"V'S CUISINE? Parang ito ang unang beses kong marinig ang lugar na 'to, ah." ani Neko sa lalaking tumangay sa kanya papunta sa restaurant para sa kanilang early dinner, the place seems cozy and nice.
"Nai-feature na kaya ito sa Kapuso mo Jessica Soho," natatawang sabi naman ni Ken. "They specializes Ilokano foods here." Tumango-tango naman siya. "Dito ka muna, I'll be right back."
"Maghihintay na naman ako?" yamot na sabi niya.
Ngumiti ito at mabilis na nakalapit sa tabi niya at pinisil ang baba niya. "Mami-miss mo ba ako agad?" tukso nito.
"Ay sige, alis na." naiiling na lang na sabi niya, ngumiti at naglakad na rin ito paalis sa harapan niya. Nilinga-linga na lang niya ang paligid, hanggang sa nagulat siya nang biglang may lumapit sa kanya. "A-Ang bilis mo naman," aniya kay Ken, pero parang may kakaiba sa ayos ng buhok nitong may pagka-skater boy ang dating, hindi rin niya makita ang nakakaakit na mga mata nito. "You're not Ken." Sa huli ay sabi niya.
"Wow! So, you're closer than I think." Anito.
"Who are you?"
"I'm Vic Phyrros and you are?" inabot nito ang kamay sa kanya, pero hindi niya inabot, kaya dahan-dahan din nitong ibinaba.
"Neko."
"Ikaw din 'yong sumuntok kay Ken sa bar last time, 'di ba?" amused na tanong nito.
"So?"
Muli itong natawa. "Alam mo, kapag nakilala mo si Jerry ay magkakasundo kayo." Anito.
"Why?"
"Magkamag-anak yata kayo, e." natatawang sabi nito, hindi niya ma-gets ang sinasabi nito kaya pinanlisikan na lamang niya ito ng mga mata. "Okay, I'm sorry." Pagsuko din nito. "Natuwa lang ako dahil first time ni Ken na magdala ng babae dito sa restaurant, oo at maraming sumusunod sa kanya dito pero 'yong siya mismo ang nagsama? Ikaw pa lang." imporma nito. "Seryosuhan na ba ang relasyon ninyo? Parang hindi ko na siya nakikitang nakikipag-date sa kung sinu-sinong mga babae and that's really cute, huh!"
Saglit siyang hindi nakapag-react sa sinabi nito; kumabog kasi ang puso niya sa hindi malamang kadahilanan. Apektado na naman ba siya sa nalaman niya tungkol kay Ken?
"W-Why are you wearing an apron?" pag-iiba na lang niya saka napansin kasi niyang nakasuot ito ng V's cuisine apron.
"Kaming apat na magkakapatid ay nagpa-part time dito as waiters. Medyo napa-OT lang ako dahil kailangan kong i-relieve 'yong isang kasamahan namin."
"W-Waiters?"
"Yes, why? Ayaw mo bang maniwala?" natatawang sabi nito.
Ngunit hindi na niya nasagot ang lalaki nang biglang may matangkad at magandang babae ang nag-excuse sa kanilang dalawa at mabilis nitong hinila si Vic palayo sa kanya—baka girlfriend, sa isip niya.
"Enteng, ang ganda ng necklace! Akala ko talaga nakalimutan mo na nang tuluyan ang regalo mo sa akin. It's worth the wait." Narinig pa niyang masayang sabi ng babae. Itunuon na lamang niya ang atensyon sa kanyang phone.
"Sorry sa muling paghihintay," mabilis siyang nag-angat ng tingin kay Ken at nagulat siya nang tumambad sa harapan niya ang isang bouquet ng tulips na iba-iba ang kulay, wala sa sariling inabot niya 'yon. Nakangiting umupo naman si Ken sa harapan niya, saka ito may tinawag sa likuran niya—mga tauhan sa restaurant para maghatid ng pagkain sa mesa nila. "In-arrange ko pa kasi 'yong bulaklak kaya natagalan ako at f-in-ascilitate ko 'yong pagluluto, gusto kong maging special para magpalabalik-balik ka dito." Nakangiting sabi nito.
BINABASA MO ANG
Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)
Novela JuvenilPaano kung ma-inlove si Ken Chrysander na isang certified playboy sa isang gangster-girl like na katulad ni Neko, na wala man lang ka-inte-interes sa naghuhumiyaw niyang kaguwapuhan? Ito na ba ang karma niya?