundo. Pero look what i eat? Cookies and cream!
Siguro dala lang to sa pagbubuntis ko. Ya! Tama! Naglilihi lang pala ako.
"Hey! Tinatanong kita?" takang tanong niya ulit.
"Ahh hihihi gusto kong matikman ang bagong flavor ng ice cream, nakakaumay na kasi sa tsukolate flavor eh!" sagot ko.
"Chocolate flavor?? Nauumayan ka? Halos isang galong ice cream na chocolate ang maubos mo noon eh!" sabi niya.
Wala akong madahilan sa kanya.
"Bawal ba tikman ang ibang flavor?" sabi ko.
"Nagtataka lang kasi ako! Anyway, masarap naman yan." sabi niya habang sinusobo ang pandan na ice cream.

YOU ARE READING
Game Of Love
Storie d'amoreLet's enter the Game of love. A game can make you fail, A game can make you cry. A game can make your life mess. A game can teach you to forgive and sacrifice. 'If you enter this game, accept the consequence.'