NAGULAT si Neko nang paglabas niya sa exit gate ng campus nila ay nakita niyang nakasandal sa kotse at nakapamulsa sa suot na pantalon si Ken, habang tila hinihintay ang kanyang paglabas. Pinagtitinginan ito ng mga taong nasa paligid at may ilan ding mga babae ang nagpapakuha ng litrato kasama ito, daig pa nito ang sikat na artista.
Nang makita siya nito ay mabilis itong nagpaalam sa mga babaeng kumukuha ng larawan para lumapit sa kanya. "Mas maganda ka pa sa hapon, Ms. Gonzales." nakangiting bati nito sa kanya.
"Sa 'yo din Mr. Cruise." Nakangiti ding sabi niya. "So, ano'ng ginagawa mo dito?"
Ngumiti ito sa kanya saka siya pinapuwesto sa compartment ng sasakyan nito, sinabihan siyang buksan daw niya 'yon dahil naroon ang sagot, kaya mabilis naman siyang sumunod. Nagulat siya nang biglang may mga lobong tumambad sa kanyang harapan; may tali ang mga 'yon at sa dulo n'yon ay may nakadikit na papel at may nakasulat na... "Will you go out with me? If yes, get the bouquet of tulips, if no, ignore." Napangiti siya at mabilis na kinuha ang bouquet of tulips.
"Yes!" narinig niyang sabi ni Ken, saka ito mabilis na pinakawalan ang lobo sa ere at isinara ang compartment nito, pinagbuksan ng pintuan sa passenger's seat. "I'm really so happy!" nakangiting sabi nito, bago nito isinara ang pintuan at mabilis na umikot papunta sa driver's seat. Saglit pa ay pinaharurot na nito ang sasakyan.
"Magpapaalam muna ako kina mommy baka kasi hanapin ako—"
"Tapos na."
"Ha?"
"Pinuntahan ko sila sa bahay ninyo para hingiin ang permission nila bago kita pinuntahan dito." Nakangiting sabi nito.
"Wow! Plus one hundred pogi points." Nakangiting sabi niya. Ngumiti naman ito sa kanya. Ayaw man niyang ikumpara ito kay Joaquin pero ibang-iba talaga si Ken Chrysander—hindi lang sa namayapa na dating kasintahan kundi sa iba pang mga lalaking nakakasalamuha niya.
Una silang nagtungo sa cinema house para panuorin ang disney movie na Beauty and the Beast na sobrang kinakiligan nilang dalawa, pagkatapos ay nag-dinner sila sa isang fine restaurant saka sila nagtungo sa isang coffee shop. Ang sarap nitong kasama at kausap, ngayon lang niya nahiling na sana ay bumagal ang takbo ng oras dahil gusto pa niya itong makasama.
Okay aamin na siya! She's in love with Ken Chrysander already! My gosh, daig pa niya ang high school student kung kiligin. Ang kilig na nararamdaman niya ay abot na yata hanggang outer space at baka nga naramdaman na rin 'yon ng mga aliens.
Pagkatapos nilang mag-coffee at magkakuwentuhan sa kanilang napanood na movie—na hindi niya na-imagine na pagkakasunduan nila—ay inihatid na rin siya ng binata pauwi. Quarter to nine sila nakarating sa bahay nila dahil hanggang nine PM lang daw ang paalam ni Ken sa mga magulang niya, natawa tuloy siya.
"Thank you and good night Mr. Cruise." Nakangiting sabi niya sa binata.
Ngumiti din ito sa kanya. "Welcome and good night too, Mrs. Cruise este Ms. Gonzales." Natatawang sabi nito.
Napailing at natawa na lang din siya bago kumaway sa binata pero aaminin niyang kinilig siya sa sinabi nito. Binuksan na niya ang gate ngunit akmang papasok na siya sa loob nang mabilis nitong pinigilang ang braso niya kaya agad siyang bumaling sa binata.
"B-Bakit?" kinakabahang tanong niya, bigla kasing nag-iba ang mga tingin nito sa kanya, na sumeryoso.
"I'm in love with you, Neko." anito, na halos ikawasak ng ribcage niya dahil sa labis na bilis ng tibok ng puso niya. Hindi tuloy niya alam kung nakalutang na din ba siya sa ere o nasa cloud9; she's mixed emotion at hindi niya alam ang isasagot.
BINABASA MO ANG
Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)
Roman pour AdolescentsPaano kung ma-inlove si Ken Chrysander na isang certified playboy sa isang gangster-girl like na katulad ni Neko, na wala man lang ka-inte-interes sa naghuhumiyaw niyang kaguwapuhan? Ito na ba ang karma niya?