Chapter 19: Hurt.......again

21 0 0
                                        

Daine POV

"Kamusta pala ang asawa mo? Ang ama ng kambal?" tanong niya. Hindi ko na kaya, kailangan na niyang malaman. Pero paano kung?? Paano si Nina?

"Okay lang naman ang ama ng kambal. Wala akung asawa. I mean... Hindi kami magkasama." sabi ko. Kita ko ang lungkot sa mata niya.

"Gusto mo ba'ng kausapin ko ang asawa mo?" sabi niya. Umiling ako at ngumiti.

"Hindi na, kausap ko kasi siya ngayon. I mean.. Yung ama ng kambal masa harapan ko lang." nagulat siya sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Paanong?"

"Naalala mo 'yung nangyari sa atin na lasing ka. 'yun na 'yon. Huwag kang mag-alala hindi ka namin guguluhin sa buhay mo ngayon." mas lalo siyang nagulat sa sinabi ko.

"What do you mean? Huwag mo'ng sabihin na ipapadamot mo sa akin ang anak ko. May karapatan 'din ako sa kanila. Bakit hindi mo sinabi agad na buntis ka pala non?" giit niya. Agad naman ako'ng napatingin sa mata niya.

"Hindi ko ipapadamot ang anak mo. Pero naisip mo naman sana ang posibleng mangyari pag nalaman nila na may mahal ka'ng iba. Kung sasabihin ko ba'ng buntis ako non, Nate? Mamahalin mo ba ako sa pagmamahal na binigay mo kay Nina? Diba hindi! Kasi kahit kailan never mo akung minahal!" sabi ko.

"Pero mali pa'rin ang pagtago mo sa anak ko."

"Anak na'tin. Mali nga kaya nga sinasabi ko sayo, sorry kung tinago ko sila sayo. Ayaw ko lang maramdaman nila na nakikihati sila sa pagmamahal mo. Kaya pinilit kung umalis at magtago." sabi ko. Hinawakan naman niya ang batok niya dahil hindi niya mapigilan ang galit na naramdaman niya. Siya pa ang may ganang magalit? What the!

"Oo, anak nati'ng dalawa. Magsama nalang tayo para mabigyan ng magandang buhay ang kambal." wika niya. Tumawa ako sa sinabi niya.

"Kaya ko silang bigyan ng magandang buhay. Atsaka, tama na! Alam naman nating dalawa na may Mahal kang iba. Paano si Nina pag pinili mo ang anak mo? Nasayang lang ang ilang taong pagsasama ninyo." sabi ko.

"Ano ba ang pinagsasabi mo!?" sigaw niya.

"Ang ibig kung sabihin, hindi mo na kailangang maging ama sa kambal dahil ayaw kung guluhin pa ang pagsasama niyo ni Nina." sabi ko.

"Alam ba ng kambal ang tungkol sa akin?" tanong niya. Tumango ako.

"Oo, huwag kang mag-alala. Kilala ka naman nila. Umuwi kana! Walang patutunguhan ang paguusap na'tin." sabi ko.

"Hindi! Sabihin mo, Daine mahal mo pa ba ako?" tanong niya. Bakit kailangan niya pa'ng itanong 'ya?.

"Eh ano naman ngayon? Kahit na mahal kita hindi pa'rin magbabago ang pagmamahal mo kay Nina. Tama na, Nate. Pagod ako!" sabi ko.

"Ano ba ang sinasabi mo kay Nina! Tigilan mo na-----" naputol ang sasabihin niya ng sumingit ako.

"Tama na! Please! Huwag ka nang magpakita sa kambal at sa akin. Hayaan mo na kami, si Nina lang naman ang mahal mo! Ayaw ko na, ayaw ko nang maging tanga ulit. Hindi na na'tin maibabalik ang dati Nate." wika ko, at bumalik na sa loob. Hindi ko hahayaan ang pananakit niya ulit sa damdamin ko. Gusto ko'ng lumaking maayos at masigla ang kambal. Hindi ko hahayaan na nakikihati ang kambal ko sa pagmamahal ni Nate. Alam kung masaya na siya sa feeling ni Nina.

Agad akung tumabi sa kambal at hinalikan ang mga pisnge nila. Masaya na ako na sila lang ang kasama ko sa buhay. Tama na ang kaligayahan at kalungkutan na binigay sa akin. Ayaw ko nang maulit 'yun. Kailangan ko mabigyan ng magandang buhay ang kambal ko.

--
"Mommy, wake up." mmm.. Agad kung iminulat ang mata ko ng hawakan ni Dione ang mukha ko. Bumungad sa akin ang mukha nilang dalawa. Napabangon ako ng mapansin kung bago'ng ligo ang dalawa.

"Mom, may tao po'ng nagpapabigay ng bulaklak para sayo." wika ni Neon. Lumabas ako sa kwarto at nakita ko ang isang bouquet ng bulaklak. Woah! Full of roses.


Kinuha ko ang sulat at binasa ko.



Goodmorning, Dayang.
Sorry, kung matigas ang ulo. Titigil lang ako sa pangugulo kung lahat ng roses na binigay ko ay mamamatay. Mahal kita Daine.


Alam ko na kung sino ang nagbigay nito. Napabuntong hininga ako sa ginawa niya. Naligo muna ako at bumalik para magluto ng pagkain namin ng makita ko si Nate.. Nagluluto sa kusina namin.

"What are you doing here?" tanong ko. Ngumiti naman siya na tila'y hindi nagulat sa tanong ko.

"Visiting my Family?" sabi niya. Mas lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya.

"We're not your family." sabi ko agad. Napatigil naman siya at tumingin sakin at sa kambal.

Kinuha ko ang kamay niya at kinaladkad patungo sa labas ng bahay. Hinarap ko siya dahil alam kung hindi tama ang nasabi ko. Mali 'yun hindi ko sinadya maging ganon ang lalabas sa bibig ko.

"I'm sorry. Mahihirapan kasi ang mga bata pag nasanay silang binibisita mo sila." wika ko.

"Eh di sasanayin ko..."

"Paano kung magkapamilya kayo ni Nina? Ano nalang ang sasabihin ng iba na may anak ka sa labas? Bakit ba kasi kailangan pa na magpanggap pa na mahal mo kami kung alam naman natin sa simula pa'lang kung sino ang minahal mo." wika ko. Tinanggal naman niya ang  appron na suot niya. Binigay niya sa akin.

"Mahal ko ang anak ko. Mahal din kita! Hindi ba klaro ang sinabi ko?  Patawad dahil hindi ko man lang naiisip kung gaano kahirap at kasakit ang nagawa ko sayo noon. Patawad dahil hindi ko inisip ang hirap na dinaranas mo sa pagpalaki  ng kambal. Alam kung isa lang akung walang kwentang tao dahil hindi ko naisip na may anak pala ako...." sabi niya habang umiiyak.

"Sana naman kahit ngayon mabigyan mo ako nang pagkakataon maipakita sa anak ko at sa sayo na mahal ko kayo.."

"Paano si Nina? Paano ang babaeng Mahal mo? Huwag kanang bumalik dito! Tama na! Ayos na ang lahat tanggap na ng mga bata na hindi ka nila maging daddy. Umalis kana." sabi ko.

"Daine naman..." pagkakaawa niya.

"UMALIS KA NA!" sigaw ko. Napabitaw naman siya sa damit ko.

"Aalis na ako! Hindi na ako babalik. Peri ito ang tatandaan mo, Mahal na Mahal ko kayo! At isa pa, Matagal na kaming hiwalay ni Nina 'yung araw na sinabi mo sa akin ang katutuhanan, 'yung araw na umalis ka. Kaya huwag mo'ng isipin na si Nina ang Mahal ko, kasi sa buong buhay ko ikaw ang una ko'ng minahal at mamahalin pa." sabi niya at tumalikod na. Susubukan ko siyang patigilin pero huli na nang makalayo na siya.


Isa akung malaking tanga! Pina-alis mo ang tao Daine tapos hahanapin mo? 'Wag kang iiyak, kasalanan mo. Damn! Bakit kaba tutulo! Huhuhuhu!! Kasalanan mo'to tanga!

"Mom? Are you okay?" tanong ni Neon. Niyakap ko siya pati na si Dione na kakarating lang. Huhuhu!!

"Mom! Tahan na!" hindi ko talaga kaya! Pero kasalanan ko kasi malaki akung tanga! Wala na ang taong nagmamahal at nagmamalasakit sa akin. Wala na. Huhuhuhu!!


Babalik pa kaya siya? Mamahalin pa'rin niya ba ako? Patawad! Kasalanan ko! Patawad anak dahil sa akin nawala na parang bula ang ama niyo. Patawad dahil sa akin wala na kayong ama. Dahil sa akin.....hindi niyo maranasan kung paano magmahal ang ama.



Patawad anak...

Game Of Love Stories to obsess over. Discover now