"ALONDRA, I'm sorry but I already have a new girlfriend." Imporma ni Ken sa babaeng umuungot na magkita sila. Two days na simula nang matapos ang one week relationship niya sa babae pero hindi pa rin siya tinatantanan nito.
"Okay, kailangan ko siyang makita at makilala para tigilan na kita. Ano'ng klase ng babae ang ipinalit mo sa akin?"
"Hey, 'di ba napag-usapan na natin ang tungkol sa one week relationship rule? Why are you acting like this?"
"Because I deserve you and we look good together."
Nasapo niya ang kanyang noo. Mukhang habang tumatagal ay mas lumalala na ang mga babaeng nagiging karelasyon niya. Mas demanding na ang mga ito at hindi na basta-basta nagpapadala sa rules and conditions niya.
"Alondra, I'm sorry," Maganda ito at sexy pero wala siyang nararamdamang iba dito bukod sa kaunting paghanga dahil sa taglay na kagandahan.
"But I am willing to do anything for you, Ken."
Napabuga siya ng hangin. "I got to go."
"Wait, Ken please listen..."
"I'm sorry, I need to go." Saka niya ibinaba ang tawag at napailing-iling na lang. Naka-karma na yata siya dahil sa pagiging babaero niya, 'eto at ayaw na siyang pakawalan ng mga babae. Muli niyang isinuksok ang cell phone sa bulsa ng suot niyang pantalon.
Umupo siya sa isang bench na nalilimliman ng malaking puno, breaktime at abala ang mga kapatid niya kaya kasama niya ang tatlo sa mga kaibigan at ka-kaklase niya sa photography na noon din ay abala sa kanya-kanyang girlfriend.
Hindi siya dapat mainggit sa mga ito dahil pwede rin naman siya magka-girlfriend anytime pero into serious relationship? 'Yon ang mahirap, hindi naman kasi siya pwedeng pumasok sa isang relationship na ang babae lang ang may gusto sa kanya.
Never pa niyang naramdaman ang ma-OP dahil madalas naman siyang may girls na kasama, madalas namang nakabaling sa kanya ang mga fangirls niya sa school pero nang mga sandaling 'yon ay feeling niya OP siya dahil kanya-kanyang girlfriend ang kasama ng mga kaibigan niya—mga long term relationship.
Inilabas na lamang niya ang Sony Alpha a99 camera mula sa kanyang bag para kuhanan ng larawan ang kalangitan; maganda kasi ang mga cloud formations at ang mga ibong nagliliparan sa himpapawid. It's ten AM yet hindi mainit o maalinsangan.
Abala siya no'n sa kanyang camera nang marinig niyang tumunog ang kanyang cell phone kaya mabilis siyang tinignan kung si Alondra na naman ba ang tumatawag—pero isang unregistered number, mabilis niyang sinagot 'yon out of curiousity.
"Hello?" sagot niya.
"Ken Chrysander Cruise?"
"Yes! And this is?" hindi lang niya mahulaan kung sino 'yon dahil sa dinami-dami ba naman ng tumatawag sa kanyang babae sa numero niya, kahit magpalit pa siya araw-araw ng phone number.
"Nekolai."
"Nekolai, who?"
"This is Neko! At kung hindi mo na ako maalala sa dinami-dami ng mga babae mo, puwede uli kita patikimik ng headbutt." anito, saka lang niya naalala kung sino ito—dahil bigla niyang naalala ang ulo niyang h-in-eadbutt nito.
Neko, the gangster girl. Right! Kailan lang ay nagkasundo sila nito na magpapanggap na sila para makaiwas sa mga taong nagiging annoying na sa buhay nila, pero hindi niya inakala na seryoso pala talaga ito dahil pati number niya ay alam na nito. Hindi yata niya matandaan na ibinigay niya ang numero dito.

BINABASA MO ANG
Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)
Novela JuvenilPaano kung ma-inlove si Ken Chrysander na isang certified playboy sa isang gangster-girl like na katulad ni Neko, na wala man lang ka-inte-interes sa naghuhumiyaw niyang kaguwapuhan? Ito na ba ang karma niya?