NAPAPABUSANGOT si Neko at panay ang tingin sa kanyang phone kung may na-receive siyang text pero wala, panay din ang restart niya sa phone dahil baka na-delay lang ang mga texts niya, pero wala talaga. Kaya nang mag-vibrate ang phone niya ay excited niyang tinignan 'yon pero sobra siyang na-dismaya dahil galing lang pala 'yon sa globe na nag-a-advertise ng kung ano. Kulang na lang ay ibato na niya ang cell phone sa frustration niya.
Tatlong araw nang hindi nagpaparamdam si Ken Chrysander sa kanya. Ayaw naman niya itong i-text dahil baka magmukha siyang atat dito. Bored na bored na siya pero bigla naman siyang tinamad lumabas ng bahay o gumawa ng kahit anong activities, dati ay gustong-gusto niyang naglalalabas ng bahay. Weiiiird!
In three weeks pa ang balik ng parents niya mula sa business trip, gabi-gabing tumatawag ang mga ito sa kanya, kinukumusta siya at pinagbibilinan, somehow ay ramdam na niya ang totoong care at love ng mommy at daddy niya na hindi niya nararamdaman noon o baka pilit lang niyang in-ignora dahil sa naitanim niya sa isipan niyang kabaligtaran niyon.
Muli siyang napahiga sa kama at napatingala sa kisame. It's nine PM pero hindi pa siya inaantok, kailangan din ba niyang magbilang ng butiki o tupa para makatulog tulad ng iba?
Sinubukan niyang libangin ang sarili niya sa panunood ng mga cartoons and Disney movies, kaso nakakaisang oras palang siya ay bored na siya, kaya nag-solve na lang siya nang pinakamahirap na math problem na nakuha sa internet, it took her thirty minutes at halos back to back one whole sheet of paper ang naging computations niya—sa pagkakatanda niya ay no'ng high school pa niya huling ginawa ang ganito kapag nabo-bored siya noon—at parang nagising ang dugo niya.
Sa hinaba-haba ng computation niya ay simpleng 3x lang ang naging sagot. Gusto niyang matawa e, minsan talaga akala mo kumplikado ang isang bagay, pero mabilis din palang masolusyonan kapag nagtiis at nagtiyaga.
Mathematics may not teach us how to add love or minus hate. But it gives us every reason to hope that every problem has a solution.
Mula sa study table ay muli niyang nilundag ang kanyang kama para mahiga doon nang biglang tumunog ang phone niya, akala pa niya no'ng una ay guni-guni lang niya na tumutunog 'yon—pero talagang tumutunong 'yon at gano'n na lang ang kabog ng puso niya nang makita niyang si KC Cruise ang tumatawag.
Kinalma muna niya ang sarili dahil biglang nagwawala ang puso niya sinuway din niya ito saglit dahil ang OA nito maka-react, phonecall lang naman 'yon at si Ken lang 'yon at wala siyang gusto sa lalaking ito kaya huwag magpaka-arte nang gano'n ang puso niya.
Nang muling balingan ang phone niya ay nawala na ang tawag. Nasabunutan tuloy niya ang kanyang sarili. Nag-iinarte pa kasi siya, e. Napabuga siya ng hangin, bakit ba kasi siya nakakaramdam ng gano'n para sa lalaking 'yon? Hindi na talaga niya maintindihan ang sarili niya!
Oo at alam niyang si Ken Domingo ang mahal niya pero bakit iba na ang pakitungo ng puso niya kay Ken Chrysander Cruise? Hindi por que Ken din ito ay dapat kasama ito sa buhay niya, oo nga at parehong Ken ang dalawa pero magkaibang-magkaiba ang dalawang ito. Siguro nga ay masasabi niyang mas angat si Ken Chrysander sa looks, sa dating, sa yaman, sa sweetness, cheesiness at ka-corny-han, mas gentleman din ito at mas masarap kausap—wait! Nanlaki ang kanyang mga nang mapagtanto niyang halos pala lahat ay mas angat si KC Cruise.
Napailing-iling na lang siya. Gayunpaman, si Ken pa rin ang mahal niya—'yong Ken na boyfriend niya, 'yong Ken na nagustuhan niya at nakapagpatibok ng puso niya. Ginulo niya ang buhok niya nang biglang napalitan nang mukha ni Ken Chrysander ang mukha ni Joaquin sa isipan niya. Mukhang mas malakas pa ang multo ni KC Cruise kaysa kay Joaquin.
BINABASA MO ANG
Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)
Fiksi RemajaPaano kung ma-inlove si Ken Chrysander na isang certified playboy sa isang gangster-girl like na katulad ni Neko, na wala man lang ka-inte-interes sa naghuhumiyaw niyang kaguwapuhan? Ito na ba ang karma niya?