"Sweet dreams, Ken." Sagot na lang niya. Pero deep inside gusto rin niyang mag-reply ng 'Mahal din kita'.
DUMAAN MUNA si Ken sa bahay nina Neko para saglit itong dalawin bago sana um-attend sa golden wedding anniversary ng grandparents ni Jennifer nang araw na 'yon, ang kaso sabi ng katulong ay may pinuntahan daw ang dalaga kaya dumiretso na lamang siya sa Our Lady of Lourdes Parish dahil baka magsisimula na rin ang seremonyas ng kasalan.
Nang makapasok siya sa loob ng simbahan ay nakita niya agad si Jennifer na nakaupo sa pangalawang pew sa bandang harapan at siguro ay naramdaman din nitong may nakatitig dito kaya nang lumingon ito sa kanya ay nanlaki ang mga mata nito at mabilis siyang nginitian. Maganda pa rin ito at mas naging stunning pero wala na siyang makapang anumang damdamin para sa babae. Mabilis siyang nakalapit dito at nakipagkamay pero nagulat siya nang yakapin siya nito.
"Na-miss kita, Ken." Nakangiting bulong pa nito sa kanya. Kahit papaano ay naging magkaibigan din sila nito.
"Ako din, Jen." Nakangiting ganti niya. At bago pa siya naupo sa tabi nito ay ipinakilala din siya sa katabi nitong lalaki na napag-alaman niyang kasintahan pala nito. Napangiti siya nang makita ang kasiyahan sa mukha ng dalaga, dahil katulad niya ay mukhang in love na in love din ito sa boyfriend nito.
Nang matapos ang solemn and romantic wedding ay tuluyan na silang dumiretso sa garden ville para sa venue ng kasal. Nakilala na rin niya minsan ang parents ni Jennifer and gladly ay naaalala pa naman siya ng mga ito. Masaya niyang iniabot ang regalo sa grandparents ng dalaga saka siya bumalik sa mesa kung nasaan si Jen. Ang boyfriend naman nito ay abala sa pakikipag-usap sa parents ng dalaga kaya dalawa lamang sila ng kaibigan niya sa mesa.
"I'm really so glad that you're here, Ken, akala ko ay i-snob-in mo 'yong invitation ko sa 'yo." Anito.
Nakangiting umiling naman siya. "Bakit naman? Sa pagkakaalam ko naman ay friends tayo." Aniya.
"Baka kasi nagkaroon ka ng grudge sa akin dahil sa hindi magandang pagkakahiwalay natin noon." Anito.
Umiling-iling siya at ngumiti. "Inaamin kong nasaktan ako at nalungkot pero sa huli ay naintindihan ko din ang naging pasya mo at tingnan mo, masaya na tayong pareho ngayon." aniya.
"And you also looks so in love." hula nito na tinanguan niya. "Bakit di mo siya isinama dito?" ungot nito.
"May pinuntahan kasi siya, e, next time ipapakilala ko kayo sa isa't isa." Nakangiting sabi niya.
Tumango naman ito at ngumiti. "What does she look like?" curious na tanong nito kaya mabilis niyang inilabas ang phone para ipakita dito ang larawan ng babaeng mahal niya. Napangiti naman ito at napailing-iling nang makita nito si Neko. "Stunningly beautiful." Puri nito.
"At medyo magkalayo kayo ng ugali." Nakangiting sabi niya.
"Why?" curious uli na tanong nito. Saka niya ikinuwento dito ang pagkakakilala nila ni Neko kaya pati ito ay nagkuwento na rin tungkol kay Gabriel—ang kasintahan nito for a year na nakilala din sa States. At nalaman din niya na total opposite din daw niya ang lalaki dahil mahinhin ito at tahimik lang. Naikuwento na rin daw siya ni Jen sa boyfriend nito noon kaya palagay na ang loob nito sa kanya.
Pagkatapos nang kainan sa venue ay niyaya siya ni Jennifer na pumunta sa isang coffee shop sa Mall at since may importante daw na gagawin Gabriel ay hindi ito makakasama sa kanilang dalawa pero babawi daw ito sa susunod. M-in-ake sure ni Jen na wala itong dapat ipagselos sa kanilang samahan dahil na-miss lang talaga nilang magkakuwentuhang magkaibigan, na pinayagan naman ng lalaki dahil mukhang malaki ang tiwala nito sa girlfriend. Kaya masaya siya para sa kaibigan niya sa pagkakaroon ng mabait na boyfriend.
Walang humpay na kuwentuhan at tawanan sila ni Jennifer sa mga nangyari sa kanilang buhay sa nakalipas na apat na taon. Nakakatawa din daw na ang dating totoy na kilala nito noon ay isa nang super head turner ngayon.
NAPAHINTO sa paglalakad si Neko habang palabas ng Mall kung saan siya nakipag-meet sa parents ni Joaquin para isauli ang mga gamit na ibinigay ng lalaki no'n sa kanya at para makausap na rin ang mga ito tungkol sa bagong lalaking nagmamay-ari ng puso niya—nang mahagip ng kanyang mga mata ang isang pamilyar na lalaking noon ay may kasamang babae sa isang coffee shop.
Nakailang kurap siya ng mga mata bago niya napatunayan na ang lalaking 'yon ay walang iba kundi si Ken Chrysander—na kasama noon ng isang magandang babae—at sobrang bagay na bagay ang dalawa. Ang sweet din ng mga ito at masayang nagtatawanan pa.
Biglang linukob nang takot at selos ang puso niya dahil nararamdaman niya, naisip niyang baka dahil sa tagal nang paghihintay ni Ken na sagutin niya ito ay tuluyan na itong na-fall out of love sa kanya at nahulog na sa kung sinumang babaeng kasama nito nang mga sandaling 'yon.
Sasagutin naman na niya ito e, kaya lang ay gusto niyang nakaayos ang lahat-lahat. She even planned for a date para i-timing ang pagsagot dito, kaya lang ay mukhang huli na yata siya dahil mukhang masaya na ito kasama ang babaeng 'yon. Ironic, pero mukhang epic fail na naman siya sa pag-ibig.
Ilang minuto din siyang nakatayo sa kinaroroonan niya habang pinapanood ang dalawang taong masayang nag-uusap, hindi niya namalayan na sa sobrang sakit nang nararamdaman niya ay nag-uunahan nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Mas masakit pa ito sa ginawa sa kanya ni Joaquin kahit magkapareho lang naman itong palihim siyang pinagtataksilan. Pinagtaksilan? Hindi mo pa naman alam ang lahat, bakit hindi mo kausapin si Ken? Anang isipan niya. Pero para saan pa? Para mas lalong mapatunayan na loser siya? Tama nga ang kasabihan na 'a playboy will always be a playboy'.
Napakagat siya sa ibabang labi niya at nagmamadaling lumabas ng Mall, pumara siya agad ng taxi at tuluyan nang umalis sa lugar na wasak at duguan ang puso niya. Kailan ba siya susuwertehin sa larangan ng pag-ibig? Mukhang sa pangalawang pagkakataon ay bigo na naman siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/127104066-288-k559129.jpg)
BINABASA MO ANG
Book 2: The Playboy's Karma (Soon to be published under PHR--Completed)
Teen FictionPaano kung ma-inlove si Ken Chrysander na isang certified playboy sa isang gangster-girl like na katulad ni Neko, na wala man lang ka-inte-interes sa naghuhumiyaw niyang kaguwapuhan? Ito na ba ang karma niya?