Chapter 18: Bonding

19 0 0
                                        

Daine POV

"Mom, why can't you tell us the truth?" tanong ni Neon sa akin. Napatigil ako sa pagsuklay ng buhok ni Dione. Masikip ang dibdib ko sa tanong ni Neon. Tell the truth? Paano kung mawala agad sila sa akin? Makakaya ko ba?

"Alam na namin, mom. Halata kasi ang mata niya ay kahawig sa mata namin. And also, ang shaped ng face niya ay kahugis din sa mukha ni Neon." mahinang sabi ni Dione.

"Yes, sweetie. 'yung lalaki na si Nate, he is my bestfriend and also my first love. Siya 'rin ang daddy niyo. I'm sorry dahil hindi ko sinabi sa inyo agad." maluhang sabi ko.

"Naiintindihan namin, mom. Alam naming mahal mo kami. Ayaw mo kaming mawala sa inyo. Actually, your the best mom for me." wika ni Neon. Mahal ko ang mga anak ko.

"Sweetie, no matter what happen tandaan niyo mahal kayo ni mommy." sabi ko sa kanila.

"We know, mom." sagot ni Neon.

"Bakit parang hindi alam ni Daddy este Tito nate ang tungkol sa amin?" tanong ni Dione.

"May problema kasi si Mom and Daddy niyo noon. Kaya hindi ko nasabi ang tungkol sa inyo, ayaw kung makasira sa relasyon ng Daddy niyo kasama ang mahal niya. Pero kung alam siguro ng daddy niyo ang tungkol sa inyo, mahal niya kayo sobra." sabi ko.

"Okay mom!" sagot ni Dione

"Tandaan niyo, walang kasalanan ang daddy niyo sa pagtago ko sa inyo. Mahalin niyo ang daddy niyo." wika ko.

"Okay po mommy." wika ulit ni Dione. Biglang tumunog ang doorbell, kaya binuksan ko ito. Bumungad sa harapan ko si Mindy na may dala dalang pizza.

"Kamusta?" bungad niya sa akin. Tumango naman ako at kinuha ang dala niyang pizza. Umupo siya habang pinanuod ang kambal.na naglalaro.

"Okay lang." sagot ko.

"Bakit hindi mo sabihin sa mga bata ang tungkol sa daddy nila?" sabi naman agad niya.

"Tapos na, alam na nila. Hindi talaga ako makatago ng lihim sa kanila dahil para silang detective kung makasuri." natatawang wika ko. Tumawa naman siya.

"Si Nate? Balak mo ba'ng sabihin sa kanya?" tanong niya. Umupo ako sa tabi niya habang kumuha ng isang slice sa pizza.

"Wala na siguro. Ayaw ko kasing sirain ang pagsasama nila ni Nina." sagot ko. Nakita ko naman siyang nagpipigil ng tawa. Problema niya?

"Ikaw? Kamusta ka? My lovelife ka na ba?" tanong ko. Tumawa naman ang gaga.

"Oo naman! Ano akala mo sa akin tatanda ng dalaga? I have Cade kaya!" nagulat ako sa sinabi niya. Cade? As in si Cade?

"Wahhh! Sure ka? Wahhh congrats!" kilig na sabi ko. Tumawa naman siya.

"Kamusta ang takbo ng relasyon niyo?" sa natatawang sabi ko.

"Ayon, Stay strong pa'rin." sabi niya.

Nagkwentuhan lamang kami ni Mindy. Kung paano niya sinagot at nagkagusto si Cade sa kanya. Hindi daw siya tinatantanan ni Cade pag hindi makuha ang matamis niyang 'Oo' masaya ako sa kaibigan ko. Masaya ako sa kanilang dalawa.

"Maari ko ba'ng hiramin ang anak mo? Dalhin ko sana sa bahay ni Nate." paalam niya sa anak ko. Nasa kusina kami habang nagliligpit sa kinainan namin.

"Paano kung..."

"Mom, everything will be okay. Gusto 'rin namin makita at makilala si daddy kahit hindi niya kami nakikilala bilang anak. We want to know kung deserving ba siya maging isang ama sa amin." napatingin ako kay Neon dahil bigla lang siya susulpot sa amin. Nakikinig siguro.


Game Of Love Stories to obsess over. Discover now