Chapter 21: What?

12 0 0
                                    

Nate POV

Nasa harapan ko si Daine, oo nasa harapan ko siya. Andito kami ngayon sa Office ko, Yes, pumunta siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sadya niya. Kita ko ang kalungkutan sa mga mata niya.

"Ano ang kailangan mo?" tanong ko.

"Gusto ka 'daw makita sa kambal." sabi niya. Alam kung ilang minuto ay iiyak siya dahil sa luhang namumuo sa mata niya. Sh*t! Ayaw kung makita siyang umiiyak.

"Hindi ako makakapunta." sabi ko. Agad naman niyang iniwas ang tingin niya sa akin.

"Bakit?" tanong niya.

"Diba sabi mo, hindi na ako magpapakita sa kanila para hindi sila mahihirapan? Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo?" malamig na sabi ko. Nakita ko naman ang lungkot at gulat sa mga mata niya.

"Kaya nga ako andito! Nate! Ilang araw kanang hinahanap ng mga bata. Hindi ko mapigilan pag sila na ang may gusto." sabi niya. Agad ko naman siya hinarap.

"Fine, pupunta ako mamaya. Kailangan ko pa tapusin ang pagaasikaso ko sa kasal ko." nagulat siya sa sinabi ko. Tiningnan ko siya na walang emosyon. Siguro hindi niya inaasahan ang pagpapakasal ko.

"K-Kasal? Ikakasal ka na?" gulat na tanong niya. Tumango naman ako dahilan sa pagtulo ng luha niya.

"I'm sorry, masaya lang ako. Finally, ikakasal kana! Congrats! Nate. Hihihi.. Invited ba ako sa kasal mo?" naluluhang tanong niya. Hanggang ngayon napaka-iyakin niya.

"Ofcourse, because your one of my friend." sabi ko.

"Yeah! Anyway, kung may oras ka mabibisita mo sila. Pero pag wala, ako na ang bahalang magsabi sa......"

"No need, pupuntahan ko sila mamaya. May sasabihin ka pa?" tanong ko. Umiling naman siya.

"Wala na. Aalis na ako." sabi niya. Nakita ko siyang umalis na. Napasapo ko naman ang ulo ko.

Marami pa akung aayusin para sa kasal ko. Kailangan ko nang matapos ito sa lalong madaling panahon.

Daine POV

Masakit! Sobrang sakit! Wala na akung magagawa pag sa oras na maikasal na siya. Wala nang maging ama ang mga anak ko. Kasalanan ko lahat 'to. Kung hindi ko lang inisip ang sarili ko hindi sana dumating sa punto na magpapakasal siya sa iba.

Agad ko'ng tinawagan si Mindy para samahan ako. Kailangan ko'ng pagpalipasin ang sakit na nararamdaman ko. Kailangan ko.

Nang dumating ako sa isang bar ay agad ko naman nakita si Mindy. Sabi ko kasi sa kanya na dito na kami magkikita.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Huhuhuhu!! Mindy... Ikakasal na siya." wika ko. Hindi ko matanggap.

"Ayos lang 'yan. Tahan na." wika naman ni Mindy. Hindi ako tumigil sa pag-iyak.

"Makasarili ako! Hindi ko inisip ang mga anak ko. Paano na sila wala na silang ama! Kasalanan ko 'to." wika ko.

"Hindi mo kasalanan tahan na." sabi niya. Ang tanga! tanga ko! Sobrang tanga!

"Ang pinakalalang sakit sa buong mundo ay ang katangahan!" wika ko.

"Shhhh....Don't cry! Mahal mo ba talaga si Nate?" tanong niya.

"Sobra! Sobrang Mahal!" wika ko. Niyakap naman niya ako. Pagkatapos niya akung yakapin ay nilagok ko lahat ng alak sa harapan ko. Hinayaan naman ako ni Mindy, alam kung naiintindihan niya ako sa ginagawa ko. Alam niya kung gaano kasakit masaktan, kasi naranasan na niya iyon.

"What if! Sirain mo ang kasal nila?" tanong ni Mindy. Umiling ako.

"Ayaw kung itaboy niya ako ulit. Ayaw kung sirain ang magandang pagsasama nila. Ayaw ko!" sabi ko.

"Ikaw bahala! Lasing ka na! Uwi na tayo?" wika niya. Umiling ako! Ayaw ko!

"Nope! Hindi..." pero huli ng...........

Mindy POV

Tingnan mo nga ang gaga nakatulog sa sobrang lasing. Oo madali lang matablan ng alak tong isang to. Minsan lang kasi to umiinom.

Agad ko siyang dinala sa sasakyan ko tapos pinaandar ito patungo sa bahay nila. Naabutan ko si Nate sa bahay nila. Pagkatapos kung ihiga siya sa kama ay kinausap ko si Nate.

"Pagusapan niyo ang tungkol sa inyo! Ang drama ng babaeng 'yan, para matapos na kayo." sabi ko at umalis.

Nanggigigil na ako sa relasyon ng dalawa para'ng mga bagets, may mga anak na eh.

Daine POV

Pagmulat ng mata ko ay agad bumungad sa akin ang mukha sa dalawang dewende. Ano kaya ang nangyari kagabi? Tumayo ako ng sumakit ang ulo..

"Mommy, magbihis ka!! Pupuntahan na'tin si Tita mindy dahil nagpapakamatay daw." sigaw ni Neon.

O___O

What??

"Ohmygad!! What???" agad agad akung kumuha ng damit ko at kinuha ang susi. Nako si Mindy!!

"Sakay kayo! Bilis!! Nako! Sino ang tumawag sa inyo?? Sino ang nagsabi?" tanong ko sa kanila.

"Si Tita Nina po." sabi niya. Agad ko naman tinaas ang kilay ko.

"Bitch!" bulong ko.

"Saan dinala si Mindy??" tanong ko.

"Nasa bahay lang po nila." hindi ako makapaniwala na ang babaeng 'yun may problema pala. Hindi ko napansin dahil inuna ko ang sarili ko.

Pagkatapos kung ipark ang sasakyan ko ay agad naman bumaba ang kambal. Kinuha ko ang susi ko at pumasok sa loob. Walang tao..

Hinanap ko ang kambal ngunit wala sila. Nasaan kaya ang dalawa?

Bakit walang tao? Nasaan sila! Agad akung pumunta sa kwarto ni Mindy ngunit wala siya doon. Teka? Nagsisinungaling ang kambal? Nasaan na sila? Lumabas ako sa kwarto nakita ko ang isang pulang arrow nakadikit sa dingding. Agad ko naman sinunod ito. Pagkarating ko sa isang Guess room ay namangha ako sa sobrang ganda ng kwarto... Puno ng rosas..may nakahugis pa na heart sa gitna. May isang arrow na nasa gitna, tumingin ako sa itaas nakita ko ang isang pisi..kinuha ko iyon nang biglang may pumutok na pang party.

May lumabas na maraming letra.. Nang mabantayan ko kung ano ito, binasa ko ito..

Will

You

Marry

Me

Daine??

Nagulat ako sa nabasa ko, kaya ba nagpakamatay si Mindy dahil ako ang papakasalan ni Cade? What the? Kaibigan kami ni Mindy, paano niya nagawa ito.

Napatigil ako ng may nagsalita sa likuran ko. Napalingon ako sa kanya.

"Will you marry me?" tanong niya. Gulat na gulat akung tumingin sa kanya.

"Gago ka ba Nate?" tanong ko. Gulat naman siya.

"Hindi, i just wan't to marry you." wika niya.

"Papakasalan mo ako?? Aba!Oo....Oo na oo." sigaw ko sabay yakap sa kanya.

"Yehey! Congratss!!" sigaw nilang lahat. Hala!!

"Buhay ka Mindy? Hoy! Mindy buhay ka?" sabi ko sa kanya, tumawa naman silang lahat.

"Gaga!! Oo naman no!" sabi niya.

"Yehey! May kapatid na kami..." sigaw ni Dione dahilan sa paghinto ko. Woah! Nakakahiya.

"Kasalan na! Yey!" sigaw ni Cade. Tumawa naman ako. Habang hinapit ni Nate ang bewang ko saka ako hinalikan. Damn! I miss him!

----
A/N: Woahh! Guyss! Salamat sa pagbabasa!! Abangan ang epilogue! Hindi ko na patatagalin to dahil may bago na naman akung story!!

Please read my other story 'Taste of the Mafias Blood'

Thank you so much reader!! Lablab!!

Vote and comment!! ^_^

Game Of Love Where stories live. Discover now