Daine POV
"Nate, what's wrong?" tanong ko.
Bigla nalang siyang umiyak at lumabas sa bahay niya papunta sa kotse niya. Sinundan ko naman siya.
"Nate, anong nangyari?? Nate." sabi ko. Bigla nalang niya pinaharorot ang kotse niya. Agad agad naman akung nagtungo sa kotse ko at sinundan siya.
Naabutan ko siya na umiiyak sa labas ng bahay ni nina. Tinawag niya ang pangalan ni nina. Halos masira niya ang pinto ng bahay nila nina.
"Nate. Tumigil kana." mangiyak ngiyak kung sabi.
"No! Hindi ako iiwan ni nina. Mahal niya ako. Nina. Lumabas ka! Nina!" halos masira ang eardrums ko sa kakasigaw niya.
"Baka wala ng tao diyan." sabi ko.
"Nina! Lumabas ka diyan! Nina!" sigaw niya parin.
"Wala ng tao diyan. Umalis na kanina pa." sabi ng matanda.
Sinuntok niya ang pinto nila nina. At halos lumuhod sa kakaiyak.
"Nina..bakit?? Bakit mo ako iniwan? Nina. Mahal na mahal kita. Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka babalik." ani ni nate. Kung nasaktan ako dahil sa selos ko kay nina. Mas nasaktan si nate dahil nawala na si nina.
At ngayon ko lang nakita kung gaano kamahal ni nate si nina. Yung tipong kaya niyang gawin ang lahat huwag lang mawala si nina sa kanya. Yung tipong kaya niyang kalimutan lahat huwag lang si nina. And i don't know what happen. Umiyak na rin ako dahil naawa ako kay nate na umiiyak.
Alam kung kasalanan ko. Pero ginawa ko lang naman iyon para hindi mawala si nate sa akin.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ang mga tao tumatakbo na papunta sa bahay nila. Habang si nate at ako basang basa na sa ulan.
"Nate, umuulan na. Tara uwi na tayo." umiiyak parin siya. Hindi siya tumatayo.
"Nate naman eh. Tara na!" umiyak na ako.
"Daine, bakit niya ako iniwan? Anong kasalanan ko. Bakit??" yinakap ko lang siya.
"Don't worry, I'm here. Wala kang kasalanan." dinala ko na siya sa kotse niya.
Sabi niya kaya niya daw magdrive kaya pinayagan ko nalang. Nagtungo ako sa kotse ko at nagdrive na.
Dumating ako sa bahay niya na hindi ko siya nakikita. Hindi ko alam kung saan siya.
Umiyak nalang ako dahil hindi ko mahanap si nate. Hindi ko rin kinaya ang nararamdaman ko. Sobrang sakit. Dahil mahal na mahal niya si nina.
Nina POV
Nasa airplane na kami. Halos buong byahe namin. Umiiyak lang ako. Hindi ko kayang iwan si nate. Pero hindi ko rin kayang mawala si tatay. Mabuti at nakausap ko si cade. Nakiusap ako sa kanya na bantayan si nate. Pumayag naman siya.
Sana tama ang desisyon ko. Sana tama ang ginawa ko. Alam kung aalagaan naman ni daine si nate. Alam kung magiging okay si nate. Not now, but soon. Sana magiging okay siya. Sana talaga.
Patawad nate.
Babalik ako. Babalikan kita. Mahal na mahal kita nate.
Sana mapatawad mo ako nate. Hindi kita makakalimutan. Dahil mahal na mahal kita.
Darating ang araw na babalikan kita. Pero sana talaga mapatawad niya ako.
"Anak, magiging okay rin ang lahat. Manalig ka lang." wika ni nanay.
"Nay. Huhuhuhuhu si nate." umiyak na ako sa bisig niya.
"Anak. Andito lang kami para sayo."
"Nay,"
YOU ARE READING
Game Of Love
RomanceLet's enter the Game of love. A game can make you fail, A game can make you cry. A game can make your life mess. A game can teach you to forgive and sacrifice. 'If you enter this game, accept the consequence.'
