Teaser

5.7K 87 0
                                    

Dahil sa pagkamatay ni Joaquin ay unti-unti nang nawawalan ng gana sa buhay si Neko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahil sa pagkamatay ni Joaquin ay unti-unti nang nawawalan ng gana sa buhay si Neko. Walang araw na hindi siya malungkot dahil sa pagkawala ng kasintahan. Natuto siyang uminom ng alak at naging AWOL dahil sa sobrang pangungulila sa lalaki.

Isang gabing malungkot at lasing siya ay biglang sumulpot si Ken Chrysander Cruise sa buhay niya at hindi niya natantya ang sarili kaya nagulpi niya ito. Akala niya ay hindi na niya uli makikita ang lalaki dahil sa natamo nito sa kanya, ngunit nagulat siya nang magising siya isang umaga ay kasama na niya ito sa isang hotel at nag-flashback sa isipan niya ang lahat ng mga ginawa niya sa lalaki; she hugged and kissed him!

Pero hindi ito basta-basta ordinaryong lalaki dahil nalaman niyang may expiration ang pakikipag-relasyon; ito ay ang one week relationship rule nito.

Unpredictably, naapektuhan ang puso niya sa naghuhumiyaw na karisma nito. Dahil kahit pilit niyang tinatakasan ang kung anumang tumutubong damdamin sa pakikipaglapit ng lalaki sa kanya mas dumudoble ang pag-i-inarte ng puso niya dahil pa-fall na 'yon sa lalaki.

Mahal niya si Joaquin at hindi niya ito ipagpapalit sa kahit kanino man. Ngunit iba ang inire-react ng puso niya sa tuwing kasama si Ken Chrysander Cruise. At dahil gulong-gulo na ang isipan niya ay kinausap niya si Ken na layuan na siya nito at huwag nang muling magpapakita sa kanya. Ngunit nang lumayo ang lalaki sa kanya ay saka naman niya ito gustong habulin...


(P.S. Soon to be published na po ito under PHR at si Lee Jung Shin si Ken and Nadine is Neko, ^_^)

Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon